NANGALUMBABA SI VICTORIA habang pinagmamasdan ang pagbi-blink ng cursor sa word document. Hindi niya madagdagan ang isinusulat anuman ang kanyang gawin. Ayaw umusad ng kuwento. Hindi niya alam kung ano ang nais gawin ng mga karakter niya. Ibinaling niya ang paningin sa nananahimik niyang cell phone. Napabuntong-hininga si Victoria. Halos isang linggo na niyang hindi nakakausap si Roberto. Pinapadalhan pa rin siya nito ng mga text messages ngunit upang sabihin lamang ang kaabalahan nito. May deadline na hinahabol at may mga deal na kailangang i-close. Hindi naman niya gustong mangulit at makaabala kaya hindi siya tumatawag at hindi rin niya tinatadtad ng text messages at private messages ang nobyo. Ang pangako naman nito sa isang mensahe nito ay babawi ito kapag nakaluwag-luwag na. Dinam

