- Kanina pa hindi mapakali si Naia. Nasa guest room nanaman siya ng pamamahay ng mga Montecillo—the very same one she and Jarvis shared that... that night. And it haunts her. Just like George, she cheated. Ang kaibahan lang nila eh mas malala 'yung ginawa niya. Dalawang tao ang maaapektuhan kung malaman iyon ng iba. Si Inno na fiancé niya at si George na girlfriend ni Jarvis. The only consolation she has is the fact na walang maalala si Jarvis. And Dos, mukhang wala itong balak sabihin kay George ang alam dahil kung talaga gusto nito sirain ang relasyon ng babae sa pinsan ay sana'y sinabi na nito dito ang nangyari sa kanila at ng kasintahan nito. She'd instantly break-up with him. Pero mukhang hindi kaya saktan ni Dos ang babae. Mukhang mahal nga nito si Georgina. Pero bakit hindi nito

