Michael POV AWTOMATIKONG KUMUNOT ang noo ko nang pag-play pa lang ng video sa cell phone ni Nicholas ay mapansin ko na pamilyar ang hagdan. Hagdan ng bahay ko. Yes, my house. Itinigil ko ang video at panunuod, saka hinarap si Nicholas. "Who gave you the permission to inter in my house without my consent?" seryoso kong tanong. "Me, myself and I." Proud pa niyang sagot habang nakangiti. Mabilis na uminit ang ulo ko. Alam nilang dalawa ni Warren na ayoko nang may nakikialam sa bahay ko. Lalo na kung wala ako. Kahit mga kaibigan ko pa sila. "Nakialam ka sa bahay ko?" Mahina ngunit may diing sabi ko. "Wala akong ibang pinakialaman sa bahay mo, Pare. Sa control room lang ako--" "Nakialam ka pa rin, Nicholas!" Tumaas na ang boses ko. "Bakit napakainit ng ulo mo?" "Dahil hindi ko n

