"Kanina ka pa diyan Rome. Nagkaroon pa kasi kami ng short meeting with Mr. Abella. "
"Not really Ma'am Lovely, halos kakarating ko lang din naman. "
Bahagya naman siyang ngumiti at "Kung ganon ay let's go." Sabi pa niya.
Mabilis naman akong sumunod sa kanya sa parking lot ng restaurant.
"Nga pala marunong kabang mag drive Rome? " Tanong pa niya habang patuloy lang siyang naglalakad ng mabilis papunta sa Gray Toyota Vios niya.
Mabilis naman akong napakamot sa aking ulo.
"Hindi pa Ma'am. Una ay wala naman akong kotse para matutunan yan. " Napapangiting tugon.
"Oo nga naman.. " Sabi niya.
Mabilis naman niyang kinuha sa bag ang remote key ng kanyang kotse at pinindot ito habang patuloy na naglalakad palapit sa sasakyan.
Bago naman nito binuksan ang driver side door at tsaka lumulan na nga siya sa kotse, bago naman muling humarap sa akin.
"Don ka pala sa kabila Rome, sa passenger side bukas na yan. " Nakangiting sabi pa niya bago naman tuluyang isinara ang pintuan niya.
Kaya naman halos patakbo pa nga akong lumipat sa kabilang side at tsaka naman sumakay sa tabi niya.
"Saan pala tayo? " Simpleng tanong niya bago naman ini start niya ang sasakyan.
Sandali ko namang inilibot ang paningin ko da loob ng kotse niya. Napakalinis nito at syempre ay mabango.
Mapaghahalatang napakalinis sa sarili ng may ari nito.
"Kayo po Ma'am. Game naman ako kahit saan." Kampanteng sabi ko pa.
Wala naman siyang naging reaksyon sa naging sagot ko. Basta naramdaman ko nalang ang mabilis na paglamig sa loob ng sasakyan niya habang ngayon mabagal na kaming lumalabas sa parking lot.
"Wala din akong maisip Rome, isa pa ay hindi ako pwedeng sumama sa iyo kung saan saan lang. Alam mo namang may asawa akong tao diba."
Tumango naman ako, bagama't patuloy na hindi nagbigay ng suggestion. Ayoko kasing mapahiya, lalo na kung ang naiisip kong lugar ay hindi pala okay sa kanya. Still ay Manager ko siya. At ayoko naman yatang mawalan ng trabaho dahil lang sa kapangahasan ko.
"Teka tatahimik ka nalang ba talaga diyan? In the first place ay ikaw kaya ang nag-aya. Hindi dapat lang na planado mo na ito bago pa man tayo umalis?" Napapailing, subalit nakangiti namang sabi niya.
Siguro ay para na din pagaanin ang sitwasyon naming dalawa.
"Ang totoo ay may mga naiisip din naman ako Ma'am. Pero hindi ko alam kung pasok ba sa iyo kung mga gusto ko namang puntahan natin. Unang una ay Boss kita. Kaya naman diba dapat lang na ikaw ang masunod? "
Natawa naman siya.
"Well, outside the restaurant ay hindi mo naman ako Manager, Rome. Dahil wala naman na tayo sa trabaho. Pero sige, ako nalang ang iisip ng pupuntahan natin na sa tingin ko ay safe talaga." Sabi pa niya.
Nabuhayan naman ako ng loob, dahil sa sinabi niya.
"Kung ganon ay go tayo diyan Ma'am. Gaya ng sabi ko ay game ako kahit saan. " Sabi ko pa.
"Ganon ba Rome? Kung ganon ay may idea kaba kung saan nga ito? Can you make a wild guess?" Pilyang tanong niya.
"Huh? Parang ayoko namang humula Ma'am. Paano kung mali ako, tapos ay sesentahin mo pa ako. " Natatawang biro ko.
"Huh? Bakit naman sesesentahin? Agad agad ba ay ganong ang gagawin ko dahil mali ang hula mo? Parang kay sama ko namang tao non diba? " Natatawang sabi pa niya habang patuloy pa din naman siyang nagda drive at nakatingin sa kalsada.
"Naisip ko lang Ma'am, kasi isa lang naman ang naiisip kong safe na lugar for us. Yung totoong walang makakakita sa atin. At wala ding makakapagsumbong sa asawa mo, na may kainuman kang isa sa mga service crew mo. " Sabi ko pa.
Sandali naman siyang napaisip at.
"Hmm at saan naman kaya ito Rome? Pwede ko bang malaman huh? Out of curiousity lang. "
"Ayoko Ma'am, baka kasi magalit ka." Sagot ko pa.
"Sige hindi promise. "
"Kahit anong sabihin ko okay lang talaga Ma'am? Usapang matino ito Ma'am." Sabi ko pa.
Mabilis naman siyang bumitaw sa manibela ng sasakyan at itinaas ang dalawang kamay.
"Yeah I promise. Sabihin mo na dali." Tila excited pang tanong niya.
Mabilis ko namang ikinalma ang sarili ko. At sandali pa nga siyang pinagmasdan habang naka-upo at nagda drive.
Maganda talaga si Ma'am Lovely, kahit medyo chuby siya ay tila lalo naman siyang nakakagigil yapusin at halikan.
"Sa Motel Ma'am?" Walang gatol at derektang sagot ko.
At mapalunok nalang ako ng mapansin ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Kasabay na tila pagkasamid niya at pag-ubo habang natatawa sa akin.
"Loko ka ha, ang pilyo mo sa part na yon. Pero dahil nangako akong hindi magagalit sa iyo ay hindi talaga. " Natatawa pa ding sagot niya.
"So, mali ba ko ng hula Ma'am? "
Muli naman siyang natawa.
"E bakit naman kasi iyon ang naisip mong lugar? Malinaw ang usapan natin na willing ka makinig sa sentiments ko sa hubby ko. At wala sa usapan yung ganong bagay" Muli namang sabi niya bago naman nag rolling ang mga mata niya.
"Hindi ko din alam Ma'am. Siguro ay sinunod ko lang ang pantasya ko ganon. Kaya iyon ang lumabas sa bibig ko. "
Sandali naman siyang sumiryeso at tumingin sa akin.
"At ano namang pantasya ito Rome?"
Umalis ako sa pagkakasandal ko. At tumitig sa kanya.
"Yung mga pantasya ko gabi-gabi Ma'am. Na kasama kita sa isang motel at doon ay malaya kong ipinapalalasap sa iyo kung gaano ba kita kagusto. Na kung paano ba kita pantasyahin."
Muli naman siyang natawa at inubo sa sinabi ko.
"Teka bakit ako? Sa gwapo mong iyan? Tapos magkakagusto ka sa kagaya ko lang? Teka ang taba taba ko din kaya? Kaya mga yata nagsawa na sa akin ang asawa ko dahil dito eh."
Nagkibit balikat naman ako at, "Tinanong mo ako kanina kaya sinagot lang kita Ma'am. Kung mali ako ng hula ay wala namang problema ito sa akin. Gaya ng sabi ko ay payag ako kahit saan. "
Hindi naman na kumibo pa si Ma'am. At bagkus ay sumiryeso na ito at nag focus nalang sa pagda drive.
"Ayoko sa Motel, Rome. Una ay hindi ako sanay na pumupunta don. Pangalawa ay baka magkasalubong pa kami ng Husband ko at ng kabit niya don. Diba mas nakakatawa yon?"
Napabugtong hininga nalang ako.
"Sige huwag sa Motel Ma'am. "
Tumango naman siya at,
"Hindi talaga Rome, dahil sa bahay tayo iinom. Doon ay safe tayo kahit hanggang bukas pa. "
Muli naman akong napatingin sa kanya, kasabay ng paglingon niya, ay nagkasalubong ang aming mga ngiti.