Umiinom na naman si Rick sa maliit na bar sa bahay ng mga magulang niya. Pagkatapos ng kasal ay napilitan silang umuwi sa Nueva Vizcaya, ang probinsiyang kinalakhan nila. Kahilingan iyon ng kanyang ina na manatili muna sila sa poder ng mga ito. Alam niyang hindi para sa kanya iyon, ginagawa ng kanyang ina ang bagay na iyon para kay Alex.
Sa ngayon sila lamang ang naroon kasama ang isang katulong at driver na matagal ng naninilbihan sa kanila. Nagpa-America ang kanyang mga magulang para sa heart surgery ng kanyang ina. Isa iyon sa mga rason kung bakit siya napilitang magpakasal sa babae.
Hininging kapalit ng kanyang ina para magpagamot ay ang makasal siya kay Alex. Mahal niya ang ina at hindi pa siya handang mawala ito sa buhay niya. Kung kailangan niyang magsakripisyo ay gagawin--iyon ang inakala niya.
But his life is miserable right now.
Naikasal siya sa babaeng hindi niya mahal at kailanman ay hindi niya kayang mahalin. Napilitan siyang iwan at saktan ang minamahal na babae, si Keila. At sa tuwing naaalala niya ang babae ay labis siyang nasasaktan at the same time ay lalong bumabangon ang poot na nararamdaman niya kay Alex.
Keila was devastated when she heard the news. Nagsumamo na piliin niya ito. Noon niya lamang nakita ang babae na umiyak at magmakaawa sa kanya para huwag niyang iwanan.
He was very guilty. At mas lalo lang siyang namuhi sa babaeng dahilan ng lahat. Dahilan kung bakit naiipit siya sa isang sitwasyon. Dahilan para maging impiyerno ang buhay niya.
Tinungga niyang muli ang basong may lamang alak. Naging routine niya ang ganoon. After work ay sa may bar siya tumutuloy upang uminom. Magpakalango sa alak upang kahit papaano ay makalimutan sana ang mga problema. Lalo na ang kay Keila.
"Dinner is ready." Ngunit kahit gustuhin niyang makalimot. Naroon naman ang taong nagpapaalala sa kanya ng lahat. That he made a terrible mistake that he can't undo. Not this time.
Tumingin siya sa nagsalita. Si Alex iyon na nakasuot pa ng puting apron. Naningkit ang mga mata niya at binalewala lamang ang presensiya nito.
Since her Mom and Dad left, hindi na niya pinagbuhay prinsesa ang babae. Even if they have Aling Mering, inutusan niya itong gumawa sa bahay. Like cooking and cleaning. Umalma man ang matandang kasambahay nila, wala itong nagawa kundi sumunod. Hindi naman ito puwedeng magsumbong sa mga amo sa America dahil nga sa kalagayan ng Ginang Sebastian.
Akala ni Rick ay makakarinig siya ng angal o kaya ay magagalit si Alex sa pinapagawa niya, pero isang linggo na ang nakakaraan ay tahimik lamang ito. Ni hindi man lamang niya naringgan ng reklamo si Alex. Sunud-sunuran ito sa kanya. Iyon ang lalong nakadagdag sa pagkamuhi niya rito.
"Kakain na..."
"Get out!" bulyaw niya rito. Nairita siya bigla dahil hindi man lamang makaramdam na ayaw niyang nakikita ito. Talagang pinanindigan nitong ipilit ang sarili sa kanya.
"L-lalamig ang pagkain," utal na muling nagsalita ito. May panginginig ang boses na tila ba pinipigilan ang isang emosyon.
"I eat whenever I want. Get out! Ayaw kitang makita," singhal ni Rick.
Nanatili pa rin sa may pinto si Alex na lalo niyang ikinairita.
"Bingi ka ba? Langya! Sinabi kong ayaw kong makita iyang pagmumukha mo eh!" Sigaw niya ulit dito at inihagis ang basong hawak.
Namutla ito sa gulat. Ang baso ay nabasag malapit sa babae. Natalsikan pa ito dahil may laman pang alak ang basong initsa niya.
Nagpupuyos siya sa galit. Mas lalo lamang nadagdagan iyon nang bumaba ang babae para pulutin ang basag na piraso ng baso.
"Putang-ina! Umalis ka!" dumagundong ang malakas niyang sigaw.
Sa gulat kay Rick ay napahigpit ang hawak ni Alex sa pinupulot na bubog. Bumaon ito sa kanyang daliri.
Natigilan naman si Rick nang makita ang dugong pumatak sa sahig mula sa daliri ni Alex. Hindi siya nakaimik nang tumayo ito naglakad paalis. Hawak ang daliring nasugatan.
Umalis ito na wala man lamang sinabi. Wala ni isang reklamo.
Napakuyom siya sa kamao.
Nakita na naman niya itong nagpipigil ng iyak. Ngumingiti ito pero alam niyang ibang ngiti na iyon, hindi gaya ng dati.
Bakit pakiramdam niya, ipinaparamdam nito sa kanya ang pagiging miserable! Bakit inuusig ang kanyang kunsensiya sa tuwing tahimik lamang itong tinatanggap lahat ng pagmamalupit niya? Napasabunot siya sa buhok, lalo na noong mahagip muli ng kanyang tingin ang dugo sa sahig.
Walang pagbabago sa kanilang sitwasyon. Sinasanay na lamang ni Alex ang sarili sa laging pang-iinsulto ni Rick. Even the food is okay, magrereklamo ito at magkokomento ng hindi halos makain na mga salita. Ipinaparamdam sa kanya na kailanman ay hindi siya magiging sapat. Na hindi niya mapupunuan ang iniwang espasyo ni Keila.
Nilulunok niya lahat ng salitang iyon. Sinasabi na lamang niya sa sariling huwag magpaapekto. Huwag kailan man magpakita ng kahinaan dito. Huwag umiyak, lalo na sa harapan nito.
Soon he will love her. Makikita nito ang kanyang mga ginagawa at pagpapahalaga. Ang kanyang pagmamahal. Umaasa siyang mamahalin din siya ni Rick. Abutin man ng ilang taon, ipinapangako niyang mananatili siya tabi nito. Hindi niya ito susukuan. Ganoon siya magmahal. Katangahan man na maituturing, wala na siyang pakialam. Pinangarap niya si Rick. Ngayon na abot na niya ito, hindi niya ito pakakawalan kailanman.
For the sake of her love, magtitiis siya. Sinabi niya sa sarili niya na sa umpisa lang iyon. Hanggang umpisa lang na malupit sa kanya si Rick.
But, everything is breaking into pieces. Her heart shatters even more when one night, her estranged husband come home late with her ex-girlfriend. Ang kapatid niya kahit hindi naman sila magkadugo.
Ngayon niya lang ulit nakita ang kapatid. Hindi ito dumalo sa kanilang kasal kahit imbitado naman. Maging ang madrasta niya ay hindi sumipot. Itinakwil siya ng tuluyan dahil sa pang-aagaw niya sa kasintahan ng anak.
Akay-akay ng kanyang kapatid ang lasing niyang asawa. Nanibugho siya sa nakita. Nasaktan siya sa pagkakalapit ng mga ito. Agad siyang lumapit sa mga ito para siya na ang magdala sa asawa sa kuwarto.
"Don't touch me. Nandidiri ako sa'yo," asik ni Rick sa kanya nang akma na niya itong hawakan. Iwinaksi nito ang kanyang kamay.
Hindi siya nagpatinag dito. Gusto niyang kunin ang asawa sa kanyang kapatid. Pero mismo ang kapatid na niya ang pumigil sa kanya.
"He told you not to touch him." Nagpanting ang teynga niya sa sinabi ng kapatid.
"Asawa ko na siya,Keila. I can take care of him. Puwede ka nang umalis. Salamat sa paghatid sa asawa ko." Pinatigas niya ang ekspresiyon ng kanyang mukha. She even put emphasis sa salitang asawa.
Natawa si Keila. Saka siya inismiran. Binitiwan nito si Rick pero agad itong hinila sa beywang ni Rick. Yumakap ng pagkahigpit-higpit ang lalaki.
Nakangising tinaasan siya ng kilay ni Keila. Waring nagsasabing talo siya.
Nahalata naman ni Aling Mering at Manong Dado na may tensiyon sa kanila kaya sila na ang umakay sa kanilang amo papunta sa kuwarto pagkatapos nilang ihiwalay ito kay Keila.
Nagpumiglas pa ang lalaki pero dahil sa kalasingan ay wala itong nagawa.
"M-ahal! Halika na..." sigaw pa ni Rick na halos nabubulol na.
"Sino kaya ang tinatawag sa atin? Sino kaya ang kailangan ni Rick?" aniya ni Keila at hinarap siya.
Hindi naman siya nagpatinag dito.
"Asawa niya ako..."
"Asawa? Remember na asawa ka niya lang sa papel. He never love you and he will never ever love you! Iisang babae lang ang kaya niyang mahalin, at ako iyon!" Mataray na putol nito sa sasabihin niya.
"Sa papel man o hindi man niya ako mahal, I'm still the legal wife. Alam ng mga tao yan!" Naging matigas rin siya rito. Talo man siya, ayaw niyang ipakita iyon. Lalaban siya kahit nadudurog na siya.
"Yeah, pero alam ng mga tao ang dahilan kung bakit ka niya pinakasalan. Pinikot mo lang si Rick."
Sa isang iglap ay hawak na niya sa braso si Keila at mahigpit na hinawakan iyon.
"Never ever see my husband again. Binabalaan kita, Keila. Nagawa ko siyang agawin sa'yo. Mas masahol pa ang magagawa ko kung patuloy mong isisiksik iyang sarili mo sa kanya."
Iwinaksi nito ang kanyang kamay. At matalim na tinitigan.
"Kahit itali mo pa si Rick sa beywang mo babalik at babalik siya sa akin. Because I'm his true love!" asik nito.
Sapol siya sa sinabi nito. Masakit na marinig ang katotohanan. Ngunit hindi siya nagpahalata. Nginitian niya si Keila kahit pa mapait ang nalalasahan niya sa bunganga.
"But still, you're going to be a mistress. Kabit! Anong mas kahiya-hiya, Keila. Ako na asawa na namikot, o ikaw na mahal pero isa nang kabit?" Nakita niya ang pag-iiba ng ekpresiyon nito sa mukha. Kaya lalo niya itong nilapitan. Napaatras naman ito.
"And if you two planning me to sign a divorce paper. Hindi ninyo iyon makukuha. You're making my life miserable and not happy, then I will make you two not happy as well. You will never have a happy ending. Thanks to me!" mapait niyang sabi saka binigyan ito ng isang nakalolokong ngiti.
"You can leave now. O baka gusto mong kaladkarin kita palabas ng pamamahay na ito!"Nanlaki ang mga mata ni Keila sa kanyang banta . Nagngingitngit sa galit na humakbang ito paalis.
Napasalampak siya sa sahig pagkaalis ni Keila at tuluyang ng hinayaan ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
She even cried out loud. Hinayaan lang siya nina Nanay Mering at Manong Dado. Alam nilang kailangan niya iyon. Kailangan niyang ilabas ang sama ng loob. Ang sakit sa kanyang dibdib. Hindi naman lingid sa kanila ang sitwasyon nilang mag-asawa.
Nang nahimasmasan na siya. Namumugto ang mga matang pumasok siya sa kuwarto ni Rick. Hindi sila magkasama sa iisang kuwarto. Ipinamukha nito ang impiyerno sa pamamagitan ng pagtrato nito sa kanya. Ni hindi siya nito matapunan ng tingin. Hangin siya kung ituring.
Tulog na tulog si Rick dahil sa kalasingan. Pinagsawa niyang mabuti ang mga mata para titigan ang asawa. Na tanging nagagawa niya lamang kapag lasing ito.
Muling tumulo ang kanyang mga luha. Tila napabayaan na ng lalaki ang sarili. Mahaba na ang bigote at balbas nito sa mukha. Lumapit siya dito at hinaplos ang mukha nito.
"I'm sorry," impit niyang bulong. "Ang tanging kasalanan ko lang naman ay ang mahalin ka ng lubos. I know my ways are wrong. But I never plan to make your life this miserable."
Nanginginig ang kanyang kamay habang muling humaplos sa mukha nito.
"Ayaw kong nakikita kang ganito, Rick. I just wish even once makita kitang masaya sa piling ko. I'm okay with that. I may leave you with a happy heart. I will stop asking when are you going to love me? Because I know it will never happen. Hayaan mo lang sana akong mahalin ka!" Hinalikan niya ang pisngi ng asawa bago tuluyang umalis. Nabasa pa nga ng kanyang luha ang pisngi ni Rick na agad niyang pinunasan.
Mabibigat ang mga hakbang niya paalis. Bagsak ang kanyang balikat habang hinila ang pinto pasara.
Nagmulat ng mga mata si Rick.
Hunghang ang kanyang pakiramdam.
Somewhere in his heart is pain.
A while ago. When she's kneeling down and talking. He wants to grab her and hug her tight. He wants to stop her from talking. Those words hitting hard. It pained him.
Masyado na ba siyang naging demonyo dahil sa galit? Masyado na ba siyang nilamon ng ginawa nitong kasalanan para tratuhin niya ng ganoon ang ngayo'y asawa na niya?
But still, mas pinairal niya ang dahilang deserve ng babae ang lahat ng ipinapakita niya. Masaya na sana siya sa piling ni Keila. Sila na sana ang kasal ngayon at bumubuo ng pamilya. Sana ay nanatili rin lang silang magkaibigan ni Alex.
It's been a stressful week. Kaya naman nagpasya siyang paunlakan ang imbitasyon ng mga kaibigang mag-bar. Sakal na sakal na rin kasi siya sa bahay nila. Sa tuwing nakikita niya si Alex, hindi siya masaya. Pakiramdam niya nasa impiyerno rin siya, na dapat ay kay Alex lamang.
Inakala niyang mga lalaking kaibigan lang ang nandoon, kaya naman laking gulat niya nang makita si Keila. Keila is not a party goer. Kaya ikinagulat talaga niya ang presensya nito.
"Hi, Rick," bati ni Keila sabay halik sa kanyang labi. Inilayo niya agad ang sarili rito.
"Don't do that again," pagbabanta niya sa babae. Ayaw niyang makita silang intimate na dalawa. Ayaw niyang pag-isipan ng masama ng iba ang babae.
"Why? Ayaw mo na ba sa akin? Hindi mo na ba ako mahal?" puno ng hinanakit na tanong nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim.
Of course mahal pa niya ito. Hindi basta mawawala iyon.
"You know our situation, Keila. Ayaw ko lang na madamay ka sa gulong meron ako. Ayaw kong masira ang meron ka ngayon!" saad niyang lumayo ng bahagya sa babae.
"Wala akong pakialam sa career ko, Rick. Mas importante ka sa akin. Mahal na Mahal kita."
Napapikit siya. Gustong-gusto niyang bumalik kay Keila. At isa lang ang paraan para dito.