21

1572 Words

“MAY BISITA PO KAYO sa labas, Sir. Wala po siyang appointment pero baka pupuwede n’yo raw po siyang maisingit sa schedule n’yo?” “Who is it?” ang tanong ni Roberto sa receptionist na nasa intercom habang hindi nag-aangat ng paningin sa binabasang proposal.  “Tanya Marasigan po.” Nabitiwan ni Roberto ang hawak. Napatitig lang siya sa intercom. He hated how his heart jumped. Bigla ay hindi niya magawang mag-isip nang matino. Noon muling umalsa ang galit sa kanyang dibdib. Nagagalit siya na hinahayaan na naman niyang maapektuhan siya ni Tanya. Nagagalit siya na may lakas ng loob at kapal ng mukha si Tanya na puntahan siya sa lugar na pinagtatrabahuhan, sa lugar na pinaghirapan niyang itatag para patunayan sa lahat na mali ito noong tanggihan at iwanan siya. “Sir?” untag ng receptionist.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD