"Bakit ka humihingi ng sorry?" dapat ako ang humingi ng tawad kasi baka may nagawa akong mali kaya hindi mo ako nagawang pansinin o kumustahin manlang.
Hindi babe, wala kang nagawang mali, ako ang mali dahil nagselos ako ng hindi naman dapat. Nakita ko kasi kayong magkaakbay ng kaklase mo , di ko manlang tinanong ang dahilan kung bakit ganun at ano ang ibig sabihin nun ,masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Yun pala naman ay wala akong dapat ikaselos dahil tinutulungan kalang pala nya ng muntik kanang mahulog sa hagdan. Patawarin mo ako babe ko .. " Agad din naman ako panangiti at yumakap sa kanya ,hindi naman ako nagalit sa kanya kasi ang mahalaga umamin siya sa pagkaka mali nya" Ikaw naman kasi sa susunod matuto kang tanungin ako bago ka magselos dyan.
Alam mo ba akala ko kung ano ng kasalanan ko sayo kaya hindi mo ako pinapansin. Walang imik na niyakap nya ako ng mahigpit na syang ikinatuwa ng puso dahil nagkaayos na kami.
Masaya akong bumalik sa classroom namin dahil nagbell na at hindi na rin bumalik si Charm. Pero bago yoon hinatid muna ako ni Aaron.
Patapos na kami ni Charm sa paglilinis ng bintana nang hindi sinasadyang matapon ang tubig na ginagamit nito sa sahig na bagong floorwax.
"Ang tanga mo pa rin, Charm. Linisin mo 'yan". Wika ng isang babaeng halatang bagong rebond ang mahabang buhok. Marahil, nasa mga five ang tangkad, maputi at well, makinis din ang balat. Mukhang galing sa may kayang pamilya.
"Sorry, hindi ko sinasadya. Lilinisin ko na". Sinimulang punasan ni Charm ang basang sahig. Bumaba ako sa pinapatungan kong armchair at tinulungan si Charm.
"So, may kakampi ka na pala, Charm. Ang galing naman at transferee pa pala. Ipakilala mo naman siya sa akin". Nanunudyong wika ni rebond girl.
Tumayo ako at hinarap ito. I can feel the need for dominance radiating off of her. Gusto nitong maging lider ng klase, tingalain at katakutan. And thats not gonna happen.
"Bago ka pa lang dito pero lumalaban ka na".
"Tama na, Maybelle."ani Charm bago ako hinila palayo dito. Lumabas kami ng classroom at bumaba papunta sa may gripo na nasa gilid ng isang building kung saan din kami kumuha ng tubig para sa basahan.
"Naku, pasensya ka na, YC. Pati tuloy ikaw, nadamay kanina." Wika nito habang nilalabhan ang mga basahan.
"Sino ba ang Maybelle na 'yun?. Akala mo naman kung sino kanina. Buti kung sa mukha niya natapon ang tubig, di naman".
"Ganyan na talaga 'yan. Palibhasa,mayaman ang pamilya kaya naggagawang tapakan ang iba".
Medyo tinamaan ako sa sinabi niyang iyon. Ganoon din ako sa dati kong school. Ang pinagka-iba nga lang, mayayaman din mga napagti-tripan namin maliban kay Laarni.
"Eh, bakit dito siya nag-aaral kung mayaman naman pala." Wika ko habang naghuhugas ng kamay sa katabing gripo.
"Isa kasi ang pamilya niya sa tumutulong dito sa paaralan. 'Yun bang nagbibigay ng donasyon sa paaralan kapag may mga projects."
"Pero hindi pa rin dahilan iyon para umasta ng ganun".
Para ko na rin namang pinagsasalitaan ang aking sarili. Guilty.
"Hayaan na natin. Ang maipapayo ko lang sa'yo,mas mabuting iwasan mo na lang siya para iwas g**o".
Bumalik na kami sa classroom. Patapos na rin ang iba sa paglilinis. Ang grupo ni Maybelle, nasa isang sulok at may sariling mundo.
Akala ko, sa private school lang ako magkakaroon ng kaaway. Hanggang dito pala sa public school may version ni Zoe. In the name of Maybelle.
Kami na ni Charm ang nagprisinta na magtapon ng basura sa basurahan. Pang-iwas na rin sa nang-iinis na tingin ni Maybelle o Belle in short.
How I wish, nandito rin sina Bea. Hindi ko kayang humarap sa grupo ni Belle ng mag-isa.
"YC, huwag ka sanang ma-offend sa sasabihin ko ah. Mukha kasing hindi ka marunong o sanay sa paglilinis".
Napatingin ako kay Maya.
"Tama ka. Pero nagawa ko namang makapaglinis ng bintana, hindi ba?".
Itinapon na namin sa incinerator ang mga basura at naglakad pabalik ng room nang magsalita si Charm.
Bumalik si Miss Menchin para sabihan kaming mag-break muna since hindi pa tapos ang kanilang meeting.
Nagpunta kami ni Charm sa canteen but I was disappointed. I was expecting to see a canteen that serves cakes, milkteas and breads pero wala. Ang canteen nila ay parang store lang sa gilid. Sasabihin mo kung anong bibilhin mo saka ibibigay. I was expecting to see a walk in canteen. Sa tabi naman nito ay mga tindera na nagtitinda ng mga lutong-bahay na pagkain. Hindi ko nga alam kung malinis ba ang mga ito. Ininom ko na lang sana ang chocolate na ginawa ni Liza. Wala pa man din akong baon na sandwich.
Nami-miss ko nanaman ang dati kong school. Atleast doon,kompleto.