bc

Saddest Farewell

book_age12+
664
FOLLOW
2.3K
READ
family
goodgirl
independent
brave
self-improved
sporty
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

[Language: TagLish] This is the story of Yessa Jaycee and Hiroki Yoshiro as they find the answer to the question "How to live when you are dying?".

This is an inspirational story that focuses on life in its deepest meaning.

chap-preview
Free preview
Prologue
Her Side >>> Tears? Bakit may mga luha tayo? Bakit sa tuwing hindi na natin kaya ang sakit at hirap ay umiiyak tayo? Bakit hindi na lang pwedeng laging masaya? 'Yong walang problema, 'yong laging nakangiti ka lang... Hindi ako galit sa mundo, hindi rin ako galit sa Diyos dahil sa klase ng buhay na binigay niya sa akin, lagi kong iniisip na pagsubok lang ito, na may himala na mangyayari basta maniwala ka lang at magdasal ng magdasal. Nabuhay ako dahil sa isang pagkakamali ng mga magulang kong matagal nang hiwalay, sanay na akong nasasaktan at sinasaktan, nasanay na akong matrato bilang isang pagkakamali, marami na akong pinagdaanan sa buhay kaya kahit na mahina man ang katawan ko ay malakas pa rin ang loob ko. May mga pinagdaanan ako na naging dahilan upang lumakas ang loob ko. Alam ko, walang magbabago kahit na umiyak ako ng umiyak-na kahit sabihin ko mang malakas ang loob ko ay dadating pa rin ang oras na tutulo ang mga luha ko, ito ang riyalidad na binigay sa akin ng Diyos, pinagkaitan man ako ng isang buo't masayang pamilya at malusog na katawan ay ang magagawa ko na lang ay ang tanggapin ito, lagi man akong minamaltrato ay kailangan ko pa ring maging malakas, sa tuwing nakikita ko ang pagsikat ng araw ay nagpapasalamat ako sa bagong pag-asa na binigay sa akin ng Diyos, na baka may magandang mangyari sa araw na ito. Handa ko nang tanggapin ang nakatadhana sa aking katapusan-matatapos na rin ang paghihirap ko, makakapagpahinga na rin ako sa wakas, handa na ako sa oras na titigil ang t***k ng puso ko, pero... bigla siyang pumasok sa buhay ko, binago niya ang buhay ko at pinaramdam niya sa akin ang mga bagay na hindi ko pa lubos naramdaman, ang maging masaya at magmahal. Sira man ang puso ko pero naramdaman ko ang magmahal ng buo sa isang tao at doon ko nakilala ang kasiyahan, naramdaman ko kung paano bumilis ang t***k ng puso ko, naramdaman kong maging normal kahit papaano. At doon... natakot akong mawala sa mundo, natakot ako, pero alam kong sa pagpanaw ko ay may mga masasaya akong alaala na iiwan kasama siya-mga alaalang hindi na mabubura sa kasaysayan, mga alaalang nakakando sa puso namin, kahit na mas marami ang malulungkot na araw ko ay hindi ito hihigit sa masasayang araw na kasama ko siya. Masaya akong aalis... dahil alam kong sa paglisan ko sa mundo'y may isang lalakeng lubos na minahal ko at pinadama sa akin na hindi porket parang sinalo ko na ang lahat ng problema sa mundo ay wala na akong karapatang maging masaya, masaya ako dahil may isang lalake na naging anghel ko sa lupa at higit sa lahat, masaya ako dahil may isang lalake na nakakaalam na si Yessa Jaycee ay naging parte rin ng mundong ito. Once upon a time, I was a lonely girl who always cry, until I met this man who wiped away my tears and made me smile. He is... Hiroki Yoshiro. ⊗ ⊗ ⊗ ⊗

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.9K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

The Sex Web

read
134.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook