"Kirt! Bili mo ko ng shampoo! Wala tayong shampoo!" bulyaw ni Mama galing sa kusina.
"Waaaaaah! Mama! Ang sakit po ng tiyan ko! Waaaaah! Mamatay na ata ako! Waaaah!" nagsisisigaw din ako dito sa salas namin. Nanonood ako ng Kungfu Panda, panira. Uutusan lang ako? Minsan lang to lumabas to sa TV.
"Danillo!! Asikasuhin mo 'yang anak mo. Sapakin mo para malaman niya kung gaano na ako kapurga diyan sa ka-dramahan niya sa tuwing inuutusan ko siya!" sigaw ni Mama kay Papa na nasa kabilang upuan malapit sakin at nagka-kape.
"Ano kaba naman Mina! Kita mo na ngang may LBM 'yung anak mo, uutusan mo pa." sabi ni Papa. Kaya naman paborito ko si Papa, eh. Kinindatan pa ako ni Papa dahil magkakuntyaba kami.
"Aba, kawawa naman pala ang baby namin..." naging malambing na ang boses ni Mama, nandito na pala si Mama sa harap namin.
Bigla naman akong kinilabutan. Kapag ganyan na ang boses ni Mama, ibig sabihin...
"Kaya naman Danillo lumabas ka ng bahay para bilhan kami ng shampoo ng anak mo! Tapos gamot para sa LBM!" unti-unting nagta-transform nanaman yung boses niya sa pagiging bruha nanaman.
Napatayo si Papa at tinuro ako, "Kirt naman! Kaya ka nalang tumataba ng tumataba dahil nakanganga kana lang palagi sa TV. Subukan mong lumabas man lang muna dahil bukas aalis na tayo papuntang Cebu! Aba't bumili kana nga ng shampoo doon at maligo kana!" utos ni Papa. Anak ng poknat naman, oh!
Akala ko ba magkakampi kami!? Huhubels! Alam ko na kung saan ako nagmana. Wala din akong nagawa kundi lumabas sa lungga 'kong pinagtaguan ng mag-iisang buwan na dahil sa nangyari sa pagtatapat ko kay Dewlon. Ba't kasi nadelay 'yung alis namin? Tsk!
Hanggang ngayon nahihiya ako sa mga pinag-gagawa ko. Pero, may parte sakin na iniisip na napaka unfair niya. Hindi porket gwapong genius siya at ako diyosa ng kagandahan at katangahan ay i-lo-look down niya nalang ng ganoon. Opposite attracts daw kaya.
Op! English 'yun! Matalino nako niyan, ah!
Paglabas ko ng bahay para naman daw akong bampira na nasilaw sa araw. Aish, naman! Malayo pa ang tindahan samin kaya nilakad ko pa papunta doon ng nakapayong. Mahirap ng mangitim. Mahirap na nga ang isang maganda at maputing tulad ko, na 'yun nalang siguro ang mayroon ako ay mangingitim pa.
"Uy, diba siya si Kirt Salvador? Aba! Akala ko nagpalibing na siya ng buhay dahil sa kahihiyan." tumawa pa 'yung nadaanan 'kong babae.
Kinagat ko nalang ang labi ko at napapikit ng mariin. Anak ng poknat naman, oh! Mag-iisang buwan na kaya! Bakit tandang-tanda pa nila!? Tatalino!
"Siya si Courtney daw ba 'yun? Yung talk of the people sa sss at mapa-twitter at i********:. Grabe, astig siya!"
Parang bigla naman akong nabuhayan ng loob kaya nag-chin up ako at chest out. Aba! Astig daw ako!
"Kaya naman pala! Eh, wala naman siyang bundok!" natatawang sabi nito.
Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng nagsabi nun at umirap. Bigla namang nawala ang confidence ko ng dahil doon. Napatungo nalang ako dahil nahihiya nanaman ako.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad ng napaghalata 'kong para namang ang daming nakakakilala sakin. Kaya naman nung hinanap ko kung saan galing ang mga schoolmates ko ay nandoon pala sila sa isang restaurantm galing. May ano kaya? Mukhang may party. Ang dadami naming schoolmates, oh.
"Uy, dalian niyo na! Papunta na daw si Dewlon oppa!" rinig kong sabi ng babaeng mukhang koreana pero tabaching-ching kasama ang mga friends niya.
Pero, what!? Dewlon!? JU-LON! As in Dewlon Scott Montesor pupunta sa loob ng restaurant na'yan?! Oh my god! Sana hindi ko siya makita. Sana hindi ko siya makita!
Dapat na'kong umalis sa tapat ng restaurant! Hindi ko dapat makita si Dewlon at hindi niya rin dapat akong makita. Ngunit pagtalikod ko ay bumungad kaagad si Dewlon kasama ang mga kaibigan niya daw, pero sa palagay ko mga social climbers lang sila.
Op! Another english Kirt!
"Uy diba 'yun yung babaeng stupid?" tanong ng kaibigan niya.
"Oo nga, Kirt Salvador. Stupid desperate girl." sabi naman nung isa.
"Tara na." suplado nitong sinabi. Yun lang ang nasabi ni Dewlon at hindi man lang ako tinignan. Ano pa bang aasahan ko?
Dinaanan lang nila ako. Para namang sinaksak ang puso ko. Oo, sanay na'kong hindi pinapansin. Dinadaanan niya lang, pero mas masakit pala na dinadaanan ka lang niya at hindi pinapansin matapos kang magtapat sa kaniya.
Kasi meaning nun, wala lang ako sa kaniya. Hindi importante sa kaniya ang nararamdaman ko. Bakit ba ako nagkagusto sa isang genius na katulad niya na hindi maabot? Sana na in love nalang ako sa taong stupid kagaya ko. Ako lang yata ang naniniwala sa opposite attracts eh. Haaay!
Dapat kasi hindi na'ko umasa pa. Ang taas taas ni Dewlon at hindi ko siya maabot. Kumbaga, langit siya lupa ako. Charot! Masyado ng gasgas, alam ko. Kaya in english, His sky, I'm soil.
Alam 'kong makakalimutan din ni Dewlon ang isang tulad ko. Sa ki-dami-daming nagtatapat sa kaniya imposibleng matandaan niya pa ako. Ang dapat ko nalang talagang gawin ngayon ay mag-move on. Hindi naman ako kagandahan kaya wala naman talaga akong pag-asa.
- -
"Sweety! Tignan mo may dolphins, oh!" sabi ni Papa kay Mama habang tinuturo 'yung mga dolphins sa dagat.
Nakasakay kami ngayon sa barko at patungo ito ngayon sa Cebu. Wala kasi kaming pera para sumakay ng eroplano.
"Ngayon nalang ako nakasakay sa barko. Sobrang ganda!" pumapalakpak pang sabi ni Mama. Hay, salamat! Nakaalis narin ako doon. Hindi ko na makikita ang supladong Prince Charming 'kong pinahiya ako sa buong Lukefore University.
Nakakalungkot man mapalayo sa mga kaibigan ko, pero ganun talaga. Kailangan 'kong tanggapin na iba na ang tatahakin 'kong buhay at pagdating ko sa Cebu? Wala na ang dating ako na walang ginawa kundi ang gustuhin si Dewlon at maging tamad sa pag-aaral. Magbabago na ako. Kakalimutan ko na lahat sa Manila puwera lang sa mga friends ko.
Nang sa wakas nakababa na kami sa barko. Pinili nalang naming mag-jeep kaysa mag-taxi kahit ang dami naming dala. Ewan ko ba kina Mama at Papa kung bakit ayaw nilang dalhin ang salas set namin at iba pang mga gamit sa bahay.
"Ma, saan ba tayo titira?" tanong ko.
"Sa Lamsa's Subdivision." sagot ni Mama.
Subdivision!? Ano 'yun? Ahmmm? Nakatira ba ang mga magnanakaw doon? p****k? d**g dealers?
Tumango-tango nalang ako. Wala naman kaming magagawa kung 'yun nalang ang pu-pwede saming bahay. Pagbaba namin ng jeep, sumakay pa kami ng tricycle. Tumigil 'yun sa isang malaking gate na may dalawang guards.
Lumapit si Papa sa guard. "Kami po 'yung kasama ni Jemi at Luke Montesor." sabi nito. Abala naman ako sa kaka-inspeksyon sa paligid. Ayos pala dito! Parang Manila rin.
Siniko ako ni Mama, "Nasabi ko na ba sayo na ang subdivision na ito ay mga bahay ng mga mayayaman? Dito tayo titira, anak. Bigay samin ng Ninang at Ninong mo." sabi ni Mama.
Laglag panga ako sa sinabi ni Mama. Ano raw!? "Tara! Tara!" excited na sabi ni Papa at sumakay na kami ulit sa tricycle.
"Doon kami sa block 2." sabi ni Papa sa driver.
Pagkapasok namin sa loob ay nalaglag ang panga ko. Grabe! Ang lalaki ng mga bahay! Tama nga si Mama, para sa mga mayayaman ang subdivision na'to. Ibig bang sabihin maganda din ang magiging bahay namin? OMG! Sasambahin ko talaga ang Ninang at Ninong ko! Mamahalin ko sila higit pa sa pagmamahal ko sa mga magulang ko.
"Ihinto muna! Ihinto muna!" utos ni Papa sa driver at agad namang inihinto nung driver sa tapat ng isang violet na bahay. Malaki ito at color black ang gate. Nakahilera ang mga magagandang bahay pero hindi masyado magkakadikit ang bahay. Konteng layo lang, malalapad kasi ang spacing.
"Ma, ito na ba ang bahay natin?" tanong ko habang nakaawang ang bibig.
"Pa, ito na ba 'yung sinasabi ni Jemi!?" di ako pinansin ni Mama at nagtanong kay Papa.
Dahang dahang tumango si Papa habang nakatitig sa bahay. "Violet, check. Itim na gate, check. Ito na 'yun! Ito na 'yun!" sigaw ni Papa with excitement.
At nung ma-realize namin na ito na nga 'yun. "WAAAAAAAAAAH!" sigaw naming tatlo at nagyakapan pa daw kami with matching talon talon pa.
Halos di pa kami magkasya nung nag-unahan kami papasok. Nung tulayan na kaming nakapasok sa loob ng bahay ay halos madulas kami sa sahig.
Grabe! Kaya naman pala ayaw nila Mama na dalhin yung mga gamit namin dahil magiging basura lang pala 'yun tignan sa bagong bahay namin. Tapos, halos kumpleto na ang mga gamit.
May kurtina na ang mga bintana, may TV, salas set, at kung anu-ano pa. Kung hindi ko lang alam na bagong bahay namin to ay iisipin kong may nakatira na dito dahil marami ng gamit.
"Ang ganda naman! Tara, akyat tayo." sabi ni Papa. Sumang-ayon naman kami at umakyat ng sabay at hindi nanaman kami halos magkasya sa hagdan.
"Wala ka talagang modo, Danillo! Dire-diretsyo tayo dito sa bahay na ibinigay ng bestfriend natin. Sana pumunta muna tayo doon!" sabi ni Mama.
Napakamot naman si Papa, "Umalis muna silang mag-pamilya kaya sabi ni Luke ay pumasok nalang tayo sa bahay. Tutal, may susi naman siyang naibigay na." sagot ni Papa.
"Ma! Saan po ba magiging kwarto ko!?" excited 'kong tanong.
Bumalik sa excitement ang atmosphere namin, "Ah! Ano sabi ng Ninang mo doon ka sa pink na kwarto. Sila mismo ng anak niyang babae ang nagdecorate niyan anak."
Napatingin naman ako sa buong second floor, may tatlong kwarto at hula ko 'yung malaking pinto ay master's bedroom at siguro kung may kapatid ako ay sa kaniya ang kwartong 'yun.
Bigla naman akong nalungkot, "Ma, Pa, kung sana nandito si Hance magiging masaya 'yun. Meron na rin siyang kwarto, oh." sabi ko sabay turo sa bakanteng kwarto.
Narinig kong suminghot si Mama, nahawa naman si Papa kaya tuloyan na silang napaluha. Hindi ko naman na pigilan dahil family kami. Nagyakapan nalang kami. Kung sana buhay ka pa Hance, mas magiging masaya.
Mayroon akong kapatid na lalake, pero hindi man lang tinulutan ng Diyos na imulat niya man lang ang kaniyang mga mata at makita man lang ang mundong ginagalawan niya. Ang mundong kung saan hinihintay siya ng mga nagmamahal sa kaniya. Nakakalungkot dahil namatay siya nung iniiri na siya ni Mama. Haaaaay. Kung bakit kasi pagka-iri, may kasamang poop.
"Ano ba! Tama na nga 'tong drama. Mag-ayos na tayo." utos ni Mama at kumalas na sa yakap. Sumang-ayon naman kami at nagsitungo na sa mga aasikasuhin namin.
Pinasok ko na 'yung kwartong may pink na kwarto. Nung una, pumasok pa ako sa kwartong bakante. Pagkapasok ko sa pink na kwarto ay laglag ang panga ko sa sobrang ganda. Pink na pink siya tapos maraming stuff toys! Waaaaaaah! At isang stuff toy lang ang nakabihag ng puso ko. It was a human size pink panda bear. OMG!
Sinugod ko ang pink panda bear at niyakap. May aircon din ang kwarto ko tapos may cabinet at tukador. May banyo din pala sa loob ng kwarto ko. Nilagay ko na ang mga damit ko sa cabinet, nilagay ko na ang picture frames sa study table, tukador at sa bedside table.
Mga pictures namin sa Manila nila Warren, Jayren at VG. Pictures naming mag-pamilya. Apat kami, idinikit nalang namin ang imaginary baby picture ni Hance. At tatlo lang kaming magpamilya.
Ang kaisa-isang picture lang na nasa bedside table ko ay ang picture namin ni Dewlon na pinagdikit ko lang, tapos isang white bear lantern. Napaka-cute talaga! Pero teka? Bakit nilagay ko pa 'tong picture niya sa bed side table ko?
Inalis ko 'yun at nilagay sa ilalim na drawer. Napaharap ako sa tukador na malapit sa bintana.
"Dito sa CEBU, kakalimutan ko na ang lahat sa Manila especially kay...DEWLON SCOTT MONTESOR!!" seryosong sigaw ko sabay suntok sa ere.
"Fighting!!!!!" dugtong na sigaw ko.
"Well, goodluck with that..." isang cold na boses ang narinig ko kung saan.
Hinanap ko ang pamilyar na boses na'yun at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Sa katabi naming bahay may kaharap akong bintana at doon ko nakita si Dewlon Scott Montesor nakahilig sa bintana niya at nakatingin sakin ng seryoso.
"...stupid desperate girl." dugtong pa niya.
Anak nang! Anong ginagawa niya dito!?