CHAPTER 17 KEIRA POV KAKABIGIN na nito ang pinto pasara nang tumigil, saka muling niluwagan ang bukas. Seryoso ang mukha niya nang humarap sa akin. Hala! Bakit gano'n siya kung makatingin? Kinabahan ako nang humakbang siya ng dalawa pabalik. Kusang umurong ang mga paa ko sa takot na baka bigla na naman niya akong halikan. Naalala kaya niya na hinalikan niya ako? "Paano nga pala napunta sa 'yo ang cell phone ko?" Nagulat ako sa tanong niyang 'yon. Paano napunta sa akin ang cell phone niya? Hindi niya alam? Hindi niya naalala na pumasok siya dito kagabi ng lasing? So, 'yong panghahalik niya sa akin kagabi ay hindi rin niya alam? Aba, ayos! Kinuha niya ang first kiss ko tapos hindi niya alam-- muli akong napaurong nang tuluyan siyang lumapit sa akin. "Paano napunta sa 'yo ang c

