CHAPTER 6

1499 Words
KEIRA "AYOKO SABING KUMAIN!" Singhal ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Siya ang isa sa mga lalaking dumukot sa akin para dalhin sa bahay na ito. "Miss, kumain ka na." Pamimilit niya kanina pa. "Bingi ka ba? Sabi ko, ayoko, 'di ba? Umalis ka na sa harapan ko at dalhin mo 'yang pagkain na 'yan. Hindi ako kakain!" Pagmamatigas ko. "Pero, Miss--" "Ayoko nga sabi! Huwag kang makulit, puwede?!" Angil ko. Hindi ko pinansin ang pagkalam ng sikmura ko. Buong araw na akong hindi kumakain. Kahapon naman ay isang beses lang akong kumain. Ayokong kumain. Ang gusto ko ay palayain nila ako dahil inosente ako. Limang na araw na ako sa bahay na ito at gustong-gusto ko nang umuwi sa pamilya ko. Alam kong nag-aalala na sila sa akin dahil limang araw na akong walang paramdam sa kanila at sa kakambal ko. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Gusto ko nang umuwi sa amin. Pero hindi ko alam kung paano. Ilang beses na akong nagtangkang tumakas, pero palagi akong nahuhuli ng mga tauhan ng lalaking 'yon. Ilang beses ko na ring sinubukang makiusap kay Mildred na tulungan ako, pero hindi raw puwede. Wala daw siyang karapatang manghimasok sa desisyon ng amo niya dahil katiwala lamang siya. Maging ang mga nagbabantay sa akin ng ilang araw ay pinakiusapan ko na rin, pero ayaw nila akong tulungan. Hanggang sa sumuko na ako sa kapapakiusap sa kanila dahil wala namang may gustong tumulong at makinig sa akin. Walang gustong maniwala sa akin sa bahay na ito. Limang araw na ako rito, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang Mico na sinasabi nila. Gusto ko siyang makausap para patunayang hindi ako ang taong nangloko sa kaniya. Nasaan ba ang Mico na 'yon? Kailan ba siya pupunta rito? Mga tanong na araw-araw kong hinahanapan ng kasagutan, pero walang gustong sumagot isa man sa tauhan ng Michael na 'yon. Diyos ko! Paano ba ako napasok sa ganitong sitwasyon? Gusto ko lang namang makatulong sa pamilya ko, pero bakit ganito ang nangyari? Hindi ko napigilan ang mapaluha. "Miss, kumain ka na. Maghapon ng walang laman ang tiyan mo." May halong pakiusap ng lalaki. "Baka mamatay ka sa gutom--" natigilan ito nang pagharap ko sa kaniya ay nakitang puno ng luha ang mukha ko. "Miss." Nakikiusap ang mga matang tiningnan ko siya. "K-Kuya, tulungan mo naman ako. Hindi ako puwedeng magtagal sa bahay na 'to. Kailangan ako ng pamilya ko. Maawa ka naman sa akin. Malamang hinahanap na nila ako. Malamang nag-aalala na sila sa akin." Nang makita kong lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha, mas ginalingan ko ang pangongonsensya. "May anak ka, 'di ba? Isipin mo na lang kung anak mo ang nawawala, makatutulog ka ba? Makakakain ka pa ba? Kuya, limang araw na akong walang contact sa pamilya ko at siguradong nag-aalala na sila..." Nagmamakaawang hinawakan ko ang mga kamay niya. Halos magliknuhod na ako. "Kuya, please? Tulungan mo po ako. Kahit tulungan mo lang akong makalabas ng bahay na 'to at ako na ang bahala sa sarili ko. Kuya, sige na, please. Hindi nila malalaman na ikaw ang tumulong sa akin. Hinding-hindi kita isusumbong, promise!" Pangungumbinsi ko. Hindi ito kumibo. Napansin kong lumampas sa akin ang tingin niya. "Kuya, sige na naman. Hindi kita isusumbon--" "Pasensya na, Miss. Pero kay Boss Mike lang talaga ang loyalty ko." Laglag ang mga balikat na dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. Saka malungkot na ngumiti rito at sinabing lumabas na dahil gusto kong mapag-isa. "Kumain ka na, Miss." Iyon lang at nilampasan na ako. Saglit akong natigilan nang pagbaling ko para habulin ito ng tingin ay makita ko ang boss niya. Prenteng nakasandal sa hamba ng pintuan, matamang nakatingin sa akin. "Boss, hindi po siya kumain." Pagbibigay alam ng lalaki sa amo niya. "Ako na ang bahala. Magpahinga ka na, Marlon." "Sige po, Boss." Dinig kong pag-uusap nila bago tuluyang umalis ang tauhan niya. Muli niya akong tinapunan ng tingin. Marahas kong pinalis ang aking mga luha at pagkuwa'y buo ang loob na sinalubong ang tingin niya. Buhay pa pala ang hambog na 'to? Ilang araw ko kasi siyang hindi nakita rito. Huling kita ko, 'yong araw na hagisan ko siya ng panty ko sa mukha. At kung saan siya pumunta, hindi ko alam. Isang matalim na irap ang ibinigay ko sa kaniya bago siya tinalikuran. Nagmamartsa akong lumapit sa may bintana at tumanaw sa labas. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas, palatandaan na pagabi na naman. "Ano'ng inaarte-arte mo at hindi ka raw kumakain?" Narinig kong tanong niya. Hindi ko siya pinansin. "Tss! Ano bang akala mo na maaawa ako sa 'yo kapag pinatay mo sa gutom ang sarili mo? No." Tanong na siya rin ang sumagot. "Kailanman ay hindi ako maaawa sa 'yo kahit mamatay ka sa gutom sa mismong harapan ko. You know why? Huh? Dahil hindi dapat kaawaan ang mga taong kagaya mo na hindi marunong lumaban ng patas." Patuyang patuloy niya. Hindi ko pa rin siya pinansin. Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko gamit ang mga palad ko para hindi na marinig ang mga sasabihin niya. Gutom na ako at wala akong lakas para makipagtalo. Buong akala ko'y umalis na siya, pero laking gulat ko nang may humablot sa mga braso ko at padaskol akong pinaharap sa kaniya. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa tingin niyang nakamamatay. Pumiglas ako. Ngunit mas malakas siya. Napatili ako sa pagkabigla nang basta niya akong hilahin at pagkuwa'y puwersahang paupuin sa kama. "Ano bang problema mo?! Huh?" Singhal ko. "Hindi mo ba alam na nakakasakit ka na? Ano? Bading ka ba at nananakit ka ng babae?!" Mapang-insulto siyang tumawa at sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. Nanliit ako sa paraan ng pagtitig niya. Pero hindi ko 'yon ipinakita sa kaniya. Matapang ko siyang tiningnan. "Ang tunay na lalaki, hindi pumapatol sa babae--" "Shut up!" putol niya. "Huwag mong question-in ang p*********i ko. Hindi ako bading at kahit ulit-ulitin mo 'yan ay hinding-hindi kita papatulan para lang patunayang lalaki ako. Nakita ko nang lahat ang katawan mo at mas lalo kong ipinagtataka kung bakit nabaliw sa 'yo si Mico. Ni walang kahubog-hubog 'yang katawan mo. O, baka sadyang magaling ka lang sa kama kaya nabaliw siya sa 'yo." Kumulo ang dugo ko. Sa sobrang galit ko, pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko patungo sa ulo. Nagtaas-baba na rin ang dibdib ko. Naiiyak ako sa galit dahil buong buhay ko ay ngayon lang ako nakarinig nang ganitong klaseng pangbabastos. At mula pa sa lalaking ni hindi ko kilala. Pero pinigilan kong pumatak maski isang patak ng aking luha. Nagpupuyos sa galit na padaskol akong tumayo at pagkuwa'y binigyan siya ng ubod-lakas na sampal. Nabigla siya sa ginawa ko. Akma kong uulitin ang pagsampal, pero maagap niyang nahawakan ang kamay ko at mariing pinisil. "How dare you?" Mabalasik niyang sabi. "And where did you acquire the nerve to slap me?" Hindi ako nagpasindak. "At saan ka rin kumuha ng lakas ng loob para bastusin ako? Bakit? Kilala mo ba ako?" "I do." "You dont!" Singhal ko. "Hindi mo 'ko kilala at hindi rin kita kilala kaya wala kang karapatang bastusin ang pagkababaé ko!" Lalo itong nagalit. "Huwag mo 'kong sigawan! Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita at puwedeng-puwede kitang patayin dito. Ngayon mismo." "E 'di patayin mo! Hindi ako natatakot sa 'yo, kupal ka. Dahil oras na mapatay mo 'ko, hinding-hindi kita patatahimikin hanggang sa mamatay ka sa konsensya!" Panghahamon ko. Natigilan ito. Sinamantala ko 'yon at muling nagsalita. "Bakit hindi mo iharap sa akin ang Mico na sinasabi mo para mapahiya ka na mali ka ng taong kinidnap, ha? Iharap mo siya sa akin at siya ang magpapatunay na hindi ako ang taong kailangan n'yo!" "Hindi ikaw? Talaga?" May dinukot ito sa bulsa ng pantalon. Isang itim na wallet. May kinuha ito roon, pagkuwa'y inihagis sa mukha ko. Nahulog iyon sa sahig. Pinulot ko. At gano'n na lang ang pag-awang ng bibig ko nang makita ang larawan ko. Bakit nasa kaniya ito? "Now, tell me. Hindi ba ikaw ang babaeng 'yan?" Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. "P-Paano 'to napunta sa 'yo? Bakit nasa 'yo ang larawan ko?" "Because it was you. Ikaw ang babaeng sumira sa buhay ng pamangkin ko, Keira." "Hindi. Hindi totoo 'yan. Hindi ako. Wala akong alam sa sinasabi mo." Umiling-iling na tanggi ko. "Itatanggi mo pa rin kahit aminado ka nang ikaw ang nasa larawang 'yan?" Umiling ako nang umiling. "Hindi ko alam kung paano kayo nagkaroon ng larawan ko, pero nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko kayo kilala. At kung anuman ang nangyari sa pamangkin mo, wala akong alam do'n. Hindi ko na alam... naguguluhan ako. Ginugulo mo ang utak ko." Bahaw itong tumawa. "Bakit hindi mo na lang aminin ang lahat? Ano, magpapanggap kang may amnesia at nagkataong si Mico ang nakalimutan mo? Old style na 'yan. Hindi na 'yan bebenta." Sarcastic niyang sabi. Nalilitong napaupo ako sa kama. Paano napunta sa Mico na 'yon ang larawan ko noong 18 years old ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD