Chapter 4: Teen Princess

2140 Words
Chapter 4 Ang ending ako lang mag-isa pumasok sa boutique at nagtingin-tingin sa mga damit. Ang daming magagandang damit, as in. Kumikinang pa ang mga mata ko sa sobrang ganda. Yung mga cute tops at dresses. Ang gaganda! Pero halos malaglag ang panga ko pagtingin ko sa presyo. "Ah excuse me, bibili kaba Miss?" tanong ng sales lady sakin. Nginitian ko lang siya at umiling. Nawala ang ngiti sa labi niya, "Kung hindi rin naman pala, umalis na kayo dito." bulong niya pero narinig ko. Bumusangot ako. Edi, aalis! Sana walang bumili ng paninda niyo. Bwesit! Aalis na sana ako ng may nagsalita sa likod ko kaya halos mapatalon ako sa gulat. "Bibili sana kami, pero wag nalang." ani ng isang malamig na boses. At sa paglingon ko ay insaktong lumapit siya sakin at hinala na ako palabas ng boutique. "T-Teka, Dewlon..." Hinila niya ko sa iba pang boutique. "Pumili kana. Babayaran yan ni Mama lahat." sabi niya at nag-cross arms. Like a boss! Psh! Napaawang ang labi ko. "Babayaran niya lahat? B-Bakit?" Nanliit ang mata niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Dahil nakakaawa ka sa suot mo." suplado niyang sagot. Nanlaki ang mata ko. Aba't! Magsasalita na sana ako ng itulak niya nako sa mga damit. "Pumili kana. Bilisan mo." utos niya. Napakamot ako ng ulo. Bwesit to! Pero kiber lang! Nasilaw agad ako sa magagandang damit na nasa harap ko. Konte lang ang napili kong damit hanggang one thousand lang dahil nakakahiya naman kay Ninang. Nakita kong pumasok si Ninang at si Mama sa loob ng boutique. Bakas sa mukha nila ang saya ng makita si Dewlon na nakatayo lang malapit sakin. Kinawayan ko sila at sinabing lumapit. Nang makalapit sila ay tinukso kami ni Ninang kung kaya't namula nanaman ako. "Para kayong mag-girlfriend at boyfriend!" tuksoni Ninang. Napanguso ako at napatungo dahil umiinit ang pisnge ko. Sige pa, Ninang. Tuksuhin niyo pa po kami baka sakaling ma-fall siya sakin. Ayyy! "Ninang naman!" nahihiya kong sabi. "Psh. Aalis na ako." paalam ni Dewlon. Ayy? Sinamahan lang talaga ako dito? Pero, TEKA! Diba sabi niya kanina nung sinabi ko na 'ako nalang mag-isa' ay sumagot siyang 'ok' tapos sinamahan niya parin ako? Waaaaaaaaaaah! Grabeeeeeee! KINIKILIG AKO!!!! HE CARES FOR ME! SHEMAY! "Ano kaba naman, Jun. Samahan mo na kami dito. Sabay nating susunduin si Jewel sa audition niya." sabi ni Ninang. Umirap lang si Dewlon at nag-cross arms ulit na para bang sagot niya na'yun na maghihintay siya. "Oh, sukat mo na." sabi ni Ninang sabay abot ng damit sakin. Tumango ako at pumasok sa dressing room. Paglabas ko binigyan pa ako ni Ninang ng tambak tambak na damit. "Susukatin ko po lahat ng ito?" gulat kong tanong. Over naman! "Oo, sige na." sabi ni Ninang. Una kong sinukat ang dress na strawberry. Waaaaaah! Ang cute nitoooo! Lumabas ako sa dressing room para ipakita at pinuri naman ako ni Ninang. "Grabe, MINA! Ang cute cute talaga ng anak mo!" sabi ni Ninang. "Saan pa ba magmamana?" Mama. Ngiti-ngiti lang ako. Pasimple naman akong napatingin kay Dewlon at nahuli ko siyang nakatingin din. Oh, ano ka ngayon? Ganda ko diba? Bumaling si Ninang kay Dewlon, "What do you think, Jun? Maganda diba?" tanong ni Ninang kay Dewlon. Lahat kami napatingin sa kaniya at naghihintay ng sagot niya. "I think she's like a pre-schooler or something." sagot niya. Napabusangot naman ako sa sinabi niya. Aish! Ang ganda ko kaya! Pumasok ako ulit sa dressing room at naghanap ng damit na magiging looking matanda ako. Ngunit sa bawat paglabas ko ng dressing room ay ganito nalang ang mga sagot niya. "Kinder." "Elementary." "3 years old" "Lady Gaga" Napasapo ako sa aking noo, "Lady Gaga? Yung totoo? Miley Cyrus kaya." puna ko kay Dewlon. "Let's buy them all, sobrang ganda at bagay sayo, Kirt." sabi ni Ninang. "Ay nako, Ninang, wag na po lahat!" sabi ko. "Oo nga naman, Jemi. Masyadong mahal ang mga damit na 'yan. Dapat kasi nag-ukay-ukay nalang tayo." sabi ni Mama. "Oo nga naman po! Magagandang damit at dresses na po ang mabibili natin sa halagang 150 pesos!" dugtong ko. Napangiti si Ninang at bumaling kay Dewlon, "Heard that, Jun? Simple lang siya. Girlfriend material, right?" tanong ni Ninang kay Jun. Waaaaaah! Nakakahiya pero parang nawalan na talaga ako ng hiya dahil sa pangboboost ng loob ni Tita. Kinagat ko na ang aking labi at ngumuti. "Psh. Bahala na kayo. Mauuna nako sa sasakyan" sabi niya at umalis. "Wag kang mag-alala, Kirt. Magugustuhan ka din ni Jun." sabi ni Ninang nag-AJA pa siya. "Ay nako! Wag mo ngang paasahin yang si Kirt, Jemi." sabi ni Mama, sinuway naman siya ni Ninang. "Ano kaba naman, Mina! Kaya muntik na kayong di magkatuloyan ni Danillo, eh. Nega mo." sabi ni Ninang. Nangasim naman ang itsyura ni Mama. "Kaya Kirt wag kang gagaya sa Mama mo. Nega 'yan pagdating sa love. Laging may what if's na iniisip. Dapat go lang ng go." dugtong pa ni Ninang. Para naman akong nabuhayan sa sinabi ni Ninang. Si Ninang na talaga ang may the best boosting powers. Hihihi! Pumunta na kaming parking lot matapos bayaran ni Ninang lahat ng damit. Mga sampung paper bags ata ang pinagtulongan naming bitbitin. Si Dewlon sana daw yung tagabitbit pero umalis naman ito kaagad. May mga bitbit pa kaya sila Ninang galing groceries. Kaya itong si Ninang gigil na gigil ng kurutin si Dewlon sa singit ng mapahiya naman daw sakin. Hihihi! IDOL ko na talaga si Ninang. Nang malapit na kami sa parking lot ay may nakalimutang bilhin si Ninang kaya nagpasama siya kay Mama sabi naman ni Ninang mauna nako tapos sabay kindat pa. Ano kayang binabalak nila? Nang makarating ako sa sasakyan nakita ko sa bintana ng sasakyan na may kausap sa cellphone si Dewlon. Hindi ko maipinta ang isyura niya. Para bang galit siya pero kalmado parin ang itsyura. Mas nakakatakot ang mga ganun. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Imbis na maturn-off sa ugali niyang 'yan, mas lalo pa akong nagkakagusto sa kaniya. Habang pinagmamasdan ko siyang kalmado pero halatang galit siya sa kausap niya sa phone ay parang nakaramdam ako ng awa. Parang may kung anong kumurot sa puso ko at the same time. Kasi, iniisip ko kung sino 'yung taong may kayang ganyanin si Dewlon. Napakaswerte naman niya. Kung makikita lang sana ng taong kausap niya ang ekspresyon ng mukha ni Dewlon ay baka maramdaman niyang swerte din siya kahit papaano. Dahil ang kilala kong Dewlon Scott Montesor. Walang ekspresyong pinapakita sa ibang tao. Walang emosyon lagi. Ngunit ang nakikita ko ngayon ay napakaraming emosyon mula sa kani Nang ibaba niya ang phone niya ay lumapit ako sa sasakyan tapos kinatok ang bintana ng driver's seat. Siya ata magmamaneho, kanina kasi si Ninang. Tumingin siya sakin pero agad naman niyang iniwas. Badtrip parin siguro siya. Agad akong umikot at sumakay sa shotgun seat. "Sinong nagsabing diyan ka uupo?" tanong niyang hindi nakatingin sakin ng makapasok ako. Napakagat labi ako. "Ay, pasensya na." sabi ko at lumipat sa backseat. Pagkapasok ko ay pinagmasdan ko siya sa rear mirror. Mukhang malalim talaga ang iniisip niya, e. "Okay ka lang ba?" tanong ko. Ayokong mangusisa pero curious talaga ako. Hindi niya ako pinansin sa halip ay sinipat niya ang kaniyang phone. "Mukha kasing...ang lalim ng iniisip mo, eh. May problema kaba?" tanong ko. Lakasan na ng loob to. Ineexpect ko na susungitan niya ako pero himala at hindi. Tinignan niya ko mula sa rear mirror, "Ganun na ba kahalata?" cold na tanong niya. Ngumisi ako at tatango na sana ngunit halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita siya. "Well, you don't f*****g care!" singhal niya. Napapikit ako at napakagat labi. ANG SUNGIT!!! Tumunog ang phone niya. Pagkatapos niyang basahin 'yung nagtext ay tinapon niya 'yung phone sa harap. "Lipat ka dito." cold na utos niya. "Ha?" "Are you deaf?" tanong niya ulit. "Ha?" deaf? Ano nga ba 'yun? Limot ko na, e. "Stupid ka talaga. Sabi ko lipat ka dito sa tabi ko. I dont want to be a driver of someone stupid like you." mariing sabi niya. AISH! ANG SUNGIT SUNGIT! Tragis! Kaya, Kirt. Itatak mo na sa kokote mo na masungit si Dewlon at himala nalang talaga kung maging mabait siya sakin. Mukhang hindi na mawawala ang regla niya. Lumabas ako ng padabog tapos ay marahas na pumasok sa shotgun seat habang nakabusangot. Bwesit kasi, nakakainis ang kasungitan niya. Bigyan ko siya ng napkin diyan, makita niya! Bigla naman niyang pinagana ang sasakyan. Hala? Bakit aalis na ba kami? "D-Dewlon...Sila Ninang pa..." "May lakad pa sila." malamig na sagot niya at tuloyan na kaming nakalabas ng parking lot ng Mall. Nang makarating kami sa studio kung saan nag-audition daw si Jewel bilang isang trainee para masali sa next Teen Princess ng Cebu. Malaki ang studio at dalawang palapag ang building at mahaba. Wag niyo ng itanong sakin kung ilan ang length. Length ba 'yun o width? Hindi! HEIGHT ata 'yun eh. Ah ewan! Malay ko ba? Lumabas si Dewlon kaya lumabas rin ako sa sasakyan. Hindi niya sinabing sumunod ako pero sumunod parin ako. Pinatay niya ang aircon eh! Sinundan ko siya papasok sa building na sinabi ko. Mukhang studio type pero malaki. Pagkapasok namin ay maraming mga babaeng nakabihis tapos maganda din naman, mukhang kakatapos lang ng audition. Lahat ng mata nila ay nasa direksyon namin ni Dewlon. Syempre, si Dewlon ang tinitignan nila at hindi ako, pero pwede narin. "Sino siya?" "Ang gwapo niya, shemaaay!" "Who's that girl?" "Julalay niya ata." Taenashit! Ansabi nila? Julalay? Ako? YUNG TOTOO? Susunggaban ko na sana yung babae ng may lumapit saming babae, si Jewel. "KUYA!" sigaw nito. Lumapit si Jewel para yakapin si Dewlon at nagtago sa dibdib nito. Mukhang malungkot si Jewel. "Bakit?" tanong ni Dewlon, habang inaalis si Jewel sa dibdib niya. Napa-smirk nalang ako. Ang sungit niya kahit sa kapatid niya. Kitang may problema at kinakaylangan ni Jewel ng hug tapos aalisin. Turn off! Charot! "Kuya! Mukhang hindi ako papasa!" mangiyak ngiyak na sumbong ni Jewel. "Tsss...I know this will happen. Wala ka namang talent sa pag-momodel. You could have join the classical music." wlanag emosyong sabi ni Dewlon. Sumimangot naman ako gaya ng pagsimangot ni Jewel sa kaniyang masungit na Kuya. Napaka talaga niya! Tsk! Napaka-prangka! Wala na talagang lalabas na maganda sa bunganga niya. "Kuya naman! I hate classical music! Boring! I love modeling. Nag-join ako dahil gusto kong mapalapit kay Ate Nicaela. Para cool din ako!" sabi niya at nag-pout. Waaaaaaah! Ang cute cute niya! Hindi ko alam pero kinurot ko ang pisnge niya. Sobrang cute lang talaga eh! Gulat na napatingin sakin si Jewel at nanlaki ang mata ng makita ako. "What the! Anong ginagawa mo dito? Why did you pinched me?" maarte nitong tanong sabay hawak sa pisnge niya. Tinignan ko lang siya at tinaas ang kamay ko sa harap niya at ngumisi, "Ah..automatic?" patanong kong sabi. Bakas sa mukha niya ang hindi makapaniwala, "Like DUH! Ang stupid mo talaga." sabi niya sabay irap. Bumaling siya kay Dewlon, "Kuya, promise me you wont fall for her. Promise me that." sabi ni Jewel kay Dewlon. Aray naman beh! Sana pinatakpan niyo muna tenga ko bago niyo sabihin 'yun diba? Anong akala niyo sakin manhid like you all? Jusko naman. Tinignan ko naman si Dewlon para abangan ang isasagot niya. Umangat ang labi niya, "You dont need to make me promise, 'cause I wont." sagot ni Dewlon at sumulyap sakin. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. Isa pang aray! Shete naman! Bakit ayaw ako ng magkakapatid? Ang masaklap mga kapatid pa ni Dewlon. Huhubels! "Jewel!" biglang may tumawag kay Jewel ng papaalis na kami. Nilingon namin yung tumawag kay Jewel at super ganda naman ng girl na itey!Mataas siya, medyo maputi, kulot ang buhok niya. Maganda. Sexy. Model na model ang dating. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Jewel at sinalubong yung babae. "Ate Nicaela!" Oh, siya pala ang cool daw. "Jewel, buti naman naabutan pa kita. Nakapasa ka! You're so maganda so sinabi ko na ipasok ka nila sa audition. Sayang naman kung hindi ka makakasali. Malaki kang kawalan..." sabi ni Nica ba 'yun tapos tumingin ng kakaiba kay Dewlon. Kumunot ang noo ko at tinignan ng masama yung babae. Bakit parang iba ang kutob ko sa babaeng to? Parang nangangati ako, ah. "Hi, ako nga pala si Nicaela Pederon." sabi niya at inilahad ang kamay kay Dewlon. Tinignan lang 'yun ni Dewlon at hindi tinanggap ngunit tumango naman ito, "Dewlon Montesor." sabi niya at nauna na sa paglakad palabas. Pasimple naman akong napangiti. NEKNEK mo, Ateng! Super ganda niya na ha pero inisnob lang ang beauty niya ng isang Dewlon Montesor. Ang Dewlon ko! Ammp! Nung tinignan ko si Nicaela ay nakatingin siya ng masama sakin tapos hinead to foot niya ko. Tumaas ang kilay niya at tinalikuran ako sabay flip ng hair. WALANGHIYA!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD