''Ryu! Gising na" minulat ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Inaantok pa ako. ''Jeel, Jap! Gising na'' ang ingay naman nito ni Rufus. ''Rufus? Ba't nanggigising ka?'' tanong ko. Gusto ko pa matulog ulit. "Alas tres na kaya. Hindi ba magsisimbang gabi tayo?" sabi nya. Oo nga pala. Dahil sa hindi sya natutulog e sinabihan ko sya na gisingin kami kapag alas tres na para makapaghanda kami at maagang makapunta sa simbahan. "Inaantok pa kayo?" tanong ni Jap pagkatapos nyang tumayo at mag-unat. Kami kasi ni Jeel e nakahiga pa rin. Humikab ako. Inaantok pa talaga ako. "5 minutes?" tanong ni Jeel. Tumingin naman sakin si Jap kaya tumango rin ako. Wala namang mawawala kung 5 minutes pa e. "Tignan natin kung hindi pa kayo magigising kapag kinuryente ko kayo a" nanlak

