Michael POV MARIIN kong kuyom ang aking mga kamao habang tahimik na pinagmamasdan si Mico. Na ngayon ay payapa nang natutulog pagkatapos injection-an ni Warren ng pampatulog. Kinailangan niyang gawin 'yon dahil nagwala nang nagwala si Mico kanina. Nagwawala dahil ayaw ko raw i-on ang ilaw gayong wala siyang makita at sobrang dilim. Nagngalit ang mga ngipin ko habang binabalikan sa isip ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Mico sa akin kanina. "Kung sana'y 'yon lang ang paraan para makakita kang muli, Mico, handa kong pailawan ang buong Pilipinas para lang lumiwanag ang paligid mo. Pero hindi... hindi ko magagawa 'yon dahil operasyon ang kailangan para makakita ka raw muli. At hindi pa rin sigurado kahit maoperahan ka, Mico." Frustrated akong napasandal sa pader. Gusto kong magalit k

