Ngawit na ngawit si Alex dahil sa naging puwesto ng tulog sa mesa kagabi. Alas tres ay nagising siya at halos hindi maigalaw ang katawan dahil sa iisang puwesto ng ilang oras na pagkakadukdok sa mesa. Bago siya pumanhik ay sinilip niya ang sasakyan at kung nakauwi na si Rick. Nang matantong naroon na ang asawa ay lumipat na siya sa kanyang sariling kuwarto. Alas singko ng umaga nang bumangon siya at nagprepara ng umagahan para sa asawa. Nais niya itong pagsilbihan kahit binabalewala siya. "Alex?" Gulat na gulat si Nanay Mering nang makita siya sa kusina. "Ako na dapat diyan. Magpahinga ka na lamang, hija." Matipid na ngumiti si Alex sa matanda. Patapos na siya sa pagpi-prito ng ham at itlog. Ngayon ay magto-toast naman siya ng tinapay kaya tinalikuran niya ang matanda at humarap sa bre

