Hindi siya sumama kay Chester. Nasaktan man siya sa nalaman nangibabaw pa rin sa kanya ang pagiging mabuting asawa kay Rick. Ilang linggo na lang naman at lilisanin na niya ang bahay na iyon. Ilang linggo na lang at pakakawalan na niya ang lalaki. Oo, ka-martyr-ran na at katangahan ang ginagawa niya sa sarili. Pero sa mga huling araw na pamamalagi niya roon, gusto na lang niyang i-buhos ang lahat. Sinabi niya kay Nanay Mering na siya ang magluluto ng paboritong ulam ni Rick para sa hapunan. Beef pochero at buttered shrimp. Dahil sariwa pa ang karne at hipon na nabili, siguradong magugustuhan ng kanyang asawa iyon. Nagpagawa rin siya ng buko pandan kay Nanay Mering. Para naman iyon sa kanya. Nagke-crave kasi siya ng matamis at talagang masarap gumawa ng dessert ang matanda. "Alex, hindi

