Chapter 3
Kulang nalang dumugo ang labi ko sa kakakagat ko nito, eh. s**t, parang gusto ko nalang lamunin ng lupa dito...kasama si Dewlon. Charot! Huhu! Bakit ba kanina pa ako inaaway dito?
"Joshua! Ano bang pinagsasabi mo." saway sa kaniya ni Ninang.
"Okay ka lang ba, Kirt?" tanong ni Ninong. Hininas himas naman ni Mama ang likod ko.
"Totoo ang sinabi ni Josh, Mom. That girl likes Kuya. She even said she loves Kuya kaso lang wrong grammar. Stupid, right?" biglang sulpot ni Jewel.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinauupuan ko. Not minding na si Dewlon ang katabi ko. Sobrang nakakahiya talaga. Napakagat labi ako. Nakakahiya! Nakakahiya kayla Ninong at Ninang baka anong isipin nila.
"Jewel Catherine! Stop being rude in front of your Tita and Tito at sa Ate Kirt mo." sita ni Ninong sa kaniya.
"Ate? Eh tignan mo nga siya. Mas matanda pa nga ako mag-ayos sa kaniya." napatingin naman sila sa akin sa sinabi ni Jewel.
Sinipat ko ang ayos ko. Ngumuso ako. Anong mali sa dalawang ribbon sa ulo ko tapos naka pig tails pa? Tsyaka anong mali sa suot kong jumper?
"Anong masama sa ayos ni Kirt? Ang cute cute niya nga eh. Parang baby. Eh, ikaw 13 ka pa lang para ka ng 18 kung manamit." sabi ni Ninang at nginitian ako. "Pero, Kirt! Totoo bang nagtapat ka kay Dewlon!?" dugtong na tanong ni Ninang.
Nagulat naman ako sa tanong ni Ninang. Paano kaba to sasagutin? Nakakahiya naman at ang taong pinaguusapan namin ay katabi ko lang naman. Jusko, nagkaroon ako ng lakas ng loob magtapat kay Dewlon, oo pero 'yun ay akala ko di na magtatagpo ang landas namin kaya ibang-iba to ngayon.
Napatingin ako kay Dewlon at patuloy lang siya sa pagkain. Dahan-dahan akong tumango habang nakatingin sa kaniya. "Opo." tipid kong sagot na nahihiya kaya tumungo ako.
Tumili ng malakas si Ninang at nakipag-apir pa kay Mama. "Waaaah! Mahal mo ang anak ko? Waaaaaaaah! Sinasabi ko na nga bang kayo talaga para sa isat-isa, eh." sabi ni Ninang at niyakap ako.
"You're lucky, Jun! Ang ganda ganda ni Courtney." sabi ni Ninong at ngumiti. Bigla naman akong namula sa sinabi ni Ninong.
Walang ganang tumayo si Dewlon. Malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha, "Tapos na po akong kumain." sabi niya at umalis.
Napatawa naman si Jewel, "See? Kuya doesn't like a girl like her. He preferred being with Nicaela Pederon. 'Yung teen princess ng Cebu? Maganda na matalino pa." sabi ni Jewel at nag-walk out din kagaya ng Kuya niya.
"Oo nga! Ayaw niya sa mga panget at mataba." sabi ni Josh at sumunod sa Ate niya. Aba't magkakapatid nga! Jusko!
Gusto kong maiyak sa kahihiyan. Ano bang galit sakin ng magkakapatid? One for all, all for two ba sila? Tama ba 'yun? Aish!
Hinagod ni Ninang ang likod ko, "Nako, pasensya kana sa mga anak ko, ha? Nagseselos lang 'yun dahil sweet ako sayo..." sweet na sabi ni Ninang. Parang siyang bata. Hindi na 'ko magtataka kung bakit naging mag-bestfriend sila ni Mama.
"Pasensya na kayo, ha?" sabi naman ni Ninong.
"Mga kabataan nga naman." sabat naman ni Papa.
"Ayos lang po sakin, Ninang...Ninong. Excuse me lang po, magbabanyo lang po ako." sabi ko at umalis na doon.
Hindi man lang ako nakakain ng maayos. Dumiretsyo na ako sa kwarto para ilabas ang sama ng loob ko, pero naudlot yun ng makita ko sa bintana ang itsyura ni Dewlon pagkapasok ko ng kwarto.
Nakaupo siya at seryosong nakatingin sa cellphone niya. Halata ko lang na ang kwarto ko lang ang walang kurtina. Napatitig ako sa kaniya, sobrang lungkot ng mga mata niya habang tinitignan lang ang cellphone niya.
Bakit? May hinihintay ba siyang text? May girlfriend na kaya siya? Para namang sinaksak ang puso ko sa naisip ko. Wala, siguro kaklase nya lang na namiss niya. Pero...babae ba o lalake? I hate this feeling. Sa school naman kasi hindi naman siya gano'n ka close sa mga kaklase niya. Madalas siyang mag-isa sa library at nagbabasa ng libro. Madalas tumatambay lang sa classroom at nakikinig ng music sa headset niya.
Maraming nagkakagusto sa kaniyang mga babaeng magaganda, matatalino, mayayaman na sobrang layo ng agwat ko sa kanila pero binubusted lang ni Dewlon, eh ano nalang ako? Binusted niya rin. Minsan naisip ko, sino kaya o anong klaseng babae kaya ang magpapalambot ng puso ng isang Dewlon Montesor?
Sa kakatitig ko sa kaniya ay napatingin siya sa direksyon ko. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Ngunit nang irapan niya ako at umalis sa pagkakaupo ay biglang nanakit ang dibdib ko. Bumuntong hininga ako at saka humiga sa kama.
Ayaw niya ba talaga sakin? Sobrang tanga ko na ba talaga para i-hate niya ko? Hay. Siguro ayaw talaga ni Dewlon sa presence ko. Ayaw niyang mapalapit sa mga taong alam niyang may gusto sa kaniya. Bakit ko ba kasi minahal ang isang tulad niya?
Gusto ko na nga siyang kalimutan pero bakit parang ginagago naman ako ng tadhana? Gusto niya bang umasa nalang ako forever? Gusto niya bang manatili ako sa one-sided love ko kay Dewlon? Napaka-unfair naman kasi ni kupido. Papanain nalang ako, hindi niya pa sinama si Dewlon.
Ilang araw na kami sa bagong bahay namin at kapag hindi ko naiisip na kapitbahay ko si Dewlon ay masayang-masaya akong na-eenjoy ang bago naming bahay, pero kapag nahahagip ko na ang presensya niya, sa breakfast, sa lunch at sa dinner ay naiilang ako.
Lagi nalang nagbabago ang pagtibok ng puso ko. Nauulol na ata. Lalo na kapag tinotopic na 'yung feelings ko para kay Dewlon. Bumabaliktad ang sikmura ko. Parang gusto ko nalang himatayin sa oras na'yun para makatakas, e.
Kung hindi lang naman kasing kalahating manhid sila Ninang ay sana maramdaman nila na hindi ako gusto ni Dewlon. Abnormal din ang pamilya. Yung maldita namang kapatid niyang si Jewel ay laging may dalaw kapag nakikita ako, 'yung kapatid niyang lalake naman lagi akong binabato ng bola. What there problem ba?
Tsk. Minsan sinisita pa ang english ko, kaya tagalog nalang ako. At least maalam pa. Pwede ring matuto ng lenggwahe nila dito sa Cebu para naman may iba pa kong alam na lenggwahe bukod sa tagalog.
"Courtney, maligo kana at mag-mamall daw tayo ni Ninang mo. Girls Day daw." sabi ni Mama.
Tumango ako at umakyat na papunta sa kwarto ko para maligo at magbihis. Sigurado nanaman akong kasama nanaman ang Jewel na'yun mamaya. Psh.
Tinapik tapik ko ang pisnge ko. "Kaylangan 'kong pakisamahan ang babaeng 'yun. Balang araw magiging magsister-in-law din kami. Bwahahaha!"
Teka! Ano!? Naririnig mo ba ang sarili mo Kirt? Aasawahin mo ba ang Kuya niya? Hindi diba? Umiling-iling ako, "Hindi pwede! Hindi na dapat! Hindi na dapat, Kirt! Move on na diba, jusko!"
"Hoy! Ang ingay mo." nagulat naman ako sa nagsalita mula sa labas ng bintana. Nakita ko si Dewlon na nakadungaw sa bintana niya. Magkasalubong ang kilay tila badtrip nanaman.
Tinignan ko ang kabuuan ni Dewlon at s**t putragis. Napanganga naman ako sa hotness niya! Bakit naman naka-topless lang siya? Bakit naman sobrang hot niya sa messy hair niyang basa? My god! Tsyaka jusko! Ngayon ko lang nakita ang katawan niyang yan! Gosh! At ano 'yang mga pandesal na nakadikit sa tiyan niya!? Jusko! I need coffee!
Kirt! Alam kong hot na hot 'yang DATING CRUSH mo kaya parang awa mo na maghunos dili yang puso mo. PLEASE LANG. Pati 'yang mata mo, wag sa pandesal pwede ba? Tig-dalawang piso lang yan sa bakery!
"Psh." sabi niya at isinara na ang kurtina niya.
Napa-pout ako. Sayang 'yung magandang view! Tsk! Minsan iniisip kong pinati-tripan ako ni Dewlon, eh. Tama ba namang ipakita niya sakin ang katawan niya tapos hindi rin pala ibibigay. Paasa rin eh!
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako ng damit ng isang simpleng v-neck at skinny at converse kong sa ukay-ukay pa nabingwit. Wala eh. Mahirap lang talaga kami. Mabuti nalang at may mayayamang kaibigan si Mama at Papa.
Nagpunta na kami ng mall at sa byahe ay napag-isip-isip ko na kaylangan kong kunin ang loob ni Jewel. Para kung maging close na kami ay ilalapit niya ako sa Kuya niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sinabi ko ng tigilan ko na si Dewlon eh ito ako iniisip nanaman ng paraan para mapalapit kay Dewlon.
Kahit anong pilit ko atang wag na magkagusto sa lalakeng 'yun ay hindi ko mapigilan. Kaya nga lumayo na ako, eh. Tapos 'yung ending magkakasama pa talaga kami palagi. Tsk! Oo at masaya ako pero nakakainis na ang pag-uugali niya. Pero mas lalo lang yata akong naiinlove. Shete naman. Bakit kasi baliktad pa kasi!
"Ano kaya kung ipag-shopping natin ang Ate Kirt mo, Jewel? Ikaw ang pumili dahil magaling ka sa mga damit." sabi ni Ninang kay Jewel.
Biglang na-excite si Jewel pero nung ma-realize na ako pala ang tutulongan niya ay binawi niya ang ngiti niya at napalitan ng busangot. "Fine." nagulat ako. Akala ko tatanggi siya. Hihihi!
Si Mama at si Ninang ay nagpaalam na mag-gro-grocerry sila tapos iniwan kami sa isang boutique daw. Ito na siguro ang oras para maging close kami, ano? Paano ko naman uumpisahan kung magkasalubong na ang kilay niya? Magkapatid talaga sila ni Dewlon.
"Ah Jewel--" napahinto ako.
Bigla ko namang nakita di kalayuan si Dewlon papalapit samin. Gwapong-gwapo siya sa suot niyang simpleng gray shirt at black pants. s**t! Para nag-slowmo ang lahat tapos may mga bituin habang papalapit siya.
Tumikhim si Jewel, "Pinapunta ko si Kuya dito. Alam kong masisiyahan ka dahil siya ang pasasamahin ko sayo ngayon sa pamimili ng damit. I just really need it. Kaya no choice ako, pero hindi ibig sabihin nun boto ako sayo. May pupuntahan lang ako." sabi niya at umalis. Sakto namang nasa harap ko na si Dewlon.
Aray ko po! Napakagat labi ako. Ano ba naman 'yan siya pa talaga makakasama ko. Gusto ko sanang magtatatalon sa kilig at tuwa pero nung maalala ko ang pambabusted niya sakin at ang hate na hate niya daw ako ay napapaatras ako.
"Kaya ko namang mag-isa." sabi ko, kunwari ayaw pa daw.
"Okay." tipid na sagot niya at tinalikuran ako.
Waaaaah! Ano ba 'yan! Parang gusto kong bawiin! Napakagaspang talaga ng ugali! Matalino siya pero hindi ba niya alam kung ano ang PAKIPOT!? Tsss...
**
Thanks for reading! Don't forget to Vote and Comment. :)