Napabalikwas ako ng bangon ng may gumambala sa beauty sleep ko. "Kirt! Gumising kana, dali!" sigaw ni Ninang habang kumakatok ng napakalakas sa pintuan. Bumangon ako sa kama at pinagbuksan siya ng pintuan. Bumungad sakin ang mukha ni Ninang. Pagkabukas ko ay agad niya akong tinulak papasok ulit. "Kaylangan mo ng magbihis. Susundan natin si Jun sa date niya." bulong niya sakin. Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Ninang. Hindi na kaylangan dahil kasama naman ako sa date. Umiling ako, "Hindi na po kaylangan dahil kasama po ako sa date na'yan." taas noo ko pang sabi. Nanlaki ang mata niya, "Wow!? Talaga? Pero paano?" tanong niya. "Kasi po Ninang nag-aya po yung Nicaela na mag-friendly date daw kaming apat. Kasama po ang kaibigan kong si Zander at --" "May kaibigan kang lalake

