Pagod na pagod si Rick na pagkatapos magbihis at magsipilyo ay agad na nahiga para matulog. Hindi na niya naramdaman ang pagdating ng kanyang asawa sa kuwarto, basta nagising siya na wala ang asawa sa tabi niya. Kinapa niya ito sa kanyang tabi ngunit walang Alex na natutulog doon. Napabalikwas siya nang mapagtantong wala nga talaga ito sa tabi niya at sigurado siyang hindi ito natulog doon dahil maayos na maayos kung saan nakapuwesto ito. Tiningnan niya ang orasan. Alas dos kuwarenta'y singko lamang ng madaling araw. Nagtataka siya kung bakit hindi tumabi sa kanya si Alex. Wala naman siyang alam na dahilan kundi ang pagiging late niya kagabi. Hindi na rin talaga siya nakatawag dahil sobrang abala siya sa sunod-sunod na meetings. May problema pang kinaharap ang isang shipment nila kaya n

