Nakatitig lamang si Alex sa design na ginawa niya sa laptop. Tila ba may kulang iyon. Nakailang bura na rin siyang ginawa pero hindi pa rin siya kuntento. Nagulo niya ang sariling buhok dahil hindi niya matanto kung ano talaga ang kulang sa gown na iyon na para sa ikakasal. "Mukhang nahihirapan ka sa ginagawa mo? Okay ka lang ba?" bungad na tanong sa kanya ni Nanay Mering. Katulad ng dati, may dala itong meryenda. "Kumain ka muna. Nagluto ako ng turon at bibingkang kanin." Nilapag nito ang pinggan sa may gilid saka sumilip sa kanyang ginagawa. "Kuh! Kay ganda naman ng damit pangkasal na iyan!" puri nito. Pilit siyang nangiti dahil para sa kanya, hindi iyon maganda. "Bagay sa iyo ang magsuot ng damit pangkasal. Sana makita kitang i-kasal na naka-trahe de boda at nakaharap sa altar

