Para naman akong binagsakan ng maso sa sinabi niya. Una, english kaya medyo prinoseso ko pa sa utak ko pero nung pangalawa aba't liar daw ako?
Bakit naman?
"A-A-Ano?" gulat na tanong ko.
Sobrang lapit niya parin at amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. Sobrang bango! Ang sarap yakap-yakapin!
Anong meaning nun? Anong gusto niyang ipahiwatig? Hindi ko siya maintindihan. Pwede paki-tagalog nalang?
Bigla naman niya akong hinila papalapit sa motor niyang itim. Halos madapa ako sa pagkakahila niya. Sinuot niya ang helmet niyang pula.
Helmet na pula. Naalala ko naman ang lalakeng nakita ko sa likod ng sasakyan ni Zander. Hindi kaya siya 'yung nakamotor na nakita ko kanina? Pero imposible!
Sumakay siya at inabot sakin ang isang puting helmet. Teka? Wala to kanina, ah? Bumili kaya siya ng helmet kanina para kay Jewel o para kay Nicaela?
Napanguso naman ako. "Ano to?"
"What? Dont tell me you don't know what that is?" di makapaniwalang saad niya.
Tsk! Yabang tapos ang sungit! Full package kana talaga baby ko! Ammmp!
"Hindi. I mean, alam ko kung ano ito. Pero bakit?" tanong ko.
"You wear it and hop in! May pupuntahan tayo." utos niya.
Aah. Ganun ba?
Pero! Teka teka teka! Wait a minute kapeng mainit! Kaming dalawa lang? Seryoso!? Seryoso!?
Hala! Hala! Aneng gegewen nemen? Ebe nete haaaaa!
"Sen teye pepente?" pabebeng tanong ko at nagawa ko pang mag-beautiful eyes.
Kumunot ang noo niya habang pinapanood akong magpa-cute. "Tsss..." aniya at marahas na isinuot ang helmet sa ulo ko.
"Aray naman!" asik ko pero sumakay na siya sa motor bike niya.
Napanguso nalang ako. Excited akong umangkas sa motor bike niya. Kahit gusto kong dumikit sa kaniya ay wag nalang, kasi ayoko namang mag-isip siya ng kung ano sakin.
Habang nagmamaneho siya ay nakatingin lang ako sa likod niya. Oh, I wish I'm his girlfriend. Yung tipong yayakap ka sa bewang niya habang nakaangkas sa motor niya para wag kang malaglag? Ammmp!
Pero anong magagawa ng isang tulad kong yung status sa buhay niya ay hindi niya gusto? Hanggang pangarap nalang talaga...
Saan ba kami pupunta? Ayoko namang magtanong dahil baka bigla nalang niya kong iwanan sa daan. Nakakatrauma! Hindi naman siguro all the time ay mayroong Zander to the rescue!!
Pero ang malaking mga tanong! Bakit bigla nalang siyang nagpapasakay? Bakit sinasama niya ako? Bakit dalawa lang kami?
Nasagot naman ang isang tanong ko dahil huminto kami sa isang convenience store.
"Nagpapabili si Jewel ng ginagamit ng mga babae kapag meron sila kaya sinama kita. Wag kang mag-assume na sinama kita dito dahil ginusto ko." mariing sabi niya at hinubad yung helmet kaya ginaya ko rin siya.
Ahh kaya. Boom basag nanaman ako kay Dewlon. Lakas makapanakit ng puso ko oh? Sana naman wag niyang i-career!
Pumasok kami sa convenience store and as usual, nagsitinginan naman ang mga tao. Grabe talaga ang hatak ng lalakeng to! Hays!
"Ang gwapo niya!"
"Waaah! Kaso may girlfriend na ata!"
"Cute ang girl pero di bagay sa hotness ni guy. Mukha siyang bata."
Napatingin naman ako sa sarili ko. Ano bang masama sa suot ko? Kanina pa sila ah? Buti nga't may damit kaysa nakahubo! Mga tao talaga oh!
"Look, may ribbon pang pambata ang buhok niya. Pig tails?"
Hinawakan ko naman 'yung buhok ko. Anong masama sa pigtails? Lakas ng trip nila mang-usisa ano?
"And look at her bangs? Pambata talaga. Parang magkapatid lang sila."
Nahawakan ko naman ang bangs ko. Ano nanaman ang masama sa bangs ko? Cute cute kaya? Mas cute pa kay dora!
Naramdaman kong may humila sakin, "Dalian mo! Magrereklamo nanaman si Jewel sakin." supladonh utos niya.
Napanguso ako. Psh! Cold na nga masungit pa. Pala-utos pa! Full package na talaga siya! Kumuha nako ng isang balot ng modess sa isang estante.
Lumapit ako kay Dewlon na nandoon sa fridge kung saan may iba't-ibang inumin. Binuksan niya 'yun at kumuha ng coffee in can.
"Magkakape ka? Wag na!" sabi ko at inagaw sa kaniya 'yung kapeng hawak niya at binalik sa fridge.
"Mag slurpee nalang tayo!" sabi ko at hinila siya.
"What the! Ayoko niyan!" sabi niya at marahas na binawi ang kamay niya sa kamay ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Slurpee is just for kids like you."
Ngumuso naman ako, "Bakit naman? Para kaya to sa lahat! Try mo kaya? Di naman masamang mag-try diba, genius? Nabasa mo na ba 'yan sa mga nababasa mong libro?" sarkastikong tanong ko at ngumisi pa.
Umirap lang siya at kumuha ng baso at naglagay na ng slurpee niya. Hihihi! Masarap kaya!
Hinila ko naman siya sa hotdog matapos naming bayaran yung slurpee pati narin yung modess.
"Bili tayo, Dewlon." sabi ko sabay turo sa mga hotdog na naka-display tapos ikaw lang ang kukuha tapos lalagyan mo ng bread.
"Psh!"
Napatingin naman ako kay Dewlon habang ginagawa niya 'yun. Does he really hates me?
Wow! English 'yun! 3% knowledge yun!
O baka naman na-guilty dahil iniwan niya ako? Hmmm.
Sana ganito nalang palagi ang ugali ni Dewlon, dahil sigurado akong pag nangyari 'yun di na ko makakaahon sa pagkahulog sa kaniya.
Masaya kong kinain ang hotdog sandwhich ko, mukhang ayaw naman ni Dewlon dahil ako lang binilhan niya.
"Gusto mo ba ng coffee?" tanong ko.
Napansin ko kasing inaantok na siya tsyaka mukhang pagod pa.
Hindi niya ako pinansin. Siguro nga kasalanan ko dahil pinigilan ko siyang uminom kanina. Huhubels! Bakit ang tanga mo naman, Kirt!? Kaya ayaw sayo ni Dewlon e!
"Saglit lang, ah?" sabi ko at tumayo.
Lumapit ako sa fridge. Natandaan ko pa ang kulay ng coffee in can na hawak ni Dewlon kanina.
Kinuha ko ang dalawang blue can at binayaran. Tinanong pa nga ako ni Ate kung nasa legal age na daw ako sabi ko naman ay oo kahit di ko siya gets at wala pa ko sa legal age.
Siguro pang 20's lang ang kape ano? Kasi sabi ni Papa sakin nung bata palang ako ay wag muna daw akong magkakape dahil pang matanda lang.
Para kay Dewlon nagsinungaling ako. Hihihi! Ganun ko siya kamahal.
Nang makarating ako sa lamesa namin ay nakasunod pala samin 'yung babae sa counter.
"Kung iinom po kayo niyan, wag po dito." sabi niya. Nagtaka naman kami ni Dewlon pero sumunod naman kami sa babae. Lumabas kami sa 7/11.
"Ang alam ko hindi naman bawal uminom ng kape sa loob." sabi ko at inabot kay Dewlon yung nabili kong kape.
Kahit hindi ako umiinom ng kape, kaylangan kong maipakita kay Dewlon na matanda na ako. Na hindi ako bata. Na pareho kami sa mga hilig.
Binuksan ko yung kape at ininom at kamuntik ko ng maibuga 'yung kape. Ganto ba ka pait ang lasa ng kape? Grabe ang sakit naman pala sa dibdib. Parang may kung anong gumuhit sa loob ng lungs ko.
Nilunok ko ng mariin ang kape at bumaling kay Dewlon habang nakangiting pilit. The eff! Ang pait talaga. Tiisin mo, Kirt. Para sa pag-ibig! AJA!
Nakita ko namang iniinom niya na 'yung kape. Habang iniinom niya ay para bang sanay na siya at parang wala lang sa kaniya.
Papaanong kaya niya at ako hindi? Tapos nung medyo tumagal ay nasarapan nako at nasanay na sa lasa.
"Dewlon! Bili pa tayo!" sabi ko sa kaniya. "I want more!" dugtong ko.
Medyo nahihilo ako at parang wala sa sarili. Hindi ko maipaliwanag. Ganito ba ang epekto ng kape? Para akong naduduling at naiinitan.
Nagulat pa nga ako sa boses ko. Ano 'yun? Parang hindi normal na boses ko. Parang ang landi ko. Ahihihi.
"Wag na. Uuwi na tayo." sabi niya at sumakay na sa motor bike niya.
Hinila ko naman 'yung damit niya kaya napalapit ang mukha niya sakin.
Nginitian ko lang siya. "Dali naaa~Please Dewlon! Please get me another coffee." pilit ko sa kaniya at saka inangkla pa ang kamay sa leeg niya.
I just wanted to drink!
I saw him smile, "It's not coffee you idiot! It's a beer, stupid!" sabi niya at binuhat ako pasakay sa motor niya.
Napatili ako at humalakhak. Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinalibot 'yun sa bewang niya.
"Kumapit ka kung ayaw mong malaglag." aniya at nakita kong iiling-iling siya.
"Engot ka talaga..." bulong niya bago paandarin ang motor bike niya.
Anong ginagawa niya? Bakit parang kahit hindi ko alam parang nagdidiwang ang katawan ko? Ang lapit lapit ko sa kaniya na I can really feel the hotness in my body. Sobrang init!
Yakap yakap ko si Dewlon mula sa likod. Parang nababaliw nanaman ang puso ko. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito? Diba't sabi niya hate niya ko?
"Dewlon...why do you hate me?" tanong ko out of no where habang nagmamaneho na siya.
Narinig ko ang mahinang tawa niya, "Because you're an idiot." he said.
"Aaaaah! Ganun ba?? Hehehe! Kahit hate mo ko, love parin kita. Hihihi." sabi ko at hinigpitan ang yakap sa kaniya.
"What? You love me? Then why do you flirt with other guys?" bakas sa boses niya ang pagiging sarkastiko.
Kumunot ang noo ko. "Flirt? Ano 'yun? Yun ba 'yung nakikipaglandian? Kanino naman ako nakipaglandian?" inosenteng tanong ko.
"Doon sa lalake kanina..." sagot niya.
Sino? Si Zander ba?
Napangiti aka at sinandal ng patagilid ang ulo ko sa likod niya. Nanamnamin ko na...
"Nagseselos kaba?" tanong ko. Tinatanong ko pa lang pero kinikilig ako.
"Look, I hate girls like you so how can I be jealous? Mas kinamumuhian lang kita day by day."
Aray ko naman!
"Day by day!? Bakit naman!?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot. Tumigil siya sa pagmaneho. Nakarating na pala kami sa bahay namin.
Bumaba ako at bumaba narin siya. Binalik ko sa kaniya 'yung helmet.
"Uy, Dewlon. Bakit day by day? Wala naman kaya akong nagawang masama sayo? Ikaw nga diyan ang meron, e." sabi ko at nagpout pa.
Kumunot ang noo niya, "What? Ano naman ang nagawa ko sayo?" tanong niya.
"Iniwna niyo ko. Nasugatan yung kamay ko. Sabi ni Zander dahil daw yun sa pagkakatumba ko pagkaalis niyo." nakangusong sabi ko.
Bigla niya namang hinawakan ang kamay ko. Kumunot ang noo niya.
"Wala naman ah? That guy was just doing his dirty moves and you fell for it. Psh, what will I expect from a stupid girl like you? Tss..." sabi niya at marahas na binaba ang kamay ko.
Akmang aalis na siya at papasok na sa gate nila ng pigilan ko siya.
"Dewlon!" tawag ko sa kaniya.
Huminto naman siya at bumaling sakin.
"Ano ba ang dapat kong gawin para wag mo nakong i-hate?" tanong ko. Medyo nahihilo narin ako, pero keri lang.
"Stop being an idiot and...."
Iniwas niya ang tingin sakin.
"...and stop hanging out with the nurse dude. If you do it, I'll be nice with you 10%" sabi niya at tuloyan ng pumasok sa gate nila.
He'll be nice with me 10%?
Waaaaaaaaaah!!
Pwede na 'yun! Pwede na'yun! Pero paano si Zander?
May utang na loob ako sa kaniya. He's my first and new friend dito sa Cebu.
Labag man sa loob ko, pero para naman kay Dewlon ay gagawin ko, eh. Hihihi!
Nararamdaman ko na talagang magiging magkaibigan na kami ni Dewlon yehey!
Patalon-talon akong pumasok sa bahay namin pero kaagad akong natapilok kaya nadapa ako. Sapol sa semento.
Araaaaay ko!!