Habang naglalakad kami ni Dewlon palabas ng Mall ay ngingiti-ngiti ako. Nakakakilig. Nakakakiliti. Yun ang nararamdaman ko sa mga oras na'to. "Stop smiling you're freaking me out." sabi niya habang nauuna na sa akin sa paglakad. Hinabol ko ang bawat hakbang niya. "Hindi ko lang talaga mapigilan." nakangiti ko paring sabi. Huminto siya sa paglakad. "Bakit, hindi mo mapigilan?" tanong niya. Pakiramdam ko namumula ako. Parang tinanong narin sakin ni Dewlon kung sino ang crush ko. Kinagat ko ang labi ko, "Kasi...kasi ang ganda nung movie." pagsisinungaling ko. Ayoko namang sabihin na dahil doon sa hinayaan niya akong yakapin siya kahit ba body heat lang 'yun. "Talaga lang ha? Wala ka ngang ginawa kundi tumago sa dibdib ko buong oras." sabi niya at umirap. Nawala ang ngiti ko sa

