DRA. MARIA IVONNE'S
POV
"Mom, don't forget our dinner tonight."
Isang text message ang totoong nagpangiti sa akin. Bago naman muling inilagay sa balikat ko ang stethoscope at naghanda para sa last Baby Patient ko.
"Melba come here.. " Malambing na tawag ko pa sa nurse assistant ko, na mabilis din namang nakapasok.
"Ano po pala yong Doktora?" Magalang na tugon naman niya sa akin, habang nanatili siyang nakatayo sa gilid ko.
"Nakuha mo ba ang lahat ng vitals ni Baby, Melba?" Tanong ko naman sa kanya, habang iniaabot niya sa akin ang record ng last baby patient ko.
"Yes po Dra. Ready na din po si Baby para Pentavalent, OPV at PCV13 shots."
"Good! Papasukin mo na pala si Baby para mabigyan na ng vaccine at oral shots. Pagkatapos ay ikaw na ang bahala dito dahil may dinner kami ni Robie. " Sabi ko pa habang nagsusulat sa record book ng huling baby patient ko.
"Mukhang naglalambing na naman ang Baby mo Doktora?"
Ngumiti naman ako.
"Oo, kasi nga ay ipapakilala na daw niya ang kanyang girlfriend, dahil sa wakas ay natuto ding manligaw ang batang yon. Hindi yong puro basketball ang nasa utak." Napapailing pang litanya ko.
"Ay mabuti naman pala kung ganon nga Doktora, kaya lang ay hindi kaba nalulungkot na mababaling na ang full attention niya sa girlfriend niya, kesa naman sa iyo na Mommy niya. "
I sighed, bago naman muling itinupi ang record book at, "Of course I do. Pero as his Mom ay masaya pa din naman ako para sa kanya. After all ay hindi naman matatapos ang pagka Mommy ko sa kanya, kahit pa ba mag-asawa na siya." Patuloy ko pa.
"Kung sabagay po Doktora, tama po kayo. At syempre ay nakaka excite din namang mag alaga ng Apo, lalo pa nga at Pedia ka pa Doktora." Sabi pa niya.
"Hmm maybe, pero sana lang hindi ako maging OA sa pagha handle sa sarili kong Apo. Ibang usapin na kasi yan. Pero syempre ay ibibigay ko pa din naman sa kanila ang mga decisions, kung paano nila aalagaan at palalakihin ang mga Anak nila." Napapangiting sambit ko pa.
"Mabuti naman at hindi ka binubuyo ni Robie na mag boyfriend na din, gayong binata na ang Anak mo at may plano na ding mag pamilya Doktora. "
Bahagya naman akong ngumiti at magbungtong hininga.
"Ano bang hindi, even before ay lagi niya kaya akong itinutulak na mag-asawa na daw. Para malaya na din siya." Napapailing pang pagbibida ko.
Natawa naman si Melba sa sinabi ko.
"Eh ano naman ang isinagot niyo kapag ganon Doktora? Tsaka bakit nga ba ayaw niyo pa? Gayong napakadami na niyong napatunayan maging sa mga magulang niyo. Diba panahon naman para sa sarili mo namang kaligayahan Doktora?"
"Well, masaya ako kung ano ang meron ako Melba." Sabi ko pa bago naman huminga ng malalim. "Nga pala ano ang mga appointment ko sa mga susunod na araw? " Pagbabago ko pa ng usapan.
Mabilis naman kinuha ni Melba ang planner niya at isa-isa nga itong binuklat sa harapan ko.
"Bukas ay nandito ang mga Med Reps para sa product endorsement ng mga bagong medicine ng Pharmaceutical Company nila. And then the next day ay may Convention po kayo sa Tagaytay."
Tumango tango naman ako.
"How about Sunday? " Muli ko namang tanong.
"Yun nga sana ang itatanong ko sa iyo Doktora kung-------"
"I free mo ako sa Sunday and please don't make any appointments on that day. Dahil nasa bahay daw ang teammates ni Robie para don sila magla lunch sa poolside. Kaya naman gusto kong ako mismo ang mag-prepare ng food para sa kanila. At king may free time kayo ay maari niyo ba akong tulungan? Just imagine isang team yung pakakainin ko, nakakaloka yon huh" Excited na sabi ko pa.
"Kung ganon ay sige po Doktora. Papasukin ko na po yung last Baby Patient mo. "
"Yes please... "
***
After nga ng Clinic ko ay dumiretso na ako sa Restaurant kung nasaan si Robie at ang new girlfriend niya.
And finally sa unang pagkakataon on his entire life ay may ipinakilalang babae sa akin ang aking Anak. Bagay na nagpa excite sa akin ng husto.
At aaminin kong masaya na malungkot din pala ito.
Masaya dahil ito naman talaga ang gusto kong mangyari. Ang magkaroon siya ng kasintahan at wife na din someday. Still ay lalake siya, at tanggap ko iyon.
Subalit malungkot din naman dahil yung itinuturing kong Baby pa din ay unti-unti ng inaagaw sa akin ng tunay na magma may-aring babae dito balang araw.
Well, nasanay lang siguro ako, na kami ang palaging magkasama. Na sa akin lang umiikot ang mundo niya before. Na maging mga decisions nga niya sa buhay ay sa akin niya ikinu kunsulta.
Subalit darating pala talaga ang araw na palalayain mo ang iyong Anak, para naman sa ikaliligaya niya.
***
"Are you sure na okay ka lang Mommy? " Tanong pa niya sa aking habang nakaupo kami sa couch at nagmo movie marathon, after nga ng dinner date ko with his girl.
"Yes! Bakit naman hindi? " Sagot ko pa habang patuloy na ngumunguya ng popcorn na ako din naman ang nagluto sa microwave oven.
"Ahh ehh wala lang Mommy, iniisip ko kasi na baka hindi nagustuhan si Cathy for me. " Sabi pa niya.
"Bakit mo naman nasabi? Of course I like her. Maganda siya, mabait at magalang. Isa pa ay may stable job na din siya at galing sa magandang pamilya. She's almost perfect for me. " Sagot ko pa.
Nakakibit balikat naman siya at tumango tango.
"Mabuti naman pala kung ganon Mommy. Kaya naman pwede ko na ulit hilingin na sana naman ay mag dyowa kana? Kasi para naman hindi ako nagi guilty kapag naiiwan kitang mag-isa dito sa bahay. "
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"At ano naman ang akala mo sa akin Robie? Hindi ko kayang mabuhay na mag-isa? Isa pa ay masaya na ako sa ganito. Masyado kayong toxic na mga lalake, kaya naman may trauma na ako sa kagaya niyo noh. " Natatawang sabi ko pa bago naman umirap pa sa kanya.
"Wala akong sinabing ganyan Mommy, ang akin lang ay karapatan mo din namang sumaya no. At FYI, hindi lahat ng lalake ay toxic no. Look at me. " Natatawa pang sambit niya.
"Oo na, pero hayaan mo. Kapag may nagustuhan ako ay ikaw ang unang makakaalam syempre."
Sumaya naman ang kanyang mukha sa huling sinabi ko.
"Sure ba yan Mommy?" Halos hindi makapaniwalang tanong pa niya.
Natawa naman ako.
"Teka lang, ang sabi ay kung may makikilalala ako. I'm not saying na maghahanap ako, duh" Sabi ko pa.
"Okay Mommy, loud and clear. At isasama ko yan wishlist ko."
Natawa naman ako sa sinabi niya.