''Cana, ok ka lang?'' napahinto ako sa paglabas at dahan dahang nagtago sa gilid ng pinto. Teka, bakit ba ako nagtatago? “Oo, Rufus. Masaya ako na nakita ko ulit sya. Hindi ka ba masaya na Makita ulit sya? At dito pa? Sa lugar ng mga tao” malakas yung kutob kong si Daisuke yung pinag-uusapan nila. Yung lalaking nakita naming nung nakaraang araw. “Syempre ako rin. Masaya akong maayos ang kalagayan nya at ligtas sya” ''Baka tadhana na rin kaya tayo sumama rito. Para makita ko ulit sya'' tadhana mo muka mo. Tss. Teka bakit ba ako nakatago rito? ''Good morning'' si Cana yung unang nakapansin sakin pagkalabas ko. Nakangiti sya -_- ''Ano namang maganda sa umaga?'' bulong ko. Hays ano ang meron sa akin at ang bilis ata magbago ng mood ko? ''May sinasabi ka?'' tanong ni Rufus

