Chapter 1

2409 Words
I am crishna pauline valencia from San jose, tarlac 17 years old and taking up Bachelor of Science in Buisiness and Accountancy (BSBA) major in Financial Management in Saint Claire University (SCU) so about my self? Hm? Mag isa lang akong anak tapos di naman kami mayaman, hindi din mahirap basta yun sakto lang, i like eating sweets, oh wait let me rephrase that i love eating sweets!! mahilig din ako sa kahit na anong bagay basta rabbit ang usapan! Im so adiccted with the rabbit stuffs kasi talaga eh. And then my favorite color is blue. sa physical appearance naman, all i can say is, im pretty, gourgeous, beautiful and lovely! Haha no kidding maganda talaga ako eh. Sabi ng mama ko. Singkit po ang aking mata maputi ako and hanggang bewang ang buhok ko na kulot sa my dulo. Pinakulot ko lang yan eh, okay enough about my face. basta maganda ako. So about my attitude naman? Sabi nila sadista daw ako. Haha mejo lang naman, hm? Moody sometimes, at MABAIT na MATINO pa. Hep. Hep. Walang kokontra. About my lovelife? Hustisya! Please don't ask nalang kase virgin pa ako no, i mean NBSB pala. Haha wanna know why? Ok this is the answer M-A-R-K-O with all capital letters pa! He is the love of my life. My destiny, my soulmate my- "ay kunehong hilaw!" sino ba tong panira ng moment na to at kailangan pang manundot! hinarap ko na yung storbo at handa na sana akong sigawan ang poncho pilata o pilato na iyon kaya lang ay tila nalulon ko na ata lahat ng laway ko kasama na din ang dila ko. Dahil pag harap ko, i saw my bestfriend madyl, With the love of my life, nakaakbay lang naman sakanya ang markobabe ko. Haaaay nakakainggit talaga si mady. O teka teka, wag kayo mag isip ng masama ah, hindi ko naman kakaribalin ang bestfriend ko no, mahal ko kaya yan kahit baliw. By the way kapatid sya ng aking tadhana so it means soon to be sister in law ko sya, hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti with that thought. Napatingin ako kay mady at nakita ko na naman yung familiar look nya na nagsasabing back-to-reality! Ang talim ng tingin nya grabe "aga aga nag dadaydream ka! Mukha kang takas sa mental!" "alangan namang gabi? Kaya nga DAYdream diba? Diba?! " "Whatever!" Maddy said as she rolled her eyes "Good Morning marko" i said with wide smile, di ko nalang pinansin si mady dahil kokontra lang nanaman yan for sure, kaya bahala na sya sa buhay nya. And syempre as usual tumango lang si pagibig ko, tsk kaya lalo akong naiinlove sakanya ih. Napaka cold. And i really like dat. Rawr. "Una nako sis, sabay tayo mamaya ha. Pagagalitan ako pag nagloko ka at lagot ka naman sakin" "yes boss! Babye ingat sila sayo!" ngumiti naman ang aking tadhana bago tuluyang umalis, wala nalang akong nagawa kundi sundan ng tingin ang aking walking heart, ang gwapo nya talaga! Matangkad, maputi maganda ang mata, matangos ang ilong, matalino, snob, hindi pa manloloko. Alam ko yan admirer nya ko eh. Take note hot pa yan. Mas mainit pa sa mainit na tinapay. Abs palang ulam na. "naglalaway ka! Kadiri! Hala sige lang tunawin mo na yang kapatid ko ng mabawasan ang nang iinis sakin dito sa mundong ibabaw" ngumisi pa sya kaya hinampas ko sya ng bonggang bongga "ouch ano ba! Bat ka ba nanghahampas! Sinumpong nanaman yang kasadistahan mong kuneho ka ha!" she rolled her eyes again. Kakahilo naman kakairap neto "kung ano ano kasi yang pinagsasasabi mo eh! Ayoko syempreng mawala ang puso ko di ko kakayanin kung hindi ko na makikita ang markobabe ko" "Yeah right, napaka OA mo nanaman" and she once again made an eye roll, ako talaga hilong hilo na sa kakairap nito ah. Tsk "keep on dreaming bestfriend" sabi nya tapos iniwan nako. Haha bastusan lang? Tsk ganyan talaga yan pero sanay nako. Hindi ako sinusuportahan nyan sa kapatid nya eversince kahit na mag best friend kami, bakit? Diko padin alam kung bakit eh, pero atleast diretsahan nyang pinapakitang ayaw nya ko sa kuya nya hindi gaya ng iba na pakitang tao. Pero sorry parin sya kasi Hindi nya ko mapapasuko no. Dahil kung si markobabe ang The great snob sya naman ang The great frank. Talagang diretsahan magsalita yan lalo kapag nagalit sya, walang preno ang bunganga, playgirl pa yan. Maganda kasi at matalino pa, kaya sinong hindi magpapaloko sa babaeng yan? Sya nga pala, nakilala ko yang si Madyl Sabuclalao nung 3rd year highschool kame, nalaman ko kasing kapatid nya pala ang aking pagibig na si marko, noong unang kita ko nga sakanya super ilag ako pano ba naman kasi, mukang mataray! ayon pala sira din ang ulo! Kaya nga takot akong iwan o kaya ipagpalit yang babaeng yan eh, baka kasi ipalapa ako sa pating, pag nangyare yon, mawawalan na ng mapapangasawa ang markobabe ko, kawawa naman sya pag nagkataon. "hey wait naman! Wag kang mang iwan sa ere uy!" "wag ka ngang ambisyosa wala ka sa ere. Ihagis kita eh" "Wag naman sis, hindi ko na mak-" "How many times did i tell you na tigilan mo na si kuya dahil wala ka ding mapapala ha? Tama na yang kagagahan ok?" iritableng sagot nya. wala sa mood ang lola nyo "i can't! Hindi ko kaya!" "wag kang sumigaw magkatabi na tayo!" "ang nega mo kasi, bakit ba ayaw mo ako para sa kuya mo ha? Besfriend mo kaya ako" pinamewangan ko sya sa harap nya, alangan sa likod, inirapan nya nanaman ako then she let out a deep sigh "he cant love you" "trust me, he can" napailing naman sya na para bang susuko nalang. Haha saken lang sya ganyan ha? Hindi kasi mahilig yan magpatalo eh. Magkakamatayan kayo kapag nakipagdebate ka dyan, di ka nya uurungan. "bahala ka na nga sa buhay mo" "ibig bang sabihin nyan ok na sayo na pinapantasya ko ang kuya mo at susuportahan mo na ako?" "still no" "oh why you gonna be so rude? Don't you know im human too" kanta nalang ako ng rude by magic, baka sakaling umepekto "im not being rude" "ok sabi mo eh, pero sasabihin ko parin sayo na hindi ko sya isusuko. My ghad bestyy tatlong taon ko na syang gusto no!" mukhang may sasabihin pa sana sya pero bumuntong hininga nalang ulit sya at naglakad na papunta sa building namin, medyo malayo dito ang building nila marko kaya hindi ko sya matanaw. Haaay kanina ko lang sya nakita pero miss ko na agad sya. ---- "bestfriend, sa tingin mo ba may pagasa pa ako sa kuya mo? Wala pa naman syang girlfriend diba?" Tanong ko kay mady habang naglalakad kami papunta sa canteen. "Tinatanong mo talaga ako? Eh diba alam mo na isasagot ko dyan? Hm? pero para maiba naman, teka lang" hinimas himas pa nya yung baba nya na parang ang lalim ng iniisip. Mukhang malapit na nga tong malunod so sobrang lalim eh tss "well kung gusto mong tumanda ng dalaga sige, pangarapin mo lang si kuya, ipapanalangin ko nalang na sana isang araw lumabo ang paningin niya at mapansin ka" woah. Yan na ang pinaka matino nyang sagot sakin pagdating kay marko kadalasan kasi ang sasabihin lang nyan. 'malay ko sayo' o kaya 'tumigil ka na nga dyan sa kabaliwan mo' haha nasa mood yata to ngayon ah. Ano kayang nakain nito? Ipapakain ko sakanya araw araw. "napaka thoughtful mo talaga bestfriend, salamat sa suporta ha? Kaya naman mahal na mahal kita eh" i said sarcasticly pero nagdurugo parin yata ang puso ko dahil kung magsalita tong bestfriend ko para namang napaka pangit ko, sapatusin ko na yata to eh. "i love you too bestfriend" mas sarcastic na sabi nya tsaka ngumiti ng nakaka bwisit, ang sarap itapon sa kanal grrrr. Napalingon ako sakanya when i heard her sigh, at nakita kong bigla ng sumeryoso yung mukha nya "alam mo crish,Real talk lang, it would be better kung ibabaling mo nalang sa iba yang pagtingin mo kay kuya, kasi ang alam ko, inlove si kuya dun sa girl na makulit na laging nagpapansin daw sakanya dati, Ang alam ko nga eh classmate nya yun nung highschool siya tapos nag migrate daw ata sa amerika ung family nila ng biglaan, kaya mas naging cold siya sa mga babae, kasi kung kailan liligawan na nya yung girl tsaka naman nawala" natahimik ako bigla sa sinabi nyang yun kasi parang tagos tagusan, alam ko na may pagka prangka talaga si madyl sabi ko nga diba, sanay na ako. Kaya lang sobrang nasaktan lang talaga ako sa sinabi nya. Ngayon ko lng kasi nalaman na may mahal pala syang iba, yun bang feeling na napahinto talaga ako sa paglalakad kasi parang nanghihina ako at malapit ng bumasak. So yun ba? Yun ba ang dahilan kaya pinipigilan nya ko sa nararamdaman ko dahil alam nya na may mahal ng iba ang kapatid nya? Kaya pala. "bestfriend! Sorry, sorry sa nasabi ko, hindi ko sinasadya" biglang sabi nya nung napansin nya sigurong natahimik ako. Kitang kita ko sa mata nyang nagsisisi sya. "ok lang" I tried to smile at her para naman di na sya makonsensya, hinawakan nya yung kamay ko tapos ngumiti din. "sorry talaga, kaya nga ba ayoko sana sabihin yun eh, ayaw kita masakatan, pero nagawa ko na, nasabi ko na! Ang daldal ko kasi eh!" Frustrated na sabi nya "Ano kaba! Ok lang yan mommy" pilit nalang akong ngumingiti para matapos na tong usapang to "pwede ba sa susunod wag ka nalang ulit ngumiti ng pilit? para ka kasing natatae na ewan eh. ang pangit!" hirit nya. Pinapangiti nya ko ng totoo alam ko yun. Alam ko na ayaw talaga nyang nalulungkot at nasasaktan ang mga mahal nya sa buhay. Ganyan sya. Maldita pero pusong mamon naman "aray ah! Bawi agad te?" Sigaw nya nung bigla ko syang hinampas tapos kinurot. Wala eh sadista din kasi sya kaya bawi bawi na to. Hahahaha Super ouchyy 11kaya mga sinabi nya although slip of a tounge lang hehe so ayun nga pagdating namin sa canteen pila na agad. Haha nag aalburuto na talaga mga alaga namin, lalo na ako, pag masama pa naman loob ko mas nagugutom ako, kaya ayun di na kami nakapagusap nung kumain kami kasi parehas kaming ginutom, or maybe wala lang gustong magsalita samin dahil alam ni mady na malungkot ako at ayaw nyang may masabi pa syang mas ikakalungkot ko. "mads! Uwi na tayo!" Napahinto ako sa pag subo when i heard that voice, Kasi kahit di ako lumingon alam ko na kung sino yun, alam ko, dahil nagwawala sa kinalalagyan nya ang puso ko. "bakit? May pasok pako kuya no!" naalala ko tuloy ulit yung sinabi ni mady "wala na, hindi pumasok si prof. Lim, may sakit daw kaya wala ka ng subject ngayon" "bakit mo alam?" iritadong sabi ng bestfriend ko. Haha inis yan kasi di talaga makatakas, kabisado schedule nya eh. At ako? Eto baka magka stiffneck ako kasi nanigas ata yung batok ko at diko magalaw ang ulo ko, ramdam ko kasi na nasa likod ko ang aking tadhana na nalaman kong pag aari na pala ng iba. "narinig ko" - marko "tsismoso ka kalalaking mong tao! Hintayin mo muna akong matapos kumain bago ka magyayang umuwi!" pagtataray naman ni bespren "fine! Bilisan mo lang" sagot naman nya tapos umupo din sa table namin, may ghad! Gulay ng malunggay at pechay!! Ang gwapo nya talaga! Pano ako makakakain ngayon? "Hi marko" maging ako, nagulat sa lumabas sa bibig ko, and i can't stop my self from staring at his handsome face. Para akong na hypnotize at para bang diko na kayang controlin yung utak ko. Hibang na nga talaga ako sakanya "hello" Parang nabingi naman ako nung marinig ko syang magsalita. Is that for real? Nag respond sya sakin? Am i dreaming? nagulat nalang ako ng maramdaman kong may sumipa sa paa ko sa ilalim at pagtingin ko sakanya ayan nanaman yung back-to-reality stare nya, kaya pinilit ko nalang ulit ituon sa pagkain yung atensyon ko. "kuya may sakit ka ba? You seems to be in a very good mood, so creepy" "wala naman, i am completely fine" he said smiling from ear to ear "mukha kang tanga bro" "Have you heard the news sis?" paseryosong sabi ni marko pero mukha pading masaya ano ba talagang meron?! Curious nadin ako! "what news? Hindi naman ako mahilig sa balita bakit mo pa ako tinatanong?" "she's back" masiglang sabi nya. Napahigpit naman bigla yung hawak ko sa kutsara, so ayon? Kaya sya masaya dahil bumalik na yung tokwang mahal nya! Sa sobrang inis at sama ng loob ko, sinubo ko nalang yung pagkain pero nasobrahan kaya nabulunan ako tsk! Malas talaga! "ok ka lang ba?" nag aalalang tanung nya sakin tapos inabutan nya pa ako ng tubig. Gusto ko tuloy maiyak, Sana bumalik nalang sya sa dati! Sana wag mo nalang akong pansinin atleast hindi ka masaya dahil lang sa babaeng nang iwan sayo! Pwede namang ako ang mag pasaya sayo eh. Bakit hindi nalang ako? "umalis ka na nga muna kuya, mamaya na tayo magusap, promise after ko kumain pupuntahan kita" narinig ko na pagtataboy nya kay marko na sa tingin ko ay dapat nga nyang gawin "sure, mukang matagal pa nga kayong kakain punta muna ako sa court dun mo nalang ako puntahan" hindi ko na sya tiningnan kasi i can't breath! Mamatay na ba ako? Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at nahihirapahn nakong habulin yung hininga ko "bestfriend, ok ka lang?" nagulat pa ako nung tinap ni mady yung braso ko "A-Ah oo naman, ang sarap talaga ng pagkain nila dito no? Ang galing magluto ni tita ising" i said at kunwari sa pagkain talaga naka focus ang attention, "ah ano uhm, ano oras ka pala pupunta sa bahay bukas?" "next time nalang mady, may pupuntahan kasi kami bukas eh" i said without looking straight at her, sa tingin ko naman ay naintindihan nya ako kasi di na sya nag usisa. Parang ayoko munang kasing makita sya after ng mga narinig at nalaman ko. Idadigest ko muna siguro yung mga nangyayare baka sakaling naging ayos na agad ako. after naming kumain umalis na si madyl, niyaya pa nya kong sumabay sakanila pero tumanggi ako, like duh? Sadista lang ako no, hindi masokista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD