Habang isinusumpa ko sa isip ko ang b***h na si Nicaela ay dumaan si Jewel sakin. "Magbihis kana nga, Jewel! Baka mahamugan ka." rinig kong sabi ni Ninang sa basang basang si Jewel. Naligo ata sa dagat. Pero teka! Diba meron siya? Kaya nga nagpabili siya ng napkin kay Dewlon, diba? "Jewel! Diba meron ka? Nagpabili kapa nga ng napkin sa Kuya mo." sabi ko. Hindi ko maiwasang magtanong. Diba bumili kami ng napkin niya? Tinaasan niya lang ako ng kilay, "What are you talking about? Daydream na kinakausap ka ni Kuya?" tumawa pa siya ng nakakainis. "Para sabihin ko sayo next week pa ako dadatnan. Panaginip mo lang siguro 'yun." sabi niya at saka umalis. Kumunot ang noo ko. Ano? Eh diba sinama ako ni Dewlon sa 7/11 para bumili ng napkin niya? Panaginip lang ba 'yun? Ibig sabihin....panag

