Tumayo na si Paloma mula sa upuan nito at gayundin si Joaquin na sinundan naman ni Henry. "I'll go ahead na rin," pagpapaalam ni Henry pagkatapos ay nakangiti itong bumaling sa kanya. "See you in the office, Millie." Bahagya lang itong tinanguan ni Millie. Pagkatapos ay halos sabay-sabay na umalis ang mga ito. At naiwan siyang mag-isa sa kusina na masama ang loob habang nagliligpit ng kanilang mga pinagkainan. Tila gusto na niyang maiyak dahil sa sakit na nararamdaman sa isipin na magkasama kagabi sina Joaquin at Paloma. At ngayon naman ay ihinatid pa ito ng kanyang nobyo. Gayunpaman ay hindi siya umiyak. Isa iyon sa ipinangako niya sa kanyang sarili na wala siyang iiyakan na kahit isang lalaki. Sapat na ang mga luha na ibinuhos niya para sa kanyang ama sa tuwing maiisip niya ito. Mabi

