Paggising ko ay sobrang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak. Ano bang ginawa ko kagabi? Hindi ko maalala. Bukod sa sinama ako ni Dewlon sa convenience store para bumili ng napkin ni Jewel at bumili kami ng slurpee at kumain ako ng hotdog pagkatapos uminom kami ng coffee tapos pinalabas kami ng babae sa 7/11 dahil sa kape? Waaaaah! Ang sakit naman ng ulo ko. Nasapo ko naman ang noo ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko at magpagulong-gulong sa kama. "Kirt! Anak! Gumising kana! Pupunta daw tayong beach. Dalian mo na!" sigaw ni Mama upang mas sumakit lalo ang ulo ko. Pero ano daw ang sabi? Beach daw? Hala! Hala! Agad kong binuksan ang bintana ko para tignan kung bukas pa ang bintana ni Dewlon pero nakasara. Nakita kong naglalabas na ng iilang gamit sila Ninong kasama si Papa.

