Chapter 5
"Marunong ka bang lumangoy, Kirt?" tanong ni Ninang sakin.
Tumango-tango naman ako, "Marunong naman po. Kaso floating lang. Hihihi."
Tumawa naman siya, "Ang cute mo talaga! Asan na ba ang Mama mo? Nalulusaw na ang shake niya." tanong ni Ninang.
Nagkibit balikat ako. Nandito kami sa labas, nagsa-sun bathing kami. Sa pool naman ay nagswi-swimming si Josh ng mag-isa.
Ayos din ang batang to e! Di pa nga abot ang sahig ng pool, wagas na kung lumangoy!
"Josh, why dont you try floating? Kanina ka pa dive ng dive." sabi ni Ninang kay Joshua.
"I don't do floating. It's just for dumb kiddie people." sagot niya sabay tingin sakin na nakabusangot.
Aba't! Wala na ba talagang araw na hindi ako makakaramdam ng pagsusungit sa magkakapatid? Pansin ko nga kanina na tinatalsikan niya ako ng tubig.
Pero Kirt! Tandaan mo naman na kailangan mo silang pagtiisan dahil magiging pamilya narin kayo balang araw—o kaya naman sa susunod kong buhay!
"Oh, then you really have to learn. Kirt, hija. Can you teach him?" tanong ni Ninang sakin.
Napangiti ako habang nakatingin kay Joshua na ngayo'y magkasalubong ang kilay tila ayaw sa sinabi ni Ninang.
Mwahahaha! Lagot ka sakin ngayon! Lulunurin kita! Mwahaha! Makakaganti din ako sayong bata ka! Mwahahaha!
Agad naman akong tumango at tumayo sa kinahihigaan ko at tumalon sa pool. Naligo narin kasi ako kanina kaya nakagayak nako para lumangoy.
Lumayo si Joshua sakin, "No way! I wont!" tanggi ni Josh ng makalapit ako sa kaniya. Lumangoy pa siya palayo sakin pero dahil abot ko ang sahig ng pool mabilis ko siyang nahabol.
"Ano kaba! Alam mo bang helpful din naman ang floating? Dahil kung marunong ka nito, kahit nasa malalim ka hindi ka malulunod.." sabi ko at humiga sa tubig at pinagaan ang katawan ko. Kailangan mo kasing magpagaan sa tubig para maka-float ka.
"...ang panget nga lang eh kung sa kaka-float mo madala ka niya sa atlantic ocean!" dugtong ko pa at tumawa ng malakas.
Tinignan lang ako ni Josh at nag-form ng 'W' sa kamay niya at tinutok sa noo niya at benelatan ako.
"Yaaaa! Kailangan mong matuto! Basta, pagaanin mo lang ang katawan mo. Yun lang." pamimilit ko.
"Mom! Aalis po kami ni Kuya!" sabay kaming lumingon sa nagsalita. Naroon si Jewel bihis na bihis at sa likod niya ay si Dewlon na nakapamulsa.
Hotness overloading nanaman, kahit naka simpleng black polo lang siya! Sobrang gwapo talaga ni Dewlon! Hustisya naman po sa mga di pinagpala sa mukha.
Kagabi, gusto ko sanang malaman kung ano ang ginagawa niya sa kwarto niya pero tinatakpan ng itim niyang kurtina ang bintana niya.
Haaay! Alam niya na siguro na gagawin ko 'yun. Genius kasi siya. Kailan niya kaya ako pagbubuksan diyan sa buhay niya?
"Saan naman kayo pupunta?" tanong ni Ninang.
"He'll just drive me sa studio were I will be practicing sand wel'll bond with my friend later. We'll use his bike." sagot ni Jewel.
Napatingin sakin si Ninang, "Oh, well then isama niyo na si Kirt. Wala naman siyang gagawin buong araw." sabi ni Ninang at tinap ang balikat ko.
Ngumiti nalang ako kay Ninang. Kahit kailan talaga ay pabor na pabor sakin lahat! The best Ninang na talaga siya!
Pero, paano kami kakasya sa isang bike?
Bumusangot si Jewel, "What! No way, Mom!" tanggi ni Jewel.
"Sasama siya. Sige na, Kirt. Magbihis kana at sumama ka sa kanila." sabi ni Ninang sakin at tumango naman ako. Rinig ko naman ang matinding sigaw ni Jewel dahil sa frustration. Hihihi.
Isusuot ko 'yung nabili kong red na minnie mouse top at lagyan ko pa ng red ribbon sa buhok.
Pagkababa ko ay akala ko wala na sila Jewel pero nandoon parin sila sa labas, sa may pool naghihintay sakin.
Napairap siya ng makita ako. "Like, what are you wearing? Ugh!" reklamo ni Jewel at hinead to foot ako.
Tinignan ko naman ang damit ko, "Wala namang masama sa suot ko, ah?" nakangusong sabi ko.
"Tss, let's go nalang nga Kuya." padabog na sa i ni Jewel.
Napanguso ako habang pinapanood ang paglakad ng dalawang magkapatid palabas. Sumunod nalang ako sa kanila.
Paglabas namin ay akala ko BIKE na bisikleta. Yun pala, motor bike. Hihihi. Ang astig tignan! Parang monster bike!
Napakalaki kasi at kulay itim. Hindi naman siya mahilig sa itim, ano?
Kaya maitim din ang budhi. Bwahaha!
Pagsakay ni Dewlon ay di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang nag-slowmo ang lahat lalo na't sinusuot niya 'yung helmet niyang pula. Biglang nagkaroon ng mga palamuti sa paligid.
Bakit ba lahat ng galaw ni Dewlon apektado ako? Haaay! Grabe na talaga ang tama ko sa lalakeng to! Walastik!
"Yaaaa! Diyan kana lang ba forever?" bulyaw sakin ni Jewel na nakaangkas na sa likod ni Dewlon. Huhuhu! Ako sana doon, e! Ako sana kakapit sa likod, e!
Umaangkas ako sa likod ni Jewel. "Don't you dare touch me?" babala niya at sinamaan ako ng tingin.
"Okay!" sagot ko sabay ngiti pa.
Pagkaandar ay halos isumpa ako ni Jewel dahil kumapit ako sa kaniya.
"Yaaaaa! You really wanna die, ha?" singhal niya.
Umiling ako, "Halata namang hindi kasi kumapit ako sayo. Baka mahulog ako!" sarkastikong sagot ko.
"Ugh!" sabi niya at tinanggal ang kamay ko. So napakapit nalang ako sa polo ni Dewlon at sinugurado kong di ako dumidikit kay Jewel.
"Yaaaaa! Kuya, oh! She's touching you? Diba, you hate her?" react ni Jewel. Seryoso ba sila? Nakakasakit na sila ng heart ha? Sinabi ng di ako manhid tulad nila e!
Hindi umimik si Dewlon, kaya tumigil na si Jewel sa kakadakdak. Hinayaan ba ako ni Dewlon na kumapit sa polo niya? Totoo bang talaga na hinayaan niya ko?
Waaaaaaah!
Gaga! Wag kang umasa!
Pagkadating namin sa studio ay bumaba na ako sa motor bike at pagkatapos ay si Jewel na nakabusangot parin.
Inalis ni Dewlon ang helmet niya at unti-unti nanamang nag-slowmo ang lahat. Nyeteks naman! Ayan nanaman ang mga bituin at mga palamuti na kumukutikutitap!
Bakit ba sobrang gwapo nito? Mas lalo tuloy akong nawawalan ng pag-asa. Wala na. Wala ng pag-asa, Kirt. Walang panama ang karikitan ko sa kagwapohan niya.
"Kuya! Didn't you hear me kanina? Nakahawak siya sa polo mo. Diba hate mo siya?" seryosong sabi ni Jewel kay Dewlon.
Nakakainis na ang boses ng babaeng to ah? Konte nalang lalamangan niya na ang mala-dolphin kong boses.
Medyo nanlaki ang mata ni Dewlon, "I didnt know." sabi niya at pinunasan pa daw ang likod ng polo niya.
Ay? Hindi niya pala alam? Kala ko pa naman! Psh! Ano ba ko dito? May nakakahawang sakit? Imbyerna!
Eh, at least naman Kirt kasama mo si Dewlon diba? Medyo, naglevel up naman ako kahit papaano! Mula sa pagiging stalker niya sa Manila ay nauwi sa magkapitbahay sa Cebu! Werpaaaa!
Dati rati, hanggang tingin lang tapos parang hindi ako nag-e-exist sa mundo niya pero ngayon medyo may status narin akong masasabi samin ni Dewlon.
Status : He Hates Me
Oh, diba bongga! At least naman diba? Merong status? Kaysa sa wala. At least may nararamdaman siya sakin.
Pagkamuhi nga lang. Aray ko po. Kasakit!
Pumasok na kami sa loob at umupo kami sa waiting area. Magkatabi kami ni Dewlon dahil puno na lahat ng upuan.
Bigla namang sumulpot si Nicaela sa kung saan. "Hi!" masiglang bati niya at sumiksik sa gitna namin ni Dewlon upang mahulog ako sa kinauupuan ko.
Aray naman! Sinisira ang para-paraan ko? Tsyaka sa ki-dami-daming mauupuan talagang sa paraan pang mahuhulog ako eh nu?
Tibay din talaga n babaeng to. Napahiya na nga't lahat kay Dewlon noong nakaraan. Tinignan ko ng masama si Nicaela pero nakatutok ang atensyon niya kay Dewlon na hindi man lang napansin na nahulog nako.
Psh, ano namang paki sayo ni Dewlon? Wala. Wala. Nakakabwesit! Wala ba silang mga puso? Sa pagkakaalam ko ang puso ay napaka-importante sa buhay natin pero bakit wal siya nun sa katawan.
"Jewel, tomorrow nalang daw ang umpisa ng practice. Ano kaya kung mamasyal na muna tayo?" sabi ni Nicaela sabay lapit ng mukha kay Dewlon.
Jewel daw, tapos kay Dewlon nakatingin tapos dumidikit! HALIPAROT KA TE! Gusto pa atang magpaturo sakin kung sino ba talaga sa kanila si Jewel at si Dewlon.
"Oh sure, Ate Nics! Tara na!" masiglang sagot naman ni Jewel.
Excited na tumayo na si Nicaela para gumayak. Nakabusangot lang ako dahil buong araw ko pa palang makakasama ang malantod na'yun. Ka-imbyerna!
Tinignan ko naman si Dewlon and as usual. Poker face lang si Kuyang. Walang emosyon. So lamig!
"Ate, may car kaba? Kasi, motor bike dala namin. Trip kasi ni Kuya." humalakhak pa si Jewel ng makalabas kami sa studio.
Nagulat si Nicalea, "Oh? Sayang! I didnt brought it kasi. Pwedeng maki-ride?" tanong niya.
Tumingin naman si Jewel sakin ng matagal pagkatapos bumaling kay Nicaela at tumatangong ngumiti.
"Sure!" sagot ni Jewel at lumapit kay Dewlon sa motorbike.
Hala! Paano ako? Saan ako sasakay?
Tumingin naman ako kay Dewlon, baka sakaling hindi siya pumayag dahil may malasakit naman siya sakin pero sumasakay na siya sa motor bike.
Napanganga ako. Anak nang! Iiwan talaga nila ako dito?
Nakita kong hinayaan ni Jewel na umangkas si Nicaela sa gitna nila. Bigla akong nanlumo. Ako dapat do'n eh!
Bago umalis ay tinawag ko pa sila, "T-Teka—" naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Dewlon.
Walang kabuhay-buhay siyang tumingin sakin, "May pera kanaman diba? Kaya mo ng umuwi." sabi niya at pinaharurot na ang motor bike niya.
At sa sobrang lapit ko tapos medyo lampa pa ko kahit malaman ay napaupo ako sa semento pag-alis nila.
"Aray ko!" daing ko.
Sinamaan ko ng tingin ang motorbike na papalayo. Tsss! Ang saya saya naman! Ang sasama talaga ng ugali! Hindi man lang ako pinasagot! Wala akong pera, s**t ka!
Tatayo na sana ako ng biglang may kamay na nagpatayo sakin. "Okay ka lang ba, Miss?" tanong niya sakin.
Nang dumapo ang mga mata ko sa kaniya ay halos napamura ako sa sobrang kagwapuhan nito. Shete naman! SOBRANG POGI!
"Hey, I said are you alright?" tanong niya ulit.
Tumango-tango ako habang nakatitig sa kaniya.
Gwapo siya pero iba talaga ang kagwapuhan ni Dewlon. Haay! Ang lalakeng masama ang budhi nanaman?
"Okay lang ako. Medyo kasi ang gwapo mo kaya napanganga ako." wala sa sariling sagot ko.
At nung marealize ko ang sinabi ko ay napatakip ako ng bibig. s**t! Sinabi ko ba 'yun sa kaniya? WAAAAAH!
Napatawa naman siya. Tapos hinawakan niya 'yung kamay ko at nilapit sa kaniya kaya napaatras ako.
"H-Hoy! Sinabi kong gwapo ka pero sabi ko rin medyo!" sabi ko at sinubukang agawin ang kamay ngunit hindi niya binitiwan.
Anong gagawin niya sakin?
Ngumiti siya. "What are you talking about? Meron kang bruise sa kamay." sabi niya at pinakita ang sugat ko.
Napatingin ako ro'n ngunit wala naman akong makitang bruise.
"Bastos ang lalakeng 'yun. Hindi niya dapat pinaandar ng ganun kalakas para hindi malakas ang impact." sabi niya at muling ininspeksyon ang kamay ko.
Tinignan ko naman 'yung sugat ko. "May sugat ba 'to? Hindi naman dumudugo."
Tumawa naman siya, "Kasi nag-internal bleeding. Pasok ka muna sa clinic gamutin natin." aya niya.
Tumango naman ako. Mabait naman pala siya. Para siyang si Dewlon. Mabait na version nga lang.
Pumasok kami sa isang mini clinic sa mismong harap ng studio kung saan ako galing, "Doctor ka o nurse?" tanong ko.
"Tumutulong lang pero parang Nurse narin."
"Pag mamay-ari mo ang clinic na'to?" pansin ko kasing siya lang nandito. Wala bang doktor?
"Sa Daddy ko."
Ahhh kaya.
"Ilang taon kana? Ang swerte mo naman para may clinic ka kaagad."
"Sa daddy ko lang to. Di pa ako totoong nurse. Mag-fo-fourth year high school pa lang ako next semester year."
Namangha naman ako sa sinabi niya, "Woaah? Siguro sobrang talino mo kaya ka pinagkatiwalaan ng daddy mo na mamahala sa clinic ninyo." manghang sabi ko.
Ngumiti siya, "Kakahatid ko lang sa kaniya sa labas kaya nakita ko ang nangyari sayo. At may kasama akong mga totoong nurse talaga." sabi niya tapos may kinuha siyang parang gel tapos nilagay sa palad ko.
"Mamamaga 'yan kaya nilagyan ko ng gamot. Okay na'yan. Don't worry." sabi niya at nginitian ako.
Napangiti rin ako. Nakakahawa ang mga ngiti niya. "Ako nga pala si Zander. Zander Alcantara." sabi niya at nilahad ang kamay niya.
Agad ko 'yung tinanggap, "Courtney Salvador. Kirt nalang." sabi ko.
Pinisil niya naman ang kamay ko. Bigla naman akong napatili.
"Ay sorry!" sabi niya at hinimas ang kamay ko. Yun pala yung kamay na ginamot niya.
Tumawa nalang kami. Hindi naman pala masama ang isang to. Genius siya katulad ni Dewlon pero mabait siya.
Para siyang mabait na version ni Dewlon Montesor.