bc

Damon Yoo meets Faith

book_age18+
932
FOLLOW
3.8K
READ
dark
possessive
contract marriage
arrogant
dominant
drama
bxg
humorous
brilliant
seductive
like
intro-logo
Blurb

"What will happen when Damon Yoo meets Faith?"

To save her sister's life, Faith agreed to marry the second son of the Yoo Family, Damon, who's known to be a heartless and badass jerk.

Love. Family. Sacrifices. Three choices and Faith needs to choose wisely. What is it?

chap-preview
Free preview
Simula
Simula [Have you seen the news? ‘Di ba si Richard Yoo yung ka-fling ni Felony?] Ate Felicia asked me on a phone call. "No. Hindi pa ako nakikinig ng balita and yes, Ate. Si Kuya Richard nga. Why?" I asked back. [Well… I don’t know how to say this but… he committed suicide.] Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatayo. "What?!" Napa-tingin ako kay Bailey na ngayon ay naguguluhan na sa inaakto ko. [Yeah, you heard it right. Nagsalita na ang pamilya Yoo sa interview. Off-duty ako ngayon at kakatawag lang ni Mama, pinapapunta ako sa mansyon. Ikaw ba?] "Hindi pa tumatawag si Mama. I don't know if she's trying to contact me right now, magka-usap tayo," sagot ko. [Oh, yup! Okay... I'll hang up this call at baka tinatawagan ka na ni Mama. Magkita nalang tayo sa mansyon. Bye! Ingat ka.] [You too.] Right after she hangs up the call ay nag ring ulit ang cellphone ko, and as expected, it's Mama. [Go here in the mansion. Now!] I froze noong marinig ang pag-sigaw niya. I didn't have a chance to ask dahil pinatayan na ako ni Mama ng tawag. Tumingin ako kay Bailey na ngayon ay naka-kunot na ang noo. Mukhang gulong-gulo na talaga siya. "Anong nangyayari, Miss Faith?" tanong niya nang makakuha ng chance. "Prepare our things. Pupunta tayo ng mansyon. Also, check the details about Richard Yoo on the news." "Aye! Aye! No prob!" aniya at kaaagad na kumilos. Pumasok na ako sa banyo ng condo ko para mag-ayos. Nagmamadali na ako at hindi ko na pinaganda pa ang sarili ko ng husto dahil alam ko namang maganda na talaga ako so there's no need. Paglabas ko ay naka-ayos na ang lahat, even Bailey. "The car is ready, Madam! I'm also checking the news about Richard Yoo." "Okay, sa kotse na natin pag-usapan 'yan." Nauna na akong lumabas ng condo at naka-sunod si Bailey pero nung malapit na kami sa elevator ay nagmadali syang magpunta doon para pindutin. Luckily, walang tao kaya naka-sakay kami kaagad. Pagdating ng parking lot ay nandoon na ang driver at hinihintay kami. Bailey opened the back door for me pagkatapos ay naupo na siya sa passenger’s seat. Ilang saglit pa, the car started to move. "Miss Faith, totoo ngang nag suicide ang panganay na anak ng mga Yoo at alam mo ang dahilan? Niloko daw kasi siya ni Miss Felony," sabi ni Bailey habang binabasa ang balita sa tablet niya. Hindi ko mapigilang mapa-pikit ng mariin. Felony is really a pain in ass! Pasalamat lang sya at paborito siya ni Mama. Hindi ko na tuloy mapigilang isipin kung anong mangyayari dahil sa ginawa ni Felony. Ang pamilya Yoo ang nagsisilbing haligi ng negosyo namin sa ngayon dahil muntik na itong malugi. Last year, our business was facing bankruptcy, mabuti nalang at sinalba iyon ng mga Yoo dahil nalaman nilang Felony and Richard is in a relationship. Masaya sila Mama at pati na rin ang parents ni Kuya Richard pero sa nangyari ngayon, sigurado akong dapat magsimula na kaming kabahan. They are also looking forward sa kasal ni Felony at Kuya Richard at para na din sa pag mi-merge ng dalawang kompanya. Everything’s fine na sana… Sana. But… relationship my ass! Alam ko na never nagseryoso si Felony pagdating sa pag-ibig. Sila lang ang hindi nakakapansin ‘non dahil sa tingin nila ay si Felony ang pinaka-magaling sa lahat. Ngayon, dahil sa nangyari ay hindi ko lubos maisip kung anong binabalak ng mga Yoo. Hindi ko alam kung paano malulusutan ni Felony at ng pamilya namin ang problemang sinimulan niya. "Miss Faith, we're here." Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang boses ni Bailey. Napatingin ako sa paligid at nandito na nga kami. Malapit lang ang condo ko sa mansyon namin dito sa Quezon City kaya naman hindi na ako magtataka kung nandito na kami kaagad lalo na't wala namang traffic. Naka-bukas na ang pinto ng kotse sa gilid ko kaya naman lumabas na ako. Sinalubong ako ng mga kasambahay namin na nasa labas ng mansyon at hindi na maipinta ang mukha. "Nasan sila?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay. "Nandoon po sa sala, galit na galit po si Don Fausto, Miss Faith," sagot niya. Wearing my fierce look, naglakad na ako papuntang sala at kahit na medyo malayo pa ako ay rinig ko na ang sigaw ni Papa. "Felony naman! Kilala mo ang mga Yoo!" "Mahal, calm down. 'Wag ka namang magalit ng sobra sobra kay Felony. Isipin mo naman ang nararamdaman ng anak mo." rinig kong pagpapakalma ni Mama noong makalapit na ako. Hindi ko tuloy mapigilang mapa-tawa. Dahil masyadong mataas ang tensyon ay si Ate Felicia lang ang naka-pansin ng pagdating ko, bukod sa mga kasambahay na narito sa tabi ko. "Don Fausto, Donya Fely, nandito na po si Faith," sabi ng Mayordoma dahilan para mapatingin sila Mama sa akin. Muli akong naglakad at hindi na ako nag-abala pa na batiin sila dahil wala rin naman sila sa magandang mood. Tumabi ako kay Ate Felicia at tipid niya akong nginitian, ganon din ako sakaniya. Paglipat ko ng tingin kay Felony ay magang-maga na ang mga mata niya sa kakaiyak. Hindi ko siya masisisi, kahit naman siguro ako ang nasa kalagayan niya ay kakabahan ako para sa buhay ko. Hindi birong kalaban ang mga Yoo. Pero gusting-gusto ko sabihin sa kaniya na deserve niya naman ang nangyayari ngayon. Hindi masama ang ugali ko, sadyang nagsasabi lang ako ng totoo. "Since nandito na kayong lahat, let's start," sabi ni Mama na nagpakunot ng noo ko. Anong uumpisahan namin? Oo nga pala… bakit kailangan lahat pa kami nandito. Kung ideas at suggestions kung paano malulusutan ang problema na ‘to ang kailangan nila sa akin, pwes, wala silang makukuha. Hindi ako magaling pagdating sa ganyan. Napatingin ako kay Felicia na mukhang naguguluhan din sa sinabi ni Mama kaya sigurado akong wala siyang alam at hindi nabanggit ni Mama ang kung ano man na uumpisahan o pag-uusapan naming. "Tumawag ang mga Yoo kanina..." panimula ni Mama. Okay. Expected ko naman na ‘yon. Buti nga tawag lang ang ginawa at hindi nagpunta dito. Siguradong gulo ang mangyayari kapag nangyari 'yon. Narinig kong muli nanamang humikbi si Felony kay hinawakan siya ni Ate Felicia para pakalmahin. Hindi ko tuloy mapigilan na mapa-irap. Nakaka-irita lang! Kung sa mga Yoo siya umiyak ng umiyak at hindi dito sa harap naming ay ayos pa sana at baka sakaling maawa pa sa kaniya. Kahit anong iyak niya dito at kaawaan siya ng lahat ng tao sa bahay na ‘to, nonsense lang. "Hindi nila i-pu-pull out lahat ng investment sa kompaniya, they will still support our business kahit na ganito ang nangyari." pagpapatuloy ni Mama. My brows furrowed after hearing those and Felony stopped crying. Itutuloy pa din nila ang pagsuporta sa kompanya kahit na ganito ang nangyari? At bakit? Anong kapalit? Oh well… kahit papaano, that’s a piece of good news but for sure ay mabigat ang kapalit nito. "Really, Ma? Ano namang kapalit?" Ate Felicia asked. Nanatili lang akong tahimik dahil wala rin naman akong balak magsalita, basta ba’t ‘wag nila akong idadamay. Nananahimik ang buhay ko at hindi ganoon kalaki ang ipon ko kaya kung financial ang kailangan nila, maliit lang ang mai-aambag ko. Hindi sila sumagot kaagad, iniisip ko tuloy kung ano ba ang kapalit na hinigi ng mga Yoo. Mukhang masyadong mabigat. Sa bagay… "They still wanted to continue the marriage," mabagal na sagot ni Daddy "WHAT?!" sabay na tanong namin ni Ate Felicia. Dahan-dahan rin kaming napatingin sa isa’t-isa. Bakas sa mukha ni Ate ang gulat samantalang ako ay hindi ko mapigilan na ma-amaze. So, Yoo family still wants to continue the marriage but wait… kanino? "Wait, Mom, Dad. Parang may mali. They still wanted to continue the marriage? Oo alam naman natin na mga Chinese sila at naniniwala sila sa ghost bride pero hindi naman ata pwede 'yon," pagkontra ni Ate Felicia. Napatakip ako sa bibig ko, with the poise, of course, sa narinig ko kay Ate. Actually, wala akong masyadong knowledge tungkol doon at hindi rin naman ako mahilig manood ng mga Cdrama, movies, or Filipino movies na may Chinese theme pero alam ko na nag e-exist nga yung paniniwala about ‘ghost bride’ at nangyayari talaga ‘yon. "Y-yeah. Ate Felicia is right," sabat naman ni Felony. Gusto kong matawa dahil bakas ang takot sa boses ni Felony. "Calm down. Hindi naman kay Richard ipapakasal, kundi sa pangalawang anak nilang si Damon," ani Dad atsaka ito napa-hilot sa sentido niya. Napa-awang ang labi ko sa sinabi ni Daddy at dahan-dahang napatango. E ‘di maganda. "At si Faith ang ipapakasal natin sakaniya," sabi ni Mama. Para akong nabingi sa sinabi ni Mama at noong ma-proseso na sa utak ko ang sinabi niya ay hindi ko napigilang mapatayo. Hindi ko magawang makapagsalita kaagad dahil pakiramdam ko ay nag-uunahan ang mga salitang gusting lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagtayo ni Ate Felicia at hinawakan ang magkabilang braso ko. Alam niyang sasabog ako ngayon kaya naman pinipigilan nya ako. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago tuluyang nagsalita. "Bakit ako? Sino bang gumawa ng kalokohan? Bakit ako madadamay?" galit na tanong ko. I can’t believe this! Bakit ako kailangang maglinis ng duming ginawa ni Felony? Nananahimik ang buhay ko at bakit kailangan nilang sirain? Ayoko pang ikasal! Ayoko pang mag-asawa for pete’s sake! Inis kong sinuklay patalikod ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Pilit kong kinalma ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sag alit pati na rin ang paghinga ko na sobrang bilis kahit na hindi naman ako tumakbo. "Si Felony ang may kasalanan, siya dapat ang ipakasal niyo sa lalaking 'yon at hindi ako!" pa-sigaw na dagdag ko dahilan para mapatayo si Mama. "Sinisigawan mo na kami? Ayan ba ang natututunan mo sa pinanggagawa mo ngayon? Ang sumalungat sa gusto ng mga magulang mo?" sunod sunod na tanong ni Mama. Tumayo na din si Papa at pilit na pinapakalma si Mama. "And don't call your older sister by her first name! Ano? Nawala na ba talaga ng tuluyan 'yang pag galang mo?" I balled my fist. Hindi ako sumagot at nakipagtitigan kay Mama. I hear Ate Felicia whispering, telling me to calm down. Pinapa-upo niya na ako. "Hindi mo ba naisip ang kapatid mo? What if pagtangkaan ang buhay niya ng mga Yoo?" muling tanong ni Mama na nagpa-awang sa labi ko. Really? Hindi ko mapigilan na mapabuga ng hangin. Hindi na ako nagsalita at umalis sa sala. Nagtuloy ako palabas ng mansyon at mula sa labas ay naghihintay si Bailey. Patakbo itong sumunod sa akin, tinahak ko ang daan papuntang parking lot. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ni Bailey ng pinto ng kotse, ako na mismo ang nagbukas at padabog na isinara iyon. Nararamdaman kong unti-unting nag-iinit ang sulok ng mga mata ko pero pinigilan ang sarili kong maiyak. Itinuon ko ang tingin ko sa bintana. Isipin ang buhay ng kapatid ko? Bakit? Ako ba, walang buhay kaya ipapadala nila ako doon? Kapatid ko si Felony at paano kung dahil sa ginawa ay madamay ako? Paano kung sa akin nila ibuntong ang lahat? I smiled bitterly. Sa bagay, ano bang laban ko sa taong paborito ng lahat?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.8K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook