bc

10 Years of Waiting

book_age4+
2
FOLLOW
1K
READ
twisted
like
intro-logo
Blurb

"Father, pinangarap mo talagang magpari nung bata ka?"

"Hindi. Doktor ang pinangarap ko."

"E pa'no po kayo napunta sa pagpapari?"

"There's this woman na minahal ko 21 years ago."

"Talaga po?"

"Yes, I even thought na siya na 'yung makakasama ko sa altar. Pero, sadyang mapaglaro ang tadhana, kinuha siya ng parents niya at dinala sa States. She promised before we parted. She promised na babalik siya at papakasalan niya ako."

"Ano pong nangyari after n'on?"

"No contacts at all simula nung mangibang-bansa siya. I prayed and even asked signs from the Lord— kapag hindi siya bumalik sa loob ng sampung taong paghihintay ko, magpapari ako."

"Hindi na po siya bumalik within 10 years ng paghihintay n'yo?"

"Bumalik s'ya exactly on the 10th year of my waiting. Kasulukuyan na akong nagpapari no'n. Bumalik s'ya at nagpaplano nang ikasal sa iba. And know what's funny? Ako 'yung nagkasal sa babaeng kay tagal kong hinintay."

chap-preview
Free preview
Beginning
Prologue Nagmamadali akong bumangon buhat sa aking pagkakahiga ng tumunog ang orasan ko sa aking study table,hudyat na ito na kailangan ko ng bumangon upang maghanda sa pagpasok sa paaralan. Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala ako nga pala si Yesha Christine De Vera mag-aaral sa isang pribadong paaralan sa aming bayan sa Oriental Mindoro ako ay kasalukuyang nasa ika 10 baitang sa sekondarya. Lumaki akong hindi nakakasama ang aking mga magulang sapagkat naka base sila sa Amerika. Pinipilit nila akong doon na rin manirahan ngunit ayaw ko sapagkat nandito sa Pilipinas ang isa sa dahilan kung bakit ako masaya. Naghanda ako sa aking pagpasok sa paaralan. Mameeeee ..(lola ko sya pero mame ang tawag ko sa kanya sapagkat siya na ang nagpalaki sa akin mula ng nagpunta ang mga magulang ko sa Amerika).. aalis na po ako. Sabay halik sa kanyang pisngi. Pagkababa ko palang sa sinasakyan kung tricycle nakita ko na ang dahilan kung bakit ako laging masaya .. YC ! babeeee ko, sumisigaw na pagtawag sa akin ng aking kasintahan na si Aaron. Walang pag aatubili na lumapit na rin ako sa kanya,pakiramdam ko kasi kahit dalawang araw lang ang lumipas na hindi ko siya nakakasama ay sobrang miss ko na sya. Pagkalapit ko sa kanya ay agad niyang kinuha ang aking mga dala dalang bag at mga papel. Isang bagay na nagustuhan ko sa kanya ay kanyang pagiging gentleman. ayiehh kinikilig ako, sino ba naman ang hindi kikiligin ay napakaraming nagkakagusto sa babe ko pero ako ang maswerteng babae ang nakabihag sa kanyang puso. Marami ang nagsasabing sobrang swerte ko sa kanya at ganun din naman sya sa akin sapagkat pareho naman kaming malapit sa Panginoon dahil pareho kaming active sa simbahan, pero ang totoo nagagawa nya lang talaga akong hikayatin na palaging sumama sa kanya. Babeeee! Yc! ... Ahhhh uyyy babe bakit? kanina pa kasi kita tinatanong hindi mo naman ako sinasagot , ngumingiti ka lang dyan mag-isa, siguro iniisip mo nanaman ako ano? Aba naman babe ko kasama mo na nga ako ohhh! ... Ah eh hihi, sorry na babe ko di ko lang talaga maiwasan ang mapaisip at mapangiti kasi sobrang swerte ko sayo, imagine maraming babae ang nagkakandarapa sayo na maganda,matalino,talented at mayaman pero heto ka ako ang pinili mo, isang simpling babae na walang alam kundi ang kumain. Ano ka ba naman babe ilang beses ko pa ba kailangang sabihin sayo wala akong pakialam sa iba ,dahil ikaw lang talaga ang pinakamaganda,pinakamabait,pinakamatalino at pinakatalented na babae na nakilala ko at syempre ikaw lang din ang babaeng pinakamamahal ko kaya tama na ang pangiti ngiti mo dyan mag isa at baka mapagkamalan ka ng baliw. Ok babe! tara na, pasok na tayo at baka malate pa tayo, agang aga wala na tayong ginawa kundi ang magbolahan hahaha, iloveyou babe ko! Iloveyoutoo babe ko! Magkahiwalay naming tinahak ang aming silid aralin sapagkat hindi kami pareho ng section, bagay na kinatutuwa ko sapagkat may dahilan kami na mamiss lagi namin ang isa't isa. Pagdating ko naman sa aking silid-aralan ay agad akong upo sa aking upuan, malapit ito sa may bintana, dito ko kasi gustong pumwesto kasi maaliwalas dito at kapag nabobored ako sa klase tumitingin nalang ako sa labas ng bintana at nanunuod sa mga taong dumadaan. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang aming unang guro para sa araw na ito, siya si Ma'am Loida guro sa Filipino,isa siya sa hinahangaan kong guro sapagkat nagagawa nyang maging katuwa tuwa ang kanyang asignatura kahit pa ang totoo isa sa nakakaboring na subject ang kanyang itinuturo. Makalipas ang ilang oras ay tumunog na ang bell ,nangangahulugan na maaari kaming magmeryenda sa ganitong oras ay nagkakanya kanya kami ng gustong gawin ni Aaron dahil ang sabi ko sa kanya dapat magkaroon pa rin kami pareho ng time sa aming kanya kanyang kaibigan kaya naman sa oras na ito ang best friend nya ang kanyang kasama samantalang ang kasama ko ay si Charm! Ang best friend ko na kapatid ni Babe ko. Pagkatapos naming mag meryenda, niyaya ko si Charm na maglakad-lakad sa labas ng campus. Mas kabisado niya ang lugar kaysa sa akin. Sa labas, may mga pwesto na nag-o-offer ng photocopy, encoding, lamination at book binding. May mga computer shops at kainan din. Hinila ko si Charm sa pwesto na nagbebenta ng milktea. Matagal-tagal din akong hindi nakatikim ng milktea. Bumili ako ng dalawang choco mousse flavored at kahit nahihiya si Charm, wala itong nagawa dahil mapilit ako. "Kunin mo na,libre ko 'yan sa'yo. Kapag hindi mo kukunin, itatapon ko", pagbibiro ko. Sa huli, kinuha rin niya ito. Naglalakad na kami pabalik ng campus nang makasalubong namin si Belle. "Mukhang magkaibigan na talaga kayo." Tumingin ito kay Charm. "Sa wakas, nakahanap ka na rin ng kakampi at may tiga-libre ka pa". Hindi ko gusto ang sinabi nito. "Excuse me?. Anong sinabi mo,tiga-libre?. FYI" Ginuhit ko talaga sa kanyang pagmumukha ang tatlong letra in capital letters. " Kusa sa loob ko ang ginagawa ko. Kung anong binibili ko para sa kanya,wala kang pakialam dahil kaibigan ko siya. Unlike you na never pa sigurong binilhan ang mga kaibigan. Belle, baka naman hindi talaga kaibigan ang turing mo sa kanila or turing nila sa'yo. Kawawa ka naman". With that, iniwan na namin siya. Narinig ko ang pigil na pag-iyak ni Charm. Hinila ko ito sa isang tabi at hinarap. "Charm, pasensya ka na. Nang dahil sa akin nakarinig ka ng hindi maganda." "Wala ka namang kasalanan, YC. Nasaktan lang kasi ako sa mga sinabi niya. Para rin niya akong sinabihan na mahirap at walang pera sa mga salita niya. Sobrang sakit lang". Nakaka-inis talaga si Maybelle. Kapag ako hindi nakapagpigil, ilalampaso ko ang pagmumukha niya!. "Tahan na. Hindi naman totoo ang sinabi niya. Tatamaan talaga sa akin ang babaeng iyon!". Inis kong wika. "Tatamaan sino?". Napalingon ako at si Aaron ang nakita ko. "Ha?. W-wala". Pagsisinungaling ko. Lagot na. "Narinig ko ang sinabi mo. Bakit, may naka-away ka?". Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam ang dapat sabihin. "Teka, umiiyak ka ba, Charm?". Tanong nito sa kapatid na nagpunas ng luha. "H-hindi kuya, napuwing lang ako". Pagsisinungaling nito. " Kilala na kita. Magsisinungaling ka pa eh halata namang umiiyak ka. Bakit, anong nangyari?". Nagtinginan kami ni Charm. "Wala talaga, kuya. Sa amin na lang ni YC iyon. Usapang babae". Matigas na sinungaling nito. Tumango ako para ayunan ang kasinungalingan. Naglakad na palayo si Charm, susunod na sana ako nang hawakan ni Aaron ang kamay ko para pigilan. "Babe, magsabi ka nga ng totoo". Umiwas ako ng tingin. "Totoo 'yung mga sinabi niya. Usapang babae lang talaga". "Sabihin mo 'yan nang nakatingin sa akin kung hindi kayo nagsisinungaling", pagmamatigas nito ng hindi binibitawan ang aking kamay. Duh. Para 'yun lang?. Hinarap ko ito at tiningnan ng deritso sa mata. But the words won't come out. Natameme ako at nanatiling nakatitig sa mukha nito. Sa mga maganda nitong mata, tamang tangos lang na ilong at ang labi nitong.... "Hindi ka makapagsalita dahil kasinungalingan ang mga sinabi niyo?". Bigla akong natauhan at defensive na sumagot. "Hindi ah!. Totoo nga 'yun. Bakit ba ang kulit mo?". Ano bang nangyayari sa akin?. "Kung nagiging masamang impluwensya ka lang kay Charm, mas mabuting umiwas ka na".saka nito binitawan ang aking kamay at naglakad palayo. What the hell just happened!?. Sinundan ko si Charm sa classroom at nadatnan ko itong nagsusulat sa kanyang upuan. "YC, saan ka ba nagpunta?. Akala ko nakasunod ka sa'kin kanina". Wika nito na tiniklop ang notebook. "Kinausap ako ni Aaron". Pag-amin ko. "Anong sinabi niya?. Sinabi mo ba ang totoo?". Naupo ako sa katabing upuan. "Hindi. Pinanindigan ko na lang ang kasinungalingan natin. Nakakatakot pala siya kung magalit". "Sinabi mo pa, kaya nga nagsinungaling ako. Pero siguradong kakausapin niya ako pagdating ng bahay". "Sasabihin mo ba ang totoo?". Nag-aalala kong wika. "Pipilitin kong huwag umamin". Hay, nagiging sinungaling nanaman ako. Sinabi ko nang magpapakabait ako. Magpapakabait na talaga ako. "Kung sabihin mo na lang kaya ang totoo". Kunot-noong napatingin si Charm. "Para hindi na rin lumaki pa. Para matapos na". Saglit itong nag-isip bago tumango. "Sige, bahala na". Ilang minuto na lang at uwian na nang bumuhos ang malakas na ulan. Ang malas naman. Tumunog ang bell,hudyat na tapos na ang klase. Sinimulan ko nang ayusin ang aking gamit at linapitan si Charm,sabay na kaming nagpunta sa locker para ilagay ang aming mga gamit. Maraming mga mag-aaral ang nakatambay sa labas ng mga classrooms, hinihintay tumila ang malakas pa ring ulan. Niyaya ako ni Charm para puntahan si Aaron sa kanilang classroom. Nandoon nga ito kasama si Anne at JK na mga kaibigan nya. Hinintay ko na lamang ang kaibigan ko sa labas dahil nahihiya akong pumasok sa room. Bukod sa nahihiya ako ay nagtataka din ako kung bakit ganun nalang ang trato sa akin ni Aaron gayung kanina lamang ay ang sweet sweet pa namin sa isa't isa. Pagkalabas ni Chram sa room ay sinabi nyang mauna na akong umuwi dahil sasabay na sya sa kuya nya, samantalang ang boyfriend ko ay hindi manlang ako magawang tingnan na syang labis kung ipinagtataka. Pagdating ko ng bahay, si Liza agad ang una kong nakita. Hindi ko ito pinansin at umakyat na sa kwarto ko. Inilapag ko sa sahig ang bag ko at ang paper bag at humiga sa kama. Lunes nanaman bukas, nakakatamad pumasok. Isang mahinang katok ang pumukaw sa aking atensyon. "Pasok". Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Liza. "Pwede ba kitang maka-usap?". Malumanay nitong wika. "Sige, nandito ka na eh".Inis kong wika. Umupo ako sa kama. Naupo ito sa silya."Tungkol saan?". "YC, alam kong galit ka sa akin at marahil iniisip mo na isa akong kontrabida sa buhay mo. YC,kahit kailan, hindi ko hinangad na mapasama ka sapagkat tita mo ako ang tangi ko lamang gusto ang magkaroon ka ng buong pamilya kasama ng iyong mga magulang at mangyayari lamang yoon kung susunod ka sa kanila sa Amerika. Hindi ako umimik. Wala naman akong alam na sasabihin. Bahala siya kung hihintayin niya ang araw na pumayag ako na pumunta sa Amerika gayong ngayon nga may kailangan pa akong ayusin tungkol sa amin ni Aaron dahil ilang araw na ang lumilipas ay hindi pa rin sya nagpaparamdam sa akin, wala naman akong maalalang masama kung ginawa para magkaroon siya ng dahilan na magalit sa akin. Tumayo na ito at tahimik na lumabas ng kwarto. Lunes. As usual, nakahanda na ang baon ko, courtesy of tita Liza. Pagkatapos kumain ay nagpahatid na ako sa school kay mang Tomas na sa wakas ay magaling na. Nilagay ko muna sa locker ang baon ko bago dumeritso sa classroom. Ibinigay kasi ni Charm sakin ang isa pang susi para malaya ko itong buksan kung may ilalagay ako. Ako pa lang ang naunang dumating sa aming klase. Ang mga ibang mag-aaral na nakatambay sa labas ay ibang section o grade. Lumabas muna ako at dumungaw sa terrace,pinapanood ang mga nagdadatingan. Ilang sandali lang at nakita ko na si Charm, kasama nito ang kanyang kuya Aaron. Hinintay ko ang mga ito hanggang sa makarating sa kinaroroonan ko. "Ang aga mo yata ngayon ah?". Ani Charm. "Wala rin naman akong gagawin sa bahay". Nginitian ko si Aaron at akmang lalapitan ng walang ano ano ay lumayo siya sa akin at hindi tumitingin. "Rye?". Sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. Isang babae ang nakatayo di kalayuan sa amin. Slim, hanggang balikat ang buhok at maganda. Lumapit dito si Rye. Hindi na namin narinig ang pinag-uusapan nila dahil naglakad na ang mga ito palayo. "Siya si Anne, bestfriend ni kuya pero kung makaasta, akala mo, girlfriend", ani Charm. Halata sa mukha nito ang inis. Hindi pa nga pala alam ni Charm na kami na ng kuya nya dahil wala pa naman kaming pinagsasabihan at hindi pa rin naman nagtatagal ang aming relasyon "Maganda naman siya ah. Anong mali kung maging sila ng kuya mo?". "Ewan ko ba. Basta hindi ko siya bet para kay kuya". "Mmmm. Sabagay, may mga tao kasing kahit wala namang ginagawa sa'yo eh,kinaiinisan mo". Just like me and Liza. Pumasok na kami sa classroom at doon tumambay hanggang tumunog ang bell. As usual, pumila sa labas, nagpa-init ng kunti bago pumasok. "Class, we'll have a new seating arrangement." Hindi na si Charm ang makakatabi ko. Whoever that is, sana, makasundo ko siya. Ang mga pangalan na tinatawag ni Miss Menchin ay isa-isang nagpunta sa mga assigned seats nila. Si Charm, sa gitnang column naka-assign, katabi nito ang lalaking nagngangalang Jackson, kung hindi ako nagkakamali. Si Russel ang naging seatmate ko at nasa likod kami. Hindi katangkaran, fair complexion at tahimik lang. Papasa siyang boy next door pagdating sa looks. Nginitian ko ito ng tipid bago itinuon sa ibang bagay ang atensyon ko. Ilang sandali pa at nagsimula na ang klase. Pagdating ng break, agad kaming nagpunta ni Charm sa dati naming tambayan at baka maunahan pa kami. Hindi na lang pala dalawa ang pinabaon sa akin ni Liza kundi apat na sandwich. Cheeze sandwich nanaman. Ano ako, malakas lumamon?. "Huwag ka nang bumili ng turon, ito sandwich". Binigay ko ang tatlo." Sa'yo na 'yan". "Salamat ulit ah. Palagi mo na lang akong binibigyan,hindi man lang kita mailibre". Nahihiya pang wika ni Charm. "Naku,hindi na. Hindi naman ako naghihintay ng kapalit". Nakangiti kong wika. "Ang bait mo talaga,YC". Hindi kaya. Kung alam lang niyang naging bully rin ako sa dati kong school. Magbabago kaya ang tingin niya sa akin kung sakali?. Ngumiti lang ako. "Pwedeng sumama sa inyo?". Si Aaron. "Oo naman. Maupo ka". Wika ko. Alangan namang sabihin kong hindi eh kapatid niya si Charm. Umupo ito sa tabi ng kapatid. "Sandwich?".Alok ko sabay turo sa transparent tupperware kung saan nakalagay ito. Kinakausap ko sya na animo ay walang mali ,pero ang totoo nangggalaiti na ako sa galit at kating kati na akong makausap siya ng solo, yung kami lang at gusto kung makausapin sya kung anong nangyayari sa kanya. "Salamat. Busog pa ako". Pagtatanggi nito. Ipinagpatuloy ko ang pagkain dahil talagang gutom ako. Habang abala ako sa pagkain ko ay nagpaalam na magCCR muna si Charm, napangiti ako sa isip ko sapagkat pagkakataon ko na para makausap ang mokong na ito. " sige, balik ka kaagad ha" ani ni Aaron. Mahabang katahimikan ang namayani sa aming pagitan ni Aaron, at ng hindi na ako makatiis. "May problema ba tayo Babe?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin na tila ba humihingi ng sorry. "Babe ko! sorry ! Patawarin mo ako kung nasungitan kita at hindi pinapansin noong mga nakaraang araw!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook