- Hindi makatingin ng diretso si Naia kay Jarvis. Kasalukuyan silang nasa kusina as he prepared tea for her. Si Seven naman ay sumama sa kanila't nakasalumbaba sa may kitchen island habang nakatingin sa kanya. Jarvis responded to her kiss like he usually does. Bagaman nagulat ay agad itong nakabawi na siya ding paglalim ng halik na kanilang pinagsaluhan. It was a little over a minute before Seven interrupted them when he cleared his throat. "Um, as much as I am pro-NaRvis, nasa paligid lang po si Tita Saturn and she could see you two doing... um... that. Sigurado akong hindi 'non maaappreciate ang live show niyo the way I would and the rest of your shippers." Inulan niya ng samu't saring mura ang sarili. Like seriously. Ano nanamang kagagahan ang pinaggagagawa niya? Lately ay para bang

