Halos ayaw nang humakbang ang mga paa si Alex palapit kay Rick na madilim ang mukha. Napatanong tuloy siya sa sarili kung bakit naroon ito? Paanong nalaman na naroon sila? Malayo pa lang sila ni Chester ay nakikita na niya ang matatalim na tingin nito. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro kanina pa bumulagta si Chester sa harap niya. Ayaw na ayaw ni Rick na magkita sila ni Chester, iyon pa kayang makita silang naghaharutan? Speaking of Chester, ang damuho, talagang ginagalit pa si Rick dahil bigla itong umakbay sa kanya. Ngunit galit nga ba si Rick? Baka guni-guni lamang niya iyon? Baka nagkataon lang din na naroon ang asawa at nakita sila. Baka hindi siya ang pinuntahan nito. Napatigil tuloy siya at napaisip kung pupunta ba sa asawa niya o sasama ba kay Chester sa sasakyan nito. N

