Chapter 16 Nagpunta kami ni Damon sa bahay after ng office hours tulad ng sinabi ni Mama. Kaka-baba lang namin ng kotse ng lumapit si Papa at kina-usap si Damon. Pagpasok ko sa sala ay usapan ni Mama at Felony agad ang narinig ko. Ako lang ang mag-isa na dumiretso dito sa sala dahil may pag-uusapan daw na mahalaga si Papa at Damon. Ayaw pa nga sana ni Damon na pumayag, gusto daw nya na kasama ako kapag kakausapin si Mama, kinailangan ko pang kurutin sa tagiliran at takutin na hindi ako uuwi mamaya sa mansyon nya para lang mapa-payag siya. Napa-tigil ako at pinagmasdan si Felony. "Ma, hindi talaga ako makapaniwala. Imagine? Nawalan tayo ng isang most trusted employee because of Faith? Gosh! This is frustrating!" Felony acted that she's stressed after saying that. Sumandal sya at hina

