ALTHEA Hindi na ako nagulat nang mga sumunod na araw at bigla na naman ulit itong lumitaw sa harap ng aming unibersidad. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Kung matutuwa ba ako or maiinis. Pero ang sigurado, nasasaktan pa rin ako sa nangyari. At kung dati sabik na sabik akong makita ito, pero sa mga oras na 'yon ay tila wala akong maramdaman. Para bang gusto ko muna itong iwasan. Dahil sariwa pa ang sakit na pinaranas nito sa'kin noong nakaraan araw. Nasanay kase ang mga ito na kapag si Kiel ang dumating malamang sasama ako rito. Wala rin naging komento ang aking mga kaibigan sa hindi nito pagsipot sa aking kaarawan. Hindi rin ako nagbanggit ng kahit na ano. Although, ramdam ko naman na alam nila ang dahilan ng pananamlay ko, pagkatapos itong hindi sumipot. Mar

