''Uy, Ryu. Andyan ka na pala. Tara kain na tayo'' sabi ni Jezra pagpasok ko sa kusina. Ilang araw na simula nung makalipat ako rito sa may Class S Common Rooms. Napakalaki talaga ng lugar na 'to kaya kung hindi ako lalabas ng kwarto ko, hindi ko makikita ang mga kasama ko rito. "Salamat" sabi ko at umupo na rin. "Wala pa bang nagyayaya ng laban sa'yo, Ryu?" sabi ni Jap. Dati tahimik lang si Jap na mukang masungit pero mabait naman sya. "Meron. Kaso hindi ako pumapayag" sabi ko habang nag-uumpisa na kaming kumain. "E? Bakit naman?" "Baka matalo ako. Mababawasan pa yung points ni Cana" at tumingin ako kay Cana. Ang ganda. Ang ganda nung plato. "Ano ka ba? Galing sa'yo yung points na napanalunan mo kay Jacob 'no" sabi ni Dap. "Kahit na" sabi ko at iniwas na ang tingin. "Baliw. Can

