Ryu's Point of View "Kung ano man ang nagawa ko kanina, sorry. Hindi ko talaga alam'' nandito kami ngayon sa common room pagkatapos naming ihatid sila Harry sa Hiragi. Mabuti na lang at hindi sila natakot ng sobra sa nangyari. Mukang mas natakot pa sila kay Cana e. Yung tatlong babae naman e dinala namin doon sa may punishment room. Dahil wala naman silang napatay o nasaktan na tao, ang mga prof na ang bahala sa kanila. Kahit wala silang nasaktan o pinatay na tao, pinakialaman pa rin nila ang mga tao na nahihimik lang naman kaya mali pa rin yun. ''Ge ok lang'' sabi naman ni Jap. Ngumiti naman ako. Mabuti na lang. Kahit hindi ko ginusto yun, kasalanan ko pa rin kasi hindi ako naging malakas para malaman na may mangyayaring hindi maganda. ''Teka Cana, paano mo nalaman na si Sheena ma

