“MAY TRICYCLE naman siguro na daraan,” ang sabi ni Victoria habang ibinabalik ang bote ng tubig ni Roberto. Nakalimutan niyang magdala niyon kaya nakiinom na lang siya. Basang-basa na siya sa pawis at kasalukuyan silang naglalakad pabalik ng bahay. Bahagya niyang pinagsisihan ang pagsama sa jogging nito. Pagod na pagod siya. Si Roberto ay masigla, gayunpaman. Nakangiti ito at waring hindi gaanong napagod sa haba ng tinakbo nila kahit na kagaya niya ay pawis na pawis din ito. “Hindi tayo sasakay pauwi. Maglalakad tayo pabalik. Malapit naman na tayo.” Nilingon ni Victoria ang guwapong binata. Ang ibang lalaki ay magmumukhang dugyot at mabaho kapag ganoon na pawisan ang mukha at buhok. Ngunit mukhang mabangong-mabango pa rin si Roberto. Guwapong-guwapo pa rin. Sexy without even trying. Para

