ALTHEA Ika dalawampong taon ng aking kaarawan. Pinagdiwang lang din namin ito ng simple sa aming tahanan. Nagpa-catering lang kami nila Mom and Dad. At pili lang din ang mga bisita na aking inimbitahan. Pumunta lahat ang mga kaibigan ko, kasama rin ni Jake at ang kasintahan nitong si Jona. Dumalo rin ang ilang kaibigan nila Mom and Dad. At s'yempre present din sila kuya Carl, Matt,Vince, Uno at kuya Noah... Isa na lang ang hinihintay kong bisita, at laging kumakabog ang dibdib ko at nanabik sa tuwing tutunog ang doorbell namin. Marahil ay napansin ni kuya Matt ang aking pag-alala at pagka balisa, kaya pinuntahan ako nito at binulungan na tatawagan niya si Kiel. Kaninang umaga pa ako ang me-message sa kanya pero hindi siya sumasagot sa mga text at tawag ko. Kalma Thea... Kalma... S

