Chapter 2: Dewlon's Siblings

1287 Words
Laglag panga parin ako habang nakatingin sa kaniya at habang di makapaniwalang tinuturo siya. Siya nga ba!? Si Dewlon Scott nga ba talaga ang lalakeng ito? Pero, imposible diba? Nandito na ako sa Cebu at si Dewlon na crush ko ay nasa Manila. Hindi siya si Dewlon, Kirt. Hindi talaga! Sinampal ko ang sarili ko, pero nasaktan ako ng sagad kaya totoo nga. Totoong siya nga 'yung lalakeng kaharap ko at nasa kabilang bintana. Nakita kong umangat ang labi niya at pagkatapos sinarado ang bintana niya at saka tinakpan ng kurtina niyang itim. Bumuntong hininga ako. Kailan kaya niya 'ko pagbubuksan diyan sa puso niya? Charot! Pero teka...bakit nandito siya!!? Namamalikmata lang ba ako!? o sobrang adik na talaga ako kay Dewlon na nakikita ko na siya hanggang dito sa Cebu? "Kirt! Baba kana. Pupunta tayo sa kabila. Dumating na ang Ninang at Ninong mo." sabi ni Mama mula sa labas ng kwarto. HALA! Hindi pa ako ready'ng harapin si Dewlon kung hindi nga ako namamalikmata ha? Kaano-ano siya ng bestfriend nila Mama? Pagkatapos ng kahiya-hiyang ginawa ko at ang pambubusted niya sakin ay wala na ata akong itsyurang maipapakita. Kaya nga galak na galak akong tumira na sa Cebu for good para makatakas sa kahihiyan tapos susundan naman ako dito sa Cebu ng kahiya-hiyang nagawa ko! Malas ba o...swerte? "Naririnig mo ba ako, Kirt!" bulyaw ni Mama. Napakagat labi ako, "Maaa! Kayo na po muna! Ang sama po ng pakiramdam ko. Na-shiplag ata ako, eh." sabi ko with nakakaawang tono ng boses. "Ah, ganun? Bahala ka. Nagluluto pa naman ako ng kare-kare for dinner. Matulog kana lang muna, ha." nananadya ang boses ni Mama. Napalunok ako at nagsimulang imaginin ang kare-kareng eenjoyin nila Mama at Papa mamaya. Huhubels! Lecheng, Dewlon kasi! Bakit kasi nagtapat pa ako. Hindi sana ako ganito. Kahit gutom na gutom ako ay may pride pa naman ako kaya natulog nalang ako dahil mayron nga naman akong shiplag. Kinabukasan pag-gising ko ang sarap sarap ng tulog ko to the point na alas-dose na ko nagising. Anak ng putspa naman! Grabeng tulog ang ginawa ko. Ang lakas naman kasi ata ng aircon. Hindi kasi ako marunong magbukas. Di remote pa kasi. Pagkapindot ko ng isang button na green ay umandar na tapos biglang lumamig kaya ayos na yun at natulog nako, di ko namalayang tubro na pala ang aircon. Dumiretsyo ako sa CR sa loob ng kwarto ko at naghilamos. Hindi nako nag-tooth brush dahil kakain rin naman ako pagbaba ko. Sabay nalang mamaya pagnatapos nasa bahay lang naman ako. Pagkatapos ko ay lumabas na 'ko sa kwarto at bumaba. Nakarinig ako ng mga ingay sa labas pero balewala sakin yun dahil sobrang gutom na gutom na ako. Dumiretsyo akong kusina at parang pusang kinalkal ang ref namin. Malay mo may kare-kare pang tira, pero biglang may nagsalita, "What are you doing?" suplado ang boses. Yung boses niya ay pamilyar sakin. Minsan ko lang 'yun narinig at masasakit pang salita ang narinig ko mula sa boses na'yun. So hindi nga ako namamalikmata kagabi? Totoong Dewlon nga talaga! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Haharapin ko ba siya o ano? Nahihiya na ako! Bigla akong tumalikod. "Wala, naghahanap lang ng pagkain." sagot ko. Hindi na siya nagsalita at narinig ko ang mga yapak niyang papaalis. Woooh! Muntik niya nakong makita. Kaya unti-unti ako bumalik na sa paghahanap ng pagkain sa ref. "Akala mo ba pareho tayong tanga para hindi ko malaman na ikaw 'yan? Stupid desperate." Walanghiyaaaaaaaa! Bumalik pa pala siya! Nyeta naman! "Oh, na-meet niyo na pala ang isa't-isa. Dewlon, hijo. Anak ko nga pala si Courtney. Courtney, si Dewlon ang anak ng Ninang at Ninong mo." pagpapakilala ni Mama sakin na may ngiti sa labi. Ngumisi lang si Dewlon kay Mama na parang may masamang balak. Bigla naman akong kinabahan. s**t! Isusumbong niya ba 'ko kay Mama? Patay na! "Oh! Courtney pala pangalan niya? Kilala ko siya sa school, Tita. Sikat siya." sabi niya at tumingin saglit para samaan ng tingin at umalis. Sumimangot ako. Galit talaga siya? Buti naman sana kung hinalikan ko siya, eh sapatos lang naman niya lumanding ang bibig ko. Ganoon niya kamahal ang sapatos niya? Kunsabagay, kahit sapatos ni Dewlon ay sasambahin ko. Char! "Oy anong ginagawa mo diyan? Maligo kana at pumunta ka sa labas sa may pool. Naghanda kami ng tanghalian." sabi ni Mama. Tumango naman ako at may nakita akong biscuit sa ref ay hinablot ko 'yun at dinala sa taas para kainin. Gutom nako kaya ayos na muna itong biscuit. Nang matapos akong maligo. Nagtoothbrush nako dahil bigla akong na-conscious sa sarili. Nagpaganda ako ng bongga para mapansin niyang pretty naman pala ako kahit bobo. Awww! Lumabas na ako at naabutan ko sila sa pool side. Nakita kong may malaking table doon at si Mama at Ninang ay naghahanda na ng food. Si Papa at Ninong naman ay nag-uusap sa gilid habang nag-iihaw. May nakita naman akong babaeng nasa 13 years old ata ang edad naka-upo sa upuan at nag-cecellphone. Nasaan kaya si Dewlon? Paglapit ko doon ay nasa akin ang atensyon nila. Nilapitan ako ni Ninang at nagbeso. "Ang laki mo na, Kirt! Ganda ganda naman ng anak mo Mina." manghang sabi ni Ninang at saka ako pinagmasdan ng mabuti. Aww! Ang ganda naman ni Ninang Jemi! Humalakhak si Ninong "Mukhang walang pinagmanahan itong si Pareng Danillo sa anak niya, ah." biro ni Ninong. Tumawa kaming lahat, "Oh, tama na 'yan at kumain na tayo." sabi ni Mama. "Jewel, asan na ang kuya mo?" tanong ni Ninang sa batang babae. Ah, Jewel pala ang name niya. Ito siguro ang kapatid ni Dewlon. "I dont know, I saw him pumasok sa loob." sagot niya. Mukhang maarte ata ang isang to. Nagtama ang mata namin at nginitian ko naman siya pero inirapan lang ako. Aba! May attitude! "Oh, andyan na pala si Jun." sabi ni Ninong sabay nguso sa paparating na si Dewlon. Jun!? Sinong Jun? Ba't Jun? Gusto kong matawa. Ano siya si Jun-Jun? Nahalata yata ni Ninang na naguguluhan ako at mukhan natatawa. "Jun ang nickname niya. Trip lang namin, pero Dewlon ang totoong name niya." bulong ni Ninang sakin. Magkatabi kasi kami. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si Dewlon. Omygod! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Parang nagharlem shake ang tiyan ko. Nananadya ba siya at tumabi pa sakin? Paasa masyado e! "Aba, tignan mo nga naman. Bagay na bagay sila." manghang sabi ni Ninong at pangiti-ngiti pa. "Kawawa naman kung ganun si Kuya. Panget na-link sa kaniya" sabi ni Jewel habang nakataas ang kilay. "Jewel!" sita ni Ninong at Ninang. "Why? It's true naman. Siya si Kirt Salvador. Sikat siya school dahil mahina ang utak niya. Pinakamahina!" sabi nito at nag-cross arms pa. Napakagat labi ako at tumungo. Nakakahiya naman! "Ano kaba naman, Jewel! Wag ka ngang ganyan!" ninang. "Well, sorry Mom. You just have taught me to be honest in everything." sabi niya at tumayo. Bigla akong nakarinig ng mahinang tawa. Mukhang ako lang yata ang nakapansin. Tinignan ko lang ng masama si Dewlon. Pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Araykopo! Yung totoo? Ang taray niya pala. "Nasan na nga pala si Josh?" tanong ni Ninang kay Dewlon. "Mommy! Mommy!" may sumigaw na batang lalake at tumakbo ito papalapit kay Ninang. "Ano 'yun Josh?" tanong ni ninang. Hula ko 'yung batang lalake ay nasa edad na 6 years old. "Mommy! Sabi ni Ate may stupid daw na babae dito. Yun daw 'yung babaeng nag-confess kay Kuya Jun tapos wrong grammar pa! Stupid desperate girl daw!" Halos mabilaukan ako sa iniinom kong juice. Ano ba naman 'tong magkakapatid! Bakit kanina pa nila ako inaaway? Inaano ko ba sila! HUHUBELS! ** Please vote and comment your reactions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD