"Kyaaaaaah!" tili ko ng pinakapit sa braso ko 'yung tarsier. Oo, cute sila pero iba parin kung skin to skin na. Waaah! Tinawanan lang ako ni Zander at ni Dreena na medyo wala sa mood kanina pa. Di mapakali na may inaatupag sa phone niya. Nang-ialis na sa braso ko 'yung tarsier ay sumimangot ako kayla Zander. "True friends kayo ano? Ang cute nila pero ayoko na silang hawakan." kinikilabutan kong sabi at tumago sa likod ni Zander. Tumawa si Zander ng malakas, "Wag kang mag-alala, Courtney. Mababait naman ang mga 'yan. Wag mo lang panliliitan ng mata dahil baka isipin nila inaasar mo sila." sabi niya. "Joke ba 'yan? Nakakatawa kasi." pilosopo kong sabi. Ginulo niya ang buhok ko, "Seryoso mo naman! Tara na nga sa Bilar! Maganda ang man-made forest doon!" sabi ni Zander at hinila niya nak

