CHAPTER 16 KEIRA POV NASA KASARAPAN na ako ng tulog nang maalimpungatan ako dahil sa pakiramdam na may mga matang nakatutok sa akin. Kinabahan ako. Naisip ko agad na baka ang mga tauhan ni Michael na nagbabantay sa akin ang pumasok. Baka pinasok nila ako. Lalaki pa rin sila at babae ako. At mag-isa. Kumilos ako at dumilat. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may tao nga sa may pinto. Nakatayo. Matinis akong tumili at saka mariing pumikit. Matinis. Matagal. "Shut up! Huwag kang feeling. Wala akong balak pagsamantalahan ka." Patuyang sabi ng boses na pamilyar sa akin. Michael! Mabilis na nag-init ang ulo ko nang pagdilat ko uli ay makumpirma kong si Michael ang intruder. Feeling daw ako? Aba't! "E, ba't nandito ka kung wala kang balak na masama? Lasing ka pa!" Bul

