Chapter 3
"Miss Faith, baka lumala yung paa nyo kapag naglakad kayo ng naglakad," nag-aalang sabi ni Bailey pero hindi ko sya pinansin kahit medyo iika-ika pa ako maglakad.
Masyado akong masaya para sa naisip ko plano kanina. Ngayon, ang dapat kong isipin ay kung kailan kami uuwi ng Pilipinas. Isa pa, dapat ay mapalapit ako kay Damon. Dapat hindi nya mapansin na may pina-plano ako. Kailangan kong maging maingat.
"Miss—"
Tumigil ako sa paglalakad kaya naman bumunggo sa likod ko si Bailey dahil naka-sunod lang sya sa akin.
Humarap ako sakaniya.
"Ang ingay mo, Bailey. Mas lumalala ang sakit sa paa ko kapag naririnig ko ang boses mo." Ginawa kong bahagyang iritable ang boses ko and I guess, it's a success because of his reaction.
Napa-takip si Bailey sa bibig nya pagkatapos kong sabihin iyon. Lihim akong napa-ngisi at nagsimula na akong maglakad ulit.
Naramdaman ko ang paglapit nya sa akin.
"Ay, Miss Faith..." pabulong na sabi nya. Talagang lumipat na sya sa gilid ko.
Pababa na kami ng hagdanan kaya naman inaalalayan nya ako. Kinuha nya ang isang braso ko at dahan-dahan kaming bumaba.
"Ano nanaman?" bored na tanong ko.
Well, I do hate my foot right now. Hindi ako sanay sa ganito.
"Yung mukhang may pinagtatalunan sila doon."
Napatigil ako sa pagbaba at sinundan ng tingin ang tinuturo ni Bailey.
Si Damon at Trevi.
Napakunot ang noo ko sa nakita at nagpatuloy muli sa pagbaba. Bigla ko nanaman tuloy naalala ang pag-mumura ko kay Damon kanina at pakiramdam ko ay biglang nag snow sa loob ng mansyon.
Ano nga ba ang pumasok sa isipan kobat nagawa ko 'yon? Napa-iling ako napa-buga ng hangin.
"Ano kayang pinag-aawayan nila?" tanong ni Bailey na syang dahilan upang mapa-irap ako.
Nilingon ko sya. "Bakit ka ba nagtatanong, eh, magkasama lang naman tayo?" balik na tanong ko. Hindi naka-ligtas sa akin ang pag-irap niya.
Aba! Aba! Pagtapak ko sa huling baitang ay huminto ako muli.
"At marunong ka ng umirap ngayon?" sarkastikong tanong ko. Mukhang tatalunin pa ako nito pagdating sa pag-irap, ah!
"Syempre, Miss Faith, mana sa inyo," pambobola nya kasabay ng isang ngiti.
Sus, Bailey! Ganyan ka porket hindi ko kayang magalit ng sobra sa 'yo.
Pabiro ko syang inirapan at naglakad na ako ulit. Marahan akong naglakad at ganoon rin si Bailey na nasa likod ko. Sinusubukan kong pakinggan kung ano ang pinagtatalunan ng dalawa.
"Sir, mali ata. Sandali, manunood ako ng videos sa YouTube."
Napakunot ang noo ko. Ano daw?
"Kanina ka pa nood nang nood, pag-aayos lang ng necktie di mo magawa," rinig kong reklamo ni Damon at tinuturo nya pa si Trevi na ngayon ay may hawak na cellphone at mukhang nagsi-search. Napakamot tuloy ito sa likod ng ulo
Sandali ko silang pinagmasdan hanggang sa may umusbong na plano sa utak ko. Nilingon ko si Bailey.
"I need your help..." ani ko at tinuro ang paanan ko pagkatapos ay inginuso ang dalawa. "Puntahan natin ang dalawang 'yon. Ang shu-shunga, pag tali ng necktie lang di pa magawa."
Napa-irap tuloy ako. Kung hindi marunong mag necktie si Damon at Trevi, sino palang gumagawa no'n kay Damon? I saw him a lot of time na naka-neck tie, ah!
"Aye! Aye!" si Bailey.
Kahit medyo masakit ang paa ko ay binilisan ko ng lakad para lang mapuntahan si Damon na ngayon ay naka-tayo at naka-tingin sa necktie na hawak niya.
Natawa tuloy ako sa hitsura nya. Naka-kunot ang noo niya na parang maya-maya lang ay itatapon na niya ang kawawang necktie kapag nasagad ang pasensya nya.
Poor tie, sa maling tao ka napunta.
Binitiwan ko si Bailey nang tuluyan na akong nakalapit at nagpunta ako sa harap ni Damon. Tinapunan nya ako ng tingin at tinaasan ng kilay pagkatapos ay inilipat ang tingin sa paa kong naka-benda.
Medyo nagi-gets ko ang pinupunto ng tinginan niya ngunit hinayaan ko na lang. Daming iniintindi ng isa 'to, hindi na lang aralin ang pag ni-neck tie.
Habang wala ang atensyon nya sa akin ay kinuha ko ang hawak nyang necktie. Isasabit ko sana sa batok nya pero masyado syang mataas kaya kailangan kong tumingkayad. At dahil injured ako ay lumingon ako kay Bailey.
Naka-ngiti itong lumapit sa akin at hinawakan ang bewang ko para tulungan akong magbalanse dahil isang paa ko lang ang naka-tingkayad.
Kita ko ang gulat sa mga mata ni Damon. Napa-ngisi tuloy ako sa isip ko.
Nang maisabit ko na sa leeg ni Damon ang necktie ay nilingon ko si Trevi at tinawag. Lumapit naman sya sa amin.
"Ganito ang tamang pag necktie..." ani ko.
Ipinakita ko sakaniya ang proseso at kita ko namang seryoso syang nakatingin at nakikinig sa ginagawa ko.
Matapos mabuhol ng maayos ang necktie ay hinila ko na iyon pataas.
"Gets mo na? Ganyan lang ang gagawin."
Itinaas ko ang kilay ko pero kita kong nagpapalit-palit ng tingin si Trevi, sa akin tapos kay Damon.
Napa-kunot ang noo ko. What's the problem?
Napatingin ako kay Damon at doon ko lang na-realize na nasasakal ko na pala sya.
Nanlaki ang mata ko sa magka-halong gulat at kaba. Agad kong inalis ang kamay ko sa neck tie ngunit nakalimutan kong paluwagan dahil sa taranta kaya sya na mismo ang gumawa.
Ni hindi man lang magsalita pero halata namang nasasaktan na sya at mukhang tinitiis yung sakal ko.
"Oh my gosh, I'm so sorry. I didn't mean it," paghingi ko ng pasensya.
Sincere ako nung sinasabi ko iyon. Ayoko pang mamatay dahil may plano pa ako. Langya! Mukhang necktie pa ata ang dahilan kung bakit ako masasakal ni Damon, ah.
Hindi sya sumagot kaya at walang kahit na anong reklamo akong narinig kaya feel ko ay ayos lang sa kanya.
Inayos ko muli ang necktie nya pati na rin ang suot nya. Kinuha ko ang coat nya at isinuot sakaniya. Pampalubag loob lang. Ngumiti ako sakaniya after.
Nilingon ko si Trevi na ngayon ay naka-ayos ng tayo.
"Saan nga pala kayo pupunta?" tanong ko.
Umiwas ng tingin si Trevi kaya naman ibinalik ko ang tingin kay Damon at siya naman ang umiwas ng tingin.
Oh, what was that?
Muli akong tiningnan ni Damon at pinagtaasan ng isang kilay.
"I-ikaw? Bakit ka nandito?" tanong niya pagkatapos ay inilipat nya ang tingin sa paa ko at tinuro. "Hindi pa okay ang paa mo. Bakit ka lumabas ng kwarto?"
Ibinalik niya ang tingin nya sa akin at tinaasan muli ng kilay. Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa akin kaya naman umiiwas ako.
Napalingon ako kila Trevi pero sa gulat ko ay wala na sila ni Bailey dito.
Asan na ang dalawa? Bakit bigla nalang nawala na parang bula?
Ibinalik ko ang tingin kay Damon at buong lakas ko syang tinulak, muntik pa akong matumba kung hindi nya ako nahawakan kaagad.
I hear him tsk-ed. "Napaka-tigas ng ulo."
Walang pasabi nya akong kinarga into bridal style kaya naman nag-wala ako kasabay ng puso ko.
"Ibaba mo ako, Damon!" sigaw ko pero hindi sya natitinag.
Napadaan ang paningin ko sa may glass wall at doon ko nakita si Bailey at Trevi na naka-ngisi habang naka-tingin sa amin nila Damon. Nung nagtama ang mga tingin namin ay napa-seryoso sila ng tingin.
Aba! Aba! Hindi ko akalaing pati si Bailey ay gaganituhin ako. Kasama ko sya simula pagka-bata tapos sa panahong ito ay hindi sya sa akin papanig?
Nakarating kami sa kwarto ko at marahan akong inihiga ni Damon sa kama. Nilagyan ako ng kumot na para bang tulog ako kahit gising na gising ang diwa ko.
Sino ang makakatulog sa nangyari, aber?
Pinakalma ko muna ang puso at sarili ko bago sya tiningnan na ngayon ay naka-pamulsa sa gilid ko.
"I'll be back before six in the evening. Just rest at ayokong malalaman na pagala-gala ka sa mansyon," maawtoridad na sabi ni Damon na para bang wala na akong ibang choice kung 'di ang makinig dahil sure akong malilintikan talaga ako kapag nagmatigas pa.
Lumapit sya sa akin at itinukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ko at inilapit din ang mukha nya.
"Ayaw mo naman sigurong makita akong galit, diba?" mahinang tanong nya ngunit kaba ang hatid no'n sa sistema ko.
Napakurap ako at pakiramdam ko ay mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko.
Hindi ko na nagawa pang magsalita, sa halip ay tumango ako sakaniya bilang sagot.
"Good, then sundin mo ang sinabi ko. Magpahinga ka."
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay nagtuloy na sya sa paglabas ng kwarto ko.
Naupo ako at napahawak sa parte kung nasaan ang puso ko na nagwawala na sa ngayon.
Letse na Damon 'yan! Parang kahit wala akong sakit sa puso at aatakihin ako, eh.
Gustong-gusto kong lumabas ng kwarto pero kada maaalala ko ang sinabi ni Damon ay napapa-urong ako. Kanina pa naka-alis si Damon at kanina ko pa din hinihintay na pumasok sa kwarto ko si Bailey pero kahit anino nya ay hindi nagpapakita.
Nasaan na ba ang isang 'yon? Ilang beses ko na ba sya hinanap ngayong araw?
Napa-iling ako.
I'm so frustrated right now but I need to keep in mind that I have my plans. Kung hindi ko susundin si Damon ay paniguradong hindi ko makukuha ang loob nya.
Napatingin ako sa apat na sulok ng kwarto. s**t! I'm not used to this! Kung nasa Pilipinas ako ay paniguradong nasa mall ako ngayon at nagpapalamig o kaya naman ay nasa condo at ginagawa ang lahat ng gusto ko. It's either manood ng movies or drama sa netflix, kumain, mag exercise and anything that I love.
Kaya lang ay wala ako sa Pilipinas at iba na ang buhay ko ngayon...
Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa napadilat ako ng may gumigising sa akin.
Kinusot ko ang mga mata ko, naka-tulog pala ako. Inaantok na tiningnan ko si Bailey sa gilid ko at nakita kong katabi niya ang Lola ni Damon.
Parang nawala ang lahat ng antok ko ng makita ang Lola nya at napa-upo sa kama.
Bailey bowed his head to us at lumabas na ng kwarto. Ngayon ay naiwan kaming dalawa ng Lola ni Damon na magpasa-hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan.
Umupo sya at magka-harap kami ngayon.
"Ayos ka na ba? I heared what happened earlier. Dalawang beses ako pumunta ako kanina pero tulog ka. I told Bailey not to wake you up pero mukhang nahiya ata sya."
Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko pagkatapos marinig na pangatlong beses na pala niyang pumunta dito at talaga namang nakaka-hiya.
Kung ako kay Bailey ay gagawin ko din ang ginawa niya sa akin kanina.
I smiled at her bago sumagot.
"Ayos na po ako. Tsaka okay lang naman po sakin kung ginising ako ni Bailey kanina," kinakabahang sambit ko.
Syempre, kailangan kong magmukhang mabait. She's also a Yoo at isa pa, she's the most powerful among all of them.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Masaya ka naman ba dito?" mahinahon nyang tanong.
Masaya? Hindi. Sino bang magiging masaya na pangatlong araw ko palang dito ay puro na trahedya ang nangyari sa akin. Sana lang ay kompleto pa ang body parts ko pag-uwi ng Pilipinas.
Pero syempre, hindi ko iyan isasagot.
"Opo, masaya naman po," masiglang sagot ko. Kita ko pa na parang nagliwanag ang mukha nya.
"Mabuti naman. How's Damon being your husband?"
Muntik ng mawala ang ngiti sa labi ko sa sumunod nyang tanong, mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko.
"Ayos lang naman po... Mabait naman po sya sa akin... Actually..." natigil ako sandali para mag-isip ng susunod kong sasabihin. Kailangan kasi ay puro maganda ang sasabihin ko.
"Kaninang umaga po, pinadalhan nya ako ng agahan dito sa kwarto atsaka kaninang tanghalian din po. Sabay po kaming kumain dito," dagdag ko.
Lumawak ang ngiti sa mga labi niya at mukhang natutuwa sya sa sinabi ko. Okay, sana all natutuwa, diba?
"That's good to hear."
Sabay kaming napalingon sa may pinto ng bumukas ito at pumasok si Damon. He looks tired pero nung makita nyang naka-tingin kami sa kaniya ay umaliwalas ang pagmumukha nya.
Wait, possible pala 'yon? Bakit hindi ko kayang gawin 'yon? Sabagay, I never looks tired kahit pagod na ako. I'm pretty, eh.
"Hijo," his Lola called him.
Lumapit si Damon sa Lola at hinalikan sa pisngi. Hmm. Mukhang sa part na 'yan lang ako natuwa. Atleast, nakikita kong mabait na apo si Damon kahit na demonyo ang ugali sa iba.
Sabi nga, get a man who knows how to respect his family specially in the elder and women.
Kahit naman papano, at kahit laging pa-bida ang kapatid kong si Felony, ayoko din naman na malalaman sasaktan sya o hindi sya kayang irespeto ng lalaking magugustuhan nya. Like, duh! Our family treats her like a precious gem, ako ang taga-salo ng pagkakamali nya kahit ako ang bunso tapos isang walang kwentang lalaki lang ang mananakit sakaniya? Ako ang unang-unang babanat sa taong 'yon.
Napa-ngiti tuloy ako.
Nagtama ang tingin namin ni Damon kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko pero nung tumingin sa akin ang Lola nya ay napa-ngiti ako ulit.
Lumapit sa akin si Damon. Unti-unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Gusto ko syang itulak pero iniisip ko ang Lola niya. Ang alam nya ay maayos kaming dalawa ni Damon.
Hinawakan nya ang batok ko at napa-pikit nalang ako nung sobrang lapit na niya sa akin. Halo-halo ang emosyon ko pero mas nangingibabaw ang kaba.
I felt something soft of my forehead at napa-dilat ako ng mawala iyon. He's now smiling at me at naupo sya malapit sa akin at nasa likod nya ang Lola nyang pinapanood kami.
"Okay ka na ba? Kamusta paa mo? Nakinig ka ba sa akin?" Sunod sunod na tanong nya at hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sasagutin.
"Maiwan ko na muna kayo," pagsingit ng Lola nya. Tumayo na ito at lumabas ng kwarto ko.
Lumipat ang tingin ko kay Damon ng sumara ang pinto. Awtomatikong tumaas ang kilay ko.
"Why did you do that?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Why? May nagawa ba akong mali? I guess it's normal to kiss your wife, right?" maang nyang tanong.
Now, he also raised his eyebrow.
"Well, it is also normal to kiss you here right?"
Hindi ako nakagalaw ng mabilis nyang nailapat ang labi niya sa akin.
My eyes widened because of what he did. I don't know what to react or to say. Napahawak ako sa labi ko at tulala pa rin dahil sa ginawa nya.
He kissed me! Damon kissed me! He stole it. Damon stole my first kiss!