Chapter 5

1691 Words
Agad ring umalis si Rick pagkatapos makapagbihis. Magkikita sila ni Keila kaya nagmamadali rin talaga siyang makaalis sa bahay.  Hindi man maganda sa career ng dalaga ang pagkikita nila, hindi niya ito mahindian lalo na at magpapa-Maynila ito para i-pursige ang career bilang modelo at pagiging actress. Gusto niyang pagbigyan ang kahilingang makasama siya nito kahit saglit lang. Bago man makalabas sa bahay, nalagpasan niya si Alex sa maliit na kuwarto at tila abalang-abala sa kung ano. Napatigil siya saglit at pinagmasdan ito. Nakayuko ang dalaga habang nasa harap ng computer at may tila kuwaderno sa harapan nito. Napabuntong hininga siya nang mapansin nga na namumutla ang dalaga. Marahil dahil hindi halos lumalabas ito at nagkukulong lamang sa bahay nila. Naiinis siya dahil mismong ang dalaga ang nagkukulong sa sarili nito. Hindi naman niya pinipigilan ang babaeng makipagkaibigan o makipagkita sa iba. Wala siyang pakialam doon. Mas gugustuhin nga niyang may makilala itong lalaki para tuluyan na siyang iwanan at hiwalayan. Napaiwas siya ng tingin at naglakad paalis nang magtaas ng tingin si Alex sa kanya. "I'll be late, Nay Mering, huwag niyo na akong hintayin," paalam niyang mas nilakasan ang boses nang makasalubong ang matanda. Alam niyang patungo ito kay Alex dahil may dala-dala itong meryenda. "Saan ka pupunta hijo?" Tumigil siya at muling napasulyap sa nakabukas na kuwartong kinaroroonan ni Alex. "I-" Nakita niya ang pagsilip ni Alex sa may pinto. "I will meet, Keila," sadya niyang ipinarinig iyon kaya tuluyang lumitaw si Alex. Nagsalubong ang mga mata nila. Mata niyang nanghahamon, at mata ni Alex... Na... nang-uunawa kahit kababakasan iyon ng lungkot. Nagtagis bagang siya nang hindi niya ito makitaan ng galit. Kaya tumalikod na lamang siya at nagtuloy-tuloy pababa ng hagdan paalis sa bahay. Mabilis siyang nakarating sa apartment ni Keila. Nakaamba pa lang ang kamao niya para kumatok ay bumukas na ang pinto.  Inaasahan talaga nito ang pagdating niya. "Hon," bati nito pagkatapos ay humalik sa kanyang labi. Mabilis lamang na dampi iyon  pagkatapos ay kumapit sa kanyang braso at inakay siya papunta sa loob. Lalo na siyang nagtaka nang makita ang kusina nitong may nakahandang pagkain at may pa-candle light pa ito. Hinarap niya si Keila na nakakunot-noo. "What's this?" "Surprise!" Niyakap siya nito. Hindi niya maintindihan kaya hindi siya yumakap pabalik. Nakahalata ang babae kaya bumitiw ito at nakangusong tumitig sa kanya. "Hindi mo nagustuhan ang surpresa ko?" May tampong saad pa nito. Tila naman siya nakunsensiya kaya ginagap niya ang kamay ng babaeng mahal at hanggang ngayon ay mahal pa niya. "Kei, we can't do like this for now. Kasal pa rin ako, masisira ko lamang ang career na sinisimulan mo. Hindi ko kayang makitang bumagsak ka dahil sa akin," ani niyang tipid na ngumiti sa babae. "Sabi ko nga, I don't care about my career anymore. Akala mo ba kaya kong makitang ako ang mahal mo pero iba ang kinakasama mo? If I can, at gagawin ko, makikiamot din ako ng oras mo..." Umiling ito. "No! Ako ang mahal mo kaya bakit ako makikiamot, iwanan mo na lang siya, magsama na tayo." Binasa ni Rick ang labi sa pamamagitan ng pagdila dito nang maramdaman niya ang panunuyo sa labi. Nakatitig pa rin siya kay Keila na nagmumukha nang desperada. "Do you still love me?" usal na tanong nito nang nanatili lamang siyang nakatitig. Hindi siya makaapuhap ng salita kung paano niya kukumbinsihin si Keila na maghintay sa tamang panahon na malaya silang muling magmahalan. "Dahil kung ako, mahal na mahal kita, Rick." Muli na lamang niya itong hinila palapit sa katawan niya at niyakap nang mahigpit. "Just give me more time, Kei. Maaayos ko rin ang lahat ng ito." Pagkatapos sabihin iyon inilayo niya bahagya ang babae at siniil ng halik. Halik na alam niyang makakapagpawala sa mga agam-agam at tampo nito sa kanya. Yumakap ang kamay nito sa kanyang leeg at mas lalong naging mainit at malalim ang halik na pinagsaluhan nila. Balak lang sana ni Rick na tanggalin ang tampo nito pero mas naging mapusok si Keila. Mas naging maalab ang pinagsaluhan nila at natangay sila kung saan napag-isa ang kanilang mga katawan. Hindi nila napigilan na iparamdam sa isa't-isa ang matinding pangungulila at pagmamahal. Sa kanila, walang mali dahil nagmamahalan silang dalawa. "I have to go," ika ni Rick pagkatapos nitong tingnan ang oras sa kanyang relo. Alas onse na ng gabi, limang oras din silang nagpakasasa sa isa't isa ni Keila. "Do you have to? Dumito ka na lamang," ani naman ni Keila habang nakahiga ito sa dibdib niya at nilalaro ng daliri ang u***g ng kanyang dibdib. Napabuntong hininga siya at humalik sa ulo nito. "I really need to go, hindi makakabuti sa atin parehong makita ako kinabukasan dito sa apartment mo." Bumuga ito ng hangin at tumingala sa kanya. Inilayo nito ang ulo sa kanyang dibdib at umayos ng higa. Bumangon naman si Rick at pinulot ang nagkalat na saplot sa sahig. "Tawagan mo ako kapag nasa Maynila ka na..." bilin niya kay Keila na ngayon ay mukhang inaantok na. Napag-usapan nilang itutuloy ng babae ang pagpupursige sa career nito. Siya naman ay kukuha ng tamang oras para hiwalayan si Alex. "I love you. Sleep well," bulong niya rito. Kinintalan ng halik sa labi bago tuluyang lumabas sa kuwarto. Malamig na ang hanging sumalubong sa kanya pagkalabas sa apartment ng dalaga. Hindi niya sana balak umuwi pero iniisip niya ang maaring reaksiyon ng mga kasambahay nila, baka makarating pa iyon sa kanyang ina na nagpapagamot sa States. Mag-aalas dose na ng madaling araw nang makarating siya sa kanilang bahay. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at hindi na nag-abalang buksan pa ang ilaw. Tanging ang tanglaw sa kanyang paglalakad ay ang dim light sa corridor patungong hagdan. Maingat din siyang naglakad patungong kuwarto niya, nang mahagip ng kanyang paningin ang kuwartong ginagawang opisina ni Alex. Hindi niya na sana papansinin iyon ngunit naging kuryoso siya dahil sa ilaw na nanggagaling sa loob. Dahan-dahan siyang lumapit at maingat rin niyang itinulak pabukas ang pinto. Nagtagis bagang siya nang makita si Alex na tulog sa mesa. Nakaharap sa may pinto ang mukha nito at ginawang unan ang braso. Mula sa pinto, pinagmasdan niya si Alex. Walang pagbabago, katulad noong una niyang nakilala ito, maamo pa rin ang mukha ni Alex. Kabaliktaran ng palaban nitong aura kapag nagising. Napasandig siya sa pintuan at napatawa ng mapakla. Siguro noon, pero hindi na pala  gaya ng dati si Alex. Nawala na ang pagiging palaban nito. At iyon ang labis na ipinagpuputok ng butse niya. Gusto niya itong lumaban sa ginagawa niyang pagpapasakit sa kalooban nito. Gusto niyang ito na mismo ang kumawala sa impiyernong buhay nila. Gusto niya itong hamunin siya, murahin siya, hindi ang magpakadurog sa kanya hanggang sa wala ng matira. "Rick..." "Shhh." Agad napabaling si Rick kay Nanay Mering at awtomatikong inilagay ang daliri sa bibig para ipahiwatig ditong huwag maingay. Tumango naman ang matanda. "Dadalhan ko lamang siya ng kumot," bulong rin ng matanda at dahan-dahang pinuntahan si Alex. Dahan-dahan din nitong ipinatong sa likod ni Alex ang kumot na dala 'saka muling naglakad paalis. "Ilang gabi na ring nagpupuyat. Hindi ko naman masabihan dahil diyan lamang siya naabala bukod sa pagluluto at paglilinis ng bahay." Hindi alam ni Rick kung patama ba sa kanya ang huling sinabi ng matanda. Nang titigan naman niya ito ay wala siyang masabing masamang ibig sabihin ito na kasalukuyang nakatingin muli kay Alex. "O, siya. Magpahinga ka na rin," muling saad nito at bumaba na. Hindi alam ni Rick ngunit nanatili pa rin siya sa may pinto at tumitig lamang sa natutulog na si Alex. Hindi niya alam kung ilang minuto rin niyang pinakatitigan ang asawa, basta naroon lang siya at hindi magawang ihakbang ang sariling mga paa. Saka lamang siya tila nakawala sa hipnotismong titigan ang asawa nang nang gumalaw ito at nahulog ang inilagay ni Nanay Mering na kumot. Wala sa sariling pumasok siya sa loob at lumapit kay Alex. Bumaba siya para pulutin ang kumot at muling ibalik sa likod ni Alex. Balak niyang ipatong lamang iyon at agad rin na aalis ngunit, naitulos siya sa kinatatayuan nang makita ang butil ng luha na tumutulo sa mga mata ni Alex. Hanggang sa pagtulog nito ay umiiyak ito. Nasasaktan. Nagtitiis. Napahigpit ang hawak niya sa kumot at nalamukos iyon habang patuloy na inuusig ng konsensiya. "Kasalanan mo rin naman kung bakit ka nasasaktan, Alex. Bitiwan mo na ang sinasabi mong pagmamahal. It's not worth to fight for," ika niyang sarili naman ang kinakausap. Hindi maisatinig ang nilalaman ng kanyang isip. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi nito para punasan ang luhang naroon. Hanggang sa ang daliri niya ay magawi sa labi ni Alex. Napalunok siya nang maramdaman ang malambot nitong labi sa pamamagitan ng kanyang daliri. Nang muling gumalaw ito ay agaran siyang napalayo. Ipinilig niya ang ulo at sinuway ang sarili sa ginawa. He adored Alex before, aaminin niya iyon. Ito ang dahilan at naging daan kung bakit niya nakilala si Keila. Ito rin pala ang magiging dahilan kung bakit naghiwalay sila at naghihirap ang mga kalooban nila. Hindi niya akalaing makakagawa ng ganoon si Alex. Alex was a sweet and a resaonable lady before. Iyon ang unang nakilala niyang pag-uugali nito. Kaya nga siya galit na galit sa mga pangyayari. Hindi niya mapigilan ang umaapaw na galit. Nagtiwala at umasa siya na gagawin ng babae ang tama. Na kakalimutan nito ang nararamdaman sa kanya. Na matatanggap nito na ang mahal niya ay ang kinakapatid nito. Hindi man sila magkadugo, ninais niyang maging mapagparaya si Alex. Pero hindi! Mas pinili nitong manakit ng damdamin.  Mas ginusto nitong ahasin ang kinakapatid. Muli niyang pinasadahan ng tingin si Alex. Nagawi ang tingin niya sa singsing nila bilang mag-asawa. Napahimas siya sa kanyang palasingsingan. Hindi niya kailanman sinuot ang sa kanya pagkatapos ng kasal nila. Nagpasyang iwanan ni Rick si Alex pagkatapos niyang ayusin ang kumot sa likod ng babae. Mabibigat ang mga paa niyang nagtungo sa sariling silid. Alam niyang hindi na siya makakatulog pa. Mas inuukopa ang isipan niya ng mga bagay-bagay. Mga agam-agam na hindi niya alam kung paano re-resolbahin. At isang damdaming hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD