"Okay ka lang ba, hija?" untag sa kanya ni Nanay Mering nang halos hindi niya ito bitiwan sa pagkakayakap. Hindi na rin niya alam kung ilang minuto sila sa ganoong posisyon. Bumitiw siyang nahihiya rito. Muli na lamang siyang naupo, kinuha ang turon sa plato at kumain para maitago ang lungkot na nararamdaman. "Nay, puwede kaya akong lumabas ngayon? Dadalawin ko sana ang puntod ng mga magulang ko," paalam niya rito. Natigilan si Nanay Mering ngunit agad rin naman napangiti. "Oo naman, panahon na para makalabas ka naman sa lungga mo, hija. Magpasama ka kay Dado." Tipid siyang muling nangiti. Hindi sa ayaw niyang lumabas. Ayaw niya lang maging dahilan na magalit muli si Rick. Kabilin-bilinan nito na dapat ay walang makakaalam na ikinasal sila. May mga kakilala kasi siyang siguradong ma

