Chapter 2

3097 Words
Pagdating ko kanina sa building namin sinalubong ako ni james, pinsan sya ni moana, ang babaeng pinakamamahal ko na nawala sakin dahil tanga ako at gago noon, nasa akin na, pinakawalan ko pa. "marko, i have a good news for you" nakangiting sabi nya, classmate ko nga pala to, we are taking up Bachelor of Science in Civil Engineering here at SCU "oh ano yun?" i said with boredom eto ako eh, i became like this after she left, wala akong gana makipag usap sa iba, Hindi naman ako ganito noon, pero nung nawala sya, pakiramdam ko walang saysay kung ngingiti man ako o tatawa. Dahil sobrang pinagsisisihan kong pinalagpas ko yung pagkakataon na binigay sakin.Tsk akala nyo ba babae at bakla lang ang bitter? Pati lalake din no! "she's back, si moana pare, nakauwi na siya!" I was stunned at the moment kaya hindi ako nakapag react agad, "Hoy! Narinig mo ba yung sinabi ko pare?" "Are you serious?" Paniniguro ko pa dahil baka gino'good time lang ako nito. "oo nga pare, hindi ako nagbibiro, seryoso ako. At alam ko kung gaano katagal mong inantay tong pagkakataon na to kaya hinding hindi kita bibiruin ng ganitong bagay. I don't want to see you in mess again dude" with that, napangiti nalang ako, "salamat sa balita pare" "Para kang bakla sa itsura mo! Tara na nga! Pumasok na tayo bago pa ako tuluyang masuka sayo" I am smiling from ear to ear dahil hindi ko kayang itago itong kasiyahang nararamdaman ko, damn! I am so excited to see her. At gaya nga ng inaasahan ko, gulat na gulat yung mga kaklase ko nung pumasok akong nakangiti. "pare, itigil mo na yan. Nahibang ka na ba? daig mo pa ang nanalo sa loto kung makangiti ka eh" naiiritang sabi ni james "ulul! Malamang! Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang pinsan mo diba?" "oo at saksi din ako sa kamiserablehan mo nung mawala sya" iiling iling na sabi nya Habang nasa klase kami eh lumilipad lang ang utak ko, Halos gusto ko ngang hilain ang oras para lang makita ko na sya! Gusto ko syang yakapin ng mahigpit para iparamdam sakanya na hinding hindi ko na sya ulit papakawalan kahit magkaroon pa ng World War III. Pagka alis palang ng prof. Ay Agad agad na aakong tumayo. Kailangan ko ng hanapin ang kapatid ko para ibalita ang good news. chineck ko yung sched. Nya para malaman ko kung nasaan sya. Ang strict ko bang kapatid? Nah, you got me all wrong guys, matigas lang kasi talaga ang ulo ng babaeng yon at napaka pasaway pa. So ayun nga, nakita ko kung ano ang klase nyang naka sched. At this hour at dahil nabalitaan ko kanina na wala si prof. Lim which is ang naka assigned na prof nya sa subject nya ngayon, kaya pwede na kaming umuwi. Hindi ko sya nakita sa student center dito sa college building nila kaya for sure nasa canteen yon. Unless natakasan nya nanaman ako. At hindi nga ang nagkamali, nandito nga at lumalamon nanaman ang magaling kong kapatid. Kaya agad akong lumapit sakanya to tell her the good news pero as expected. Pinagtabuyan nya lang ako dahil ayaw pa istorbo sa pagkain. Kaya sa Gymnasium nalang ako pumunta, dito kasi tambayan namin nila James "pare, akala ko umuwi kana?" "hintayin ko muna kapatid ko" "malaki na yun! Kaya na nya sarili nya." "Nakita mo na ngang dina lumaki eh, lumapad lang' natatawang sabi ko. But i am very proud to say na kahit mataba yung kapatid ko, madaming naghahabol don. "woah! Marko Sabuclalao! Is that you? And you just made a joke!?" tumatawang sinuntok ko so sya ng mahina sa tyan. "welcome back pare, ang laki talaga ng epekto nya sayo, it's been so long, ngayon ka nalang ulit naging buhay na buhay. Partida pare, di pa kayo nagkita nyan ha" Di rin naman nag tagal at dumating na ang kapatid ko, kaya sinalubong ko na sya agad dahil salubong nanaman ang dalawang kilay nya. "hey!" sabi ko tapos inakbayan ko sya, kung may ibang makakakita samin di nila iisiping magkapatid kami, hindi kasi kami magkamukha eh. "hey, your face" "oh bat nanaman ang sungit mo?" "wala ka na don" "malamang andito ako sa tabi mo eh" "ewan ko sayo! Pangit mo" "sungit mo talaga!" sabi ko tapos ginulo ang buhok nya. Haha ang ganda lalo ng kapatid ko kapag nagagalit. Parang si moana lang din. Haaay excited na talaga akong makita yung babaeng yun. Kamusta naman kaya yun? Sana naman wala syang boyfriend at sana may pag asa pa ako. "bakit ba kasi ang higpit higpit mo magbantay sakin ha kuya?!" "kasi naman mahal kong kapatid, kung magka syota ka, kaliwat kanan! Pasalamat ka nga hindi kita isinusumbong eh" "ode thank you" she said then gave me an eyeroll "hindi ka ba nahihilo kakairap mo?" "Mind your own business" "Dapat sayo tamaan na ni kupido eh, baka sakaling mabawas bawasan yang attitude mo, puro ka lang kasi laro, i bet hanggang ngayon hindi mo parin alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng love" "love is corny, selos dito selos doon, away dito away doon at iyak dito iyak doon. Love can ruin a person. Love makes u stupid. Love is a mess." - nakabusangot na sabi nya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napaka bitter nitong babaeng ito. "bata ka pa nga" "hindi na ako bata kuya! " "oo na, sige na" i said sarcastically at inirapan nya lang nanaman ako ulit. Hanggang sa makasakay kami hindi na nya ako kinibo, at parang anlalim ng iniisip nya . "condolence bestfriend" narinig ko na bulong nya "hu? Bakit sinong namatay?" "yung puso nya" "haay, ang bata naman nyang nasaktan, kaya ikaw mag ingat ka ha? Kahit na maganda ka, pwede ka paring masaktan, tingnan mo ang nangyari sa kaibigan mo" "I know! Nag iingat naman ako ah! I swear, hinding hindi ko iiyakan ang kahit na sino. I won't go that low" "sus, napaka yabang. Wag magsasalita ng tapos sis" Pagdating namin sa bahay, humalik lang ako saglit sa pisngi ni mama tapos umakyat na ko, wala lang tinatamad lang ako, ayokong mag abot pa kami ni mirko, eh isa ding abnormal yung bunso naming yun eh. Baka maisako ko pa ng buhay. ok sa mga curious sa buhay namin, ganito yan. Ang sabi samin noon mayaman daw sila papa, kaya lang itinakwil syang anak dahil barumbado sya hindi gaya ko. Good boy! Haha pero dahil mahal parin sya ng lola ko ipinamana sakanya itong bahay tsaka yung malawak na lupang ginawa namang farm ni papa na syang pinagkakakitaan namin ngayon mabait din kasi si lola, sadyang tarantado lang tatay namin noon. "kuya tawag ka ni mama!" Halos marindi ako sa lakas ng boses si madyl. "Lalabas na!" "bilisan mo! Wag mong pag antayin si mama!" napailing nalang ako. Bakit ba parang walang ibang magawa yung kapatid ko kundi mag sungit ng mag sungit. Pinaglihi ba sya sa sama ng loob? "ma, bakit po?" "aalis kasi ako" "san kayo pupunta ma?" "susunod ako sa papa mo sa manila, pinatawag kasi sya ng lola mo eh, kaya ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid mo, andyan naman si manang celing para sa mga gawain sa bahay eh" "sige po ma, goodluck naman sainyo. Baka kasi lamunin kayo ng buhay ni lola eh" biro ko "naku! Ikaw! sira ulo ka talagang bata ka" "joke lang naman ma! Tsaka para nagpapaalala lang eh" binatukan naman ako ni mama kaya mas natawa pa ako "kuya nakita ko si ate ganda" "huh?" "oh mirko andyan kana pala" "wala pa ma, picture ko lang to" "naku pare pareho talaga kayong sira ulo, dyan na nga kayo" iiling iling na sabi ni mama, sabi sainyo malala din itong bunso naman eh "Hala? Si mama nag walk out " "hoy, mirko sinong ate ganda" "nevermind" sabi nya tapos ngumisi gagong bata pabitin! Bugbugin ko to eh, pero sa tingin ko si moana yung nakita nya, dahil alam nya namang di ako interesado sa ibang babae. ----- "Oh anak, hindi ka ba pupunta kila madyl ngayon" umiling lang ako, feeling ko kasi nanghihina padin ako, wala akong idea kung ano ang itsura nung moana na yun pero naiinsecure na kaagad ako. "anak may problema ba? mukha kang matamlay" "ma, pangit po ba ako?" "Syempre hindi! sinong nagsabi nyan at uupakan ko" "pa! Goodmorning po" Patakbo akong lumapit kay papa and gave him a tight hug, Yea papa's girl ako. "gusto ko na yatang magselos ah. Bakit sa papa mo may yakap sakin wala?" "mama naman ih" "oh sya, bakit mo ba naitanong yan ha?" tanong ni mama "wala naman po" "sigurado ka ba?" Kunot noong tanong ni papa "oo naman po pa" i tried to smile para di na sila mag usisa pa. So ayon, dahil di ako makapunta kay beshyyy, ang nangyare tuloy eh, mag hapon lang akong nagkulong sa kwarto ko, nag sss nalang para di gaanong bored, at gaya ng nakasanayan ko, inistalk ko lang yung sss ng markobabe ko. Kalkal lang ako ng kalkal hanggang sa viola! Ayun, may nakita akong picture nya kasama ng isang magandang babae. Matagal ko ng nakikita iyon sa tuwing nag stalk ako, pero hindi ko na tinitignan kasi hindi ko kaya, naiinggit ako, Kumikirot bigla ang puso ko, to the point na parang nahihirapan na akong huminga, until i realized na umiiyak na pala ako dahil may tumulong luha sa keybord ng laptop ko, Biglang naalala ko nanaman tuloy yung unang araw ko syang nakita when i was 1st year highschool at sya naman ay 4rth year *flashback* "hoy crishna! Mukha kang tanga alam mo ba yon ha? Ang payat payat mo! Lampa! At ang pangit pangit mo pa! sigaw sakin ni vilma, yung bully na classmate ko, tinulak nya pa ako ng malakas, kaya ako natumba sa may putikan at gaya ng dati wala na akong ibang nagawa kundi umiyak nalang. "alam nyo ba na pwede kayong makick out sa mga ginagawa nyo!" sigaw ng isang boses kaya nagtakbuhan naman agad ang mga bruhang yon "ok kalang ba bata?" sabi nung lalaki tapos tinulungan akong tumayo. Inabot din nya sakin yung panyo nya, at halos lumuwa ang mata ko ng makita ko yung mukha nya! Shemay! Ang gwapong nilalang ng nasa harapan ko! "hey, ok ka lang?" "ah o-oo. s-salamat sa tulong mo" "tsk sa susunod kasi, wag mo ng hayaan na binubully ka nila" bilin nya pa bago tuluyang umalis, ni hindi ko man lang natanong ang pangalan nya. Dahil kung gaano kabilis syang dumating, realk quick din yung pag alis nya *end of flashback* magmula ng araw na yon ay natuto na akong lumaban, ginawa ko din ang lahat para lang mahanap yung knight and shining shimmering ko. At nung nahanap ko sya, parati ko na din syang lihim na tinitingnan, secretly admiring him from afar. Silently, quietly, hoping he'll end up with me. Imagine that? Antagal ko na syang gusto pero wala paring nangyayari, lantaran ko na ngang pinapakitang gusto ko sya nung nakaipon ako ng lakas ng loob pero wala padin "marko, hindi ba pwedeng ako nalang? Hindi ba pwedeng mahalin mo din ako?" i cleared my throat "alam ko darating din ang araw na yon. mag aantay ako marko, hihintayin ko na ako naman ang mahalin mo" i wiped away my tears then close my eyes, hanggang sa diko namalayang nakatulog na pala ako. ---- Nanonood kami ni mirko dito sa sala, pero hanggang ngayon naiirita padin ako dahil hindi ko pa nakikita si moana, di tuloy ako makapag concentrate sa pinapanood ko. Sabay kaming napalingon sa may labas nang tumunog ang door bell "ako na po" presinta ko nung nakita ko si manang celing na papunta sana sa labas "Jm! Nakauwi ka na pala? kailan ka pa dumating?" tanong ko, pero sa totoo lang nadismaya ako, akala ko pa naman kasi si moana na. "kahapon lang, asan na si dyl?" "nagbibihis pa siguro, alam mo naman ang mga babae" i said tumawa lang naman sya . "oh, ayan na pala si ate eh" bigla nalang sumulpot si mirko sa likuran ko "hello buddy! Good morning" Masiglang bati nya, aba! Ang lapad ng ngiti nito ngayon ah. "Jm, kung ako sayo uuwi nalang ako, mamumulubi ka dyan, ang laki kaya ng alaga nyan sa tyan" i teased pero nagsasabi lang din ako ng totoo no. Natawa nalang ako nung bumusangot sya. That's it sis. Hinding hindi mabubuo ang araw nyan ng hindi nag me'make face eh. "O sya. Kuya, Mirko, kayo na muna ang bahala dito ha! Alis muna kami, shiao!" "ate pasalubong" pahabol naman ni mirko "kung maaalala ko" sabi nya. Makakalimutin kasi talaga sya kahit bata pa eh. Papasok na sana ako nung bigla akong natigilan. "hi" para akong napako bigla sa kinatatayuan ko when i heard that familiar angelic voice, unti unti naman akong humarap, baka kasi mamaya mali lang nanaman ako ng akala "how are you mark?" sabi nya pagkaharap ko, nung nag sink in na sa akin ang nagyayare eh ngumit agad ako ng todo. "eto, na miss ka" "Inuna pang bumanat pero walang balak papasukin ako? Hello may bitbit ako oh? Regalo para sainyo" she said laughing. s**t man. Ang ganda nya talaga. Nakakalaglag ng puso "sorry naman, nawala ako sa sarili ko dahil sa kagandahan mo eh" i said then winked at her tapos binuksan ko na ulit yung gate at kinuha yung mga dala nya. "Asus. Nambola pa, samantalang dati lang eh kawawa akong sunod ng sunod sayo" "nakaganti ka na. Di mo lang alam kung pano akong naghirap nung nawala kana no" nagulat naman ako nung bigla nya akong niyakap. "i missed you marko" i hug her back "date tayo" sabi nya. Haha di parin talaga sya nagbabago. Straight forward padin "oo ba, basta libre mo?" "hm? Kiss mo muna ko" she teased "mamaya, lagot ka sakin" pagsakay ko naman sa biro nya tapos tumawa lang sya, grabe sobrang saya ko dahil mukhang hindi naman pala masasayang ang pag aantay ko, "talagang patay na patay ka sakin no?" "hm? Blame yourself Mr. Sabuclalao for possessing such a handsome face" "Tara na nga pasok muna tayo kaysa dito tayo sa labas nag bobolahan" natawa naman sya "Asan pala sila tita? " "wala eh, nasa manila pinatawag ni lola" "oh i see, how about your sister? " "kakaalis lang" "uhm-key, hey there!" bati nya kay mirko pagpasok namin sa loob "lo" "look at him mark. para din syang ikaw, bugnutin" natatawang sabi nya sakin " i have a gift for you mirko" sabi nya tapos inabot yung bola sakanya "wow, thanks ate!" Sumaludo pa ang loko "manang celing! Para naman po ito sainyo" inabot naman nya yung isang paper bag kay manang. Nagtataka pa ba kayo kung bakit sila close? Nililigawan nga kasi ako nito dati eh, kaya laging pasimpleng tanong ng tanong kay manang tungkol sakin. "Naku iha, salamat. Ngayon ka lang nadalaw ah" "busy po kasi eh, so pwede ko po bang hiramin muna si Marko? Namiss ko po sya eh!" Kinindatan nya pa ako kaya natawa nalang kami ni manang "kahit wag mo ng ibalik ate ok lang" - sabat naman ni Mirko "hm? Magandang idea yan ah" nag apir pa ang dalawa. Hindi na nila ako kailangang pilitin pa. Pwedeng pwede talaga yan. Pabor na sakin yun. "O sya sige, pagplanuhan nyo muna kung pano nyo ako ipapamigay kay moana, at maliligo muna ako, ayoko namang magmukhang na alalay ng napakagandang babae dito" "ge lang kuya! Banat pa more!" Pambabara naman ni mirko ----- Habang masayang masaya si marko dahil makakasama nya si moana, sa kabila naman nito, katulad parin ng dati, kahit na may problema si moana ay hindi nito pinapahalata iyon, ano nga kaya ang dahilan ng pagbabalik nya? Magkakaroon na ba sa wakas ng Happy Ending ang Love Story nilang dalawa? Nag punta sina marko sa may park malapit lang sa subdivision nila, "i love you mark" sabi ng dalaga tapos sumandal sa balikat ng binata habang nakaupo sa bench "hm? I love you more" he said then he cupped her face "hindi mo na ko iiwan di ba? Hindi ko nanaman kasi makakaya kung wala ka" he said lovingly ngunit imbes na sumagot ay ngumiti lang ang dalaga "kaya hindi kita napuntahan agad kasi may inasikaso pa kong mga papers, so ano? Samahan mo ko bukas kapag kinuha ko na yung sched. Ko ha? Baka maligaw ako eh, you know. Maluwang din ang SCU" Nanlaki ang mata ni marko sa narinig. "you mean-" "yes" she said wearing her beautiful smile then marko hug her tightly at ganun din ang ginawa ng dalaga. They are holding each other tightly nag kwentuhan lang muna ang dalawa, ang daming kwento ni moana sa kung gaano nya ka miss ang binata, habang si marko naman ay nakatitig lang dito, ni ayaw kumurap dahil natatakot syang baka ilusyon lang iyon at bigla nalang mawala kapag kumurap sya "hoy! Matunaw ako uy!" "sus kunyari pa to! Alam ko namang gustong gusto mo" he said then winked at her "Oo na! Diko na itatanggi!" Pinisil pa ng dalaga ang tungki ng ilong ng binata "gusto ko mag punta sa Mall" "sige ba!" "Manood tayong holywood movies. Kadalasan hot mga bidang lalaki dun eh" kinikilig na sabi nya kaya bumusangot naman si marko "wag na nga tayong pumunta" "aw, selos naman agad. Artista naman yun eh. Tsaka mas gwapo ka padin para sakin syempre" "mas gwapo naman talaga ako dun" "wag ng bumusangot. Lika na" at dahil nga sa hindi naman matiis nitong si marko si moana pumayag na din sya. pagkatapos nilang manuod, tumambay pa sila sa toms world, tapos pinahirapan lang din naman sya ni moana na kunin yung spongebob dun sa toy catcher haha para talagang bata si moana pero parati namang pinagbibigyan ni marko. Ng mapagod na sila kakaikot, ay nagyaya na ding umuwi ang dalaga, hindi na din nila namalayang ginabi na pala sila dahil parang napaka bilis ng oras para sakanila. "thanks sa time at lalo na dito kay boby!" moana said then kiss him on the cheeks, "oh pasok ka muna kaya?" yaya nito "next time nalang ems, medyo gabi nadin kasi eh. Haha sunduin kita bukas?" "wag na no! Hintayin mo nalang ako sa school" "No. Gusto ko sunduin kita at sabay tayong pupunta sa school" "marko naman eh. Wag ng makulit ha? Bye! Nasakin na nga pala number mo, text nalang kita nyan bye!" pumasok na agad ito sa loob kaya hindi na sya nakapag protesta pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD