"Anong problema mo, Courtney? Anong ginawa sayo ni Dewlon bakit ka umiiyak kanina?" tanong ni Zander ng pumasok kami sa terminal kung saan sasakay kami ng fast ferry. Hindi ako kumibo. "I didn't ask you kanina sa loob ng sasakyan dahil binigyan kita ng space para mag-isip. Anong ginawa niya? C'mon, Courts. You can tell me..." pilit niya. Tumingin ako sa kaniya at bahagyang ngumiti, "Salamat, Zander ah? Wala namang ginawa sakin si Dewlon. Sabihin nalang natin na....natauhan na ako kaya ako umiyak." sagot ko. Kumunot ang noo niya, "Natauhan? Natauhan saan?" tanong niya. Bumuntong hininga ako, "Zander, mahal ko si Dewlon." sabi ko habang nakatitig sa kaniya. Bahagyang nanlaki ang mata ni Zander. At bakas sa mukha niya ang lungkot. Bakit siya malungkot? Tumungo si Zander, "Sorry for my r

