Hindi ako makapagsalita. Ang nakakalokong ngiti niya ay di parin makuha sa mukha niya. Napakasama talaga niya. Oo at ginugusto ko parin siya kahit na alam kong siya ang hari ng kasupladohan, pero ngayon alam ko na kung gaano ka gaspang ang ugali niya. "Oo gusto kita, pero ngayong alam ko na kung gaano ka kasama ay ayoko na sayo." mariin kong sabi. Tumungo siya at ngumisi. "Oh really?" sarkastikong tanong niya. Tumango ako. "Oo --" "Mabubura mo ba kaagad 'yun? Kung puro ako ang laman ng notebook mo? Puro mga pantasy --" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. "Hoy wag ka!!" sabi ko sabay dampot ng tissue para itapon sa kaniya. "Hey! Tama na 'yan! Kumakain tayo!" puna ni Miss Kulimlim pero nag-aalab na talaga ang galit ko at hindi din siya tumitigil. "You wanted me to be your boyfrien

