Naglalakad kami ni Cana ngayon papunta sa mga Class E. Yun yung iche-check naming lugar. Magkasama kasi kami sa pag-iikot. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako kapag kami lang dalawa magkasama. ''Hi, Miss Cana" bati nung mga nakakasalubong namin. Sabi ni Cana maliban samin, ang mga vampires daw ang iba pang nag-iikot ikot tutal hindi naman daw kasi natutulog. Nandito na kami ngayon sa open field kung saan nakatayo yung mga tent ng mga taga Class E. May iba pang mga estudyanteng nasa labas. ''Magsitulog na kayo'' utos ni Cana sa kanila at agad naman nagsipasok sa mga tent nila. Walang nagsasalita sa amin habang naglalakad. Tsk, ayoko kasi. Baka mapahiya na naman ako kapag hindi ako sagutin e. Pero te may gusto talaga akong malaman e. Hays, sige na nga. ''Ahh, pwede ko bang malaman

