NAGING MASAYA AT EXCITING ang mga activity nila nang sumunod na araw. Iyon ang araw nila para sa Subterranean River National Park. Hindi sila maaaring umalis ng Palawan na hindi napupuntahan ang pamosong tourist attraction. Habang naghihintay ng kanilang turn ay sinubukan muna nila ang zip line. Hindi na gaanong kinabahan o nag-alangan si Victoria. Naisip niya na naroon na siya, susubukan na niya ang mga bagay na hindi niya karaniwang nasusubukan. Nakatulong na laging nasa tabi niya si Roberto at ini-engganyo siya. Hindi pa niya nasusubukang mag-zip line kaya naman takot na takot siyang subukan iyon. Ngunit kaagad na nawala ang kaba at takot nang nasa ere na siya. Napakaganda ng nakita ng kanyang mga mata. Sa palagay niya masyadong mabilis ang experience. Natawa si Roberto nang sabihin niy

